|5|: Misunderstanding

383 11 0
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

             Nakatingin pa rin ako ng matulin kay Raikko. Sinusubukan kong basahin ang nilalaman ng kanyang nga mata. Bakit nagsisinungaling nanaman siya sa akin? Bakit bumabalik nanaman ang dating Raikko na muntik sumira ng relasyon namin? Ngunit sa kabila ng aking mga pagtitig sa kanya ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.

            Bakit ba nagkakaganito? Natatakot ako. Natatakot ako na baka mangyari ang dati. Hindi pwede. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ang bagay na iyon. Mahal ko si Raikko kaya ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin. Pero paano kung siya mismo hindi gumagawa ng paraan para tumibay kami?

May magagawa ba ako?

"Raikko sumagot ka? Bakit ka nagsisinungaling sa akin." Mahinahon ko namang tanong sa kanya.

"Sae, wala rin namang mangyayaring maganda kung sasabihin ko pa sayo. Tsaka kahit sabihin ko man sayo, hindi ka pa rin naman makakasama doon." Sabi naman niya sa akin.

            Ano ba ako sa relasyong ito? Hindi ba't ang couple gumagawa ng paraan para maging patas at balanse ang kanilang samahan. Pero sa parte ko ngayon, unfair ang ginawa ni Raikko. Hindi ba ako mahalaga na dapat sinabihan man lang niya ako sa mga pupuntahan niya. Hindi naman ako mangingialam, gusto ko lang malaman.

"Sa tingin mo yun lang ang problema ko ha Raikko? You lied not once but twice for today. Ilang beses mo bang dineny na hindi ka nagpunta kanila Erika kahit ilang beses din niyang pinamukha sa akin na hindi ko alam ang mga galawa mo." Sabi ko naman

"Sae stop---"

"Ilang minuto din akong nag antay kanina sa wala Raikko. Sabi mo nasa Acacia Street ka na kahit ilang kilometro pa ang layo ng totoong lugar mo sa amin." Dagdag ko pa.

           Ramdam ko na din naman ang unti-unting pagtaas ng aking boses dahil sa gigil na aking nadarama.

"Please Sae, stop blaming me---"

"Inantay kita Raikko pero inuna mo pa yung kotse mo. Ano ba talaga ako sa relasyong ito? Ano ba ako sa---"

"I said enough! Tama na. Kung magrereklamo at magrereklamo ka lang, walang mangyayari sa atin. So please shut up!" Pagputol naman niya sa akin.

            I feel useless this time. Ramdam kong wala talaga siyang pakialam sa akin. Hindi ko maintindihan pero bakit naninikip ang dibdib ko ngayon. Hindi ba niya ako pakikinggan. Kagabi ang sweet niya pero ngayon, bumabalik nanaman ang coldness niya.

           Hindi ko kaya ang nararamdaman ko. Masyado akong nasasaktan. Para sa akin, makukuha mo ang pinakamasakit na pakiramdam sa taong lubos mong minamahal.

             Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko at tuluyan nang naglakad papalayo. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng cafeteria, hinarang naman ako ni Erika.

"Uy Sae, ang intense naman nun. You need water. Here oh," sabi naman niya at unti-unting tinapon kuno ito sa damit ko. Halata namang sinadya niya iyon. Inggrata talaga itong babaeng ito. "Sorry, nataoon eh. Gotta go." Pasweet naman niyang pahabol.

             Unti unti namang tumulo ang mga luha ko at umalis na din ako sa cafeteria. Napakamalas naman ng araw na ito. Bakit hindi man lang niya ako pinagtanggol kay Erika? Hinayaan talaga niya akong maging kawawa.

            Dumiretso naman ako sa lugar na nahahanap ko ang gaan ng aking pakiramdam. Sa flower garden ng aming school kung saan makulay at very peaceful.

            Doon ko naman binuhos ang lahat ng aking luha at bigat ng aking nararamdaman ngayon. I have to let go all of the pain. Ayaw ko namang mag-break  down dahil dito.

"Kung patuloy kang iiyak diyan, papangit ka." Pabirong sinabi naman ng isang boses galing sa likuran.

           Agad ko namang pinunasan ang aking luha at agad na humarap nang nakangiti sa kanya. Ayaw kong malaman niyang umiiyak nanaman ako dahil kay Raikko.

"Sige na. Kwento na." Sabi pa niya.

"Pwedeng payakap muna ako Gab. Kailangan ko lang talaga. Yun ay kung ayos lang na---"

             Bago ko pa natapos ang sasabihin ko sa kanya. Nakaramdam na ako ng init na bumabalot sa aking katawan. Hinaplos haplos niya ang aking ulo at inubob ang pisngi ko sa dibdib niya.

"Sige lang. Iiyak mo lang yan Sae. Nandito ako para sayo." Sabi naman niya.

           Hindi ko naman maiwasang maibuhos lahat ng tubig na naipon sa mga mata ko. Unti-unting kumawala ang mga iyon at nilabas ang lahat ng sama ng loob.

           Nang mabuhos ko na ang lahat ng hinanakit, humarap ako sa kanya at nginitian siya ng matamis.

"Ayos ka na? Pwede ko na bang malaman kung bakit para magkaroon na ako ng dahilan para bugbugin ang matsing na yun." Pabirong sabi nanaman niya.

           Sa pangalawang pagkakataon, natawa nanaman ako ng di-oras. Hinampas ko din naman ng malakas ang braso niya.

"Aray! Para saan naman yun." Sabi nanaman niya.

"Wag mo nga siyang sasaktan. Sige ka, malalagot ka sa akin." Sabi ko naman sa kanya at ipinakita pa ang kamao ko sa kanya.

            Nagtawanan nanaman kami. Ito talaga ang gusto ko sa kaibigan kong ito, sa lahat ng panahong malungkot ako, siya ang nagbibigay ng kaligayahan ko.

"Pero seryoso na. Bakit?" Tipid naman niyang natanong sa akin.

             Napangiti nalang ako at napayuko.

"Bumabalik nanaman siya. Yung Raikko na, may pagka-insensitive sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko ako lang ang gumagawa para mapagtibay namin ito." Sabi ko naman sa kanya at ngumiti ulit.

"Alam mo Sae, mahal niyo ang isa't isa. Walang problema ang bubuwag sa inyo. Napatunayan niyo na nga yan sa loob ng limang tao ehh. Ngayon pa ba na masaya kayo sa nangyayari, saka kayo susuko?" Sabi naman ni Gab.

            Tama si Gab. Nalampasan na namin ang lahat ng masasakit na pagsubok sa aming relasyon pero wala ni isa sa mga iyon ang sumira sa amin. Sa halip, ang mga pagsubok na iyon ang mas nagpatibay sa amin.

"Tama ka Gab. Salamat sa pakikinig ah." Sabi ko naman at muli siyang niyakap.

"Kahit ano para sa'yo Sae." Sagot nanaman niya sa akin saka niya ako niyakap na pabalik.

            Habang ako naman ay nakayakap pa din ng mahigpit kay Gab, may naramdaman naman akong kamay na humigit sa akin at inilayo pa ako sa mga bisig ni Gab.

"Wala kang karapatan na yakapin ang girlfriend ko! Get lost man!" Paninigaw naman niya kay Gab.

"Rai wala siyang ginagawa. Pinapagaan lang niya ang pakiramdam ko." Pangangatwiran ko naman.

           Napangisi naman aiya sa sinabi ko at hinigpitan pa ang paghawak sa braso ko.

"Nasasaktan ako---"

"Stop reasoning Serene. Alam mo bang sa ginagawa mo, nasasaktan din ako?" Sambit naman niya sa akin.

            Nilayo naman niya ako kay Gab at hinila pa ako paakis ng garden. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero isa lang ang alam ko iba ang aura ni Raikko ngayon at hindi ito maganda.





~○~○~☆○☆~○~○~
To Be Continued...
~○~○~☆○☆~○~○~

My Ex Is My LoverOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz