|1|: Anniversary

925 20 0
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

This day is a very special day for me. 5th year anniversary namin ni Rai ngayon. Nakakatuwang isipin dahil sa kabila ng lahat nang napagdaan namin, going strong pa din kami. Sana lang itong year na ito ang maging pinakamasaya sa lahat.

This year na din pala ang graduation namin. Kaso lang nasa kalahati palang kami ng unang semester kaya matagal tagal pa ang tatakbuhin namin.

Pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mga mata, kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinext ang espesyal na lalaki sa buhay ko.

To: Rai
______________________________________

Good Morning Love. Happy Anniversary!
______________________________________

Sent

Makaraan pa ang ilang minuto, wala pa siyang reply. Pero naiintindihan ko naman dahil maaga pa naman. Baka natutulog pa talaga yun.

Bumangon na ako sa aking kinahihigaan at agad na nag ayos ng sarili. Baka ma-late pa ako sa trabaho ko. Nag pa-part time job kasi ako sa isang coffee shop. Siyempre kailangan ko din ng extra allowance. Isa pa, tuwing Sabado at Linggo lang naman ito.

"Good Morning Sae. Blooming yata ngayon ang bestfriend ko. Anong ganap ha?" Bungad yan ng aking madaldal na kaibigan na si Rich.

"Anniversary kasi namin ni Rai ngayon kaya nag ayos naman ako kahit papaano." Sagot ko naman sa kanya.

Napanguso nalang siya at napataas ng kilay. Hindi na ako nag eexpect ng kahit anong compliment galing sa kanya. Di kasi siya boto kay Rai. Witness na daw kasi siya sa lahat ng pag iyak ko kapag mag napag aawayan kami ni Rai.

"Alam mo hanga din ako sayo beshiebam. Ilang beses ka na bang umiyak sa kanya?" Sabi niya at binilang bilang pa ang kamay niya at nag isip isip pa.

"Rich..." pagputol ko naman sa kanya "Mabuting tao si Raikko. Hindi lang sa lahat ng oras perpekto siya." Sabi ko naman at ngumiti pa.

"Sus! Pustahan pa tayo, hindi ka pa din niya binabati ng anniversary ngayon noh." Sabi naman niya.

"Hindi pa nga." Sabi ko nalang at napayuko pa. "Baka tulog pa yun. Sigurado naman akong babati din yun pag nagising na yun." Dagdag ko pa.

Napailing nalang siya sa mga sinabi ko at bibalik ang pansin sa trabaho dahil may pumilang customer sa counter niya. Cashier nga pala ang trabaho namin.

Chineck ko naman ulit ang cellphone ko. Wala pa din siyang reply. Pero 10 30 na, tulog pa din kaya siya?

Baka nga tulog pa yun. Binalik ko nalang ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtrabaho na muli.

Kailangan kong magtrabaho ng maayos. Tulong ko na din kasi ito sa sarili ko at kay Mama. Single mom kasi ang mama ko. Nang naisilang niya ako, iniwan nalang kasi kami ng tatay ko at eto kami ngayon, naghihirap.

"Isang strawberry-cream frapuccino nga miss para sa nag-iisang babae sa puso ko."  Sabi namam ng aking next customer.

Napakasweet naman ng lalaking ito. This guy reminds me so much of him. Bakit kaya wala pa din siya paramdam sa akin?

"Yun lang po sir?" Sabi ko naman at patuloy pa din sa pagpindot.

"Can I have you for this day? May I take you as my order?" Sambit naman niya

Inangat ko ang aking ulo at ngumiti.

Mas lalo pa namang lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang lalaking kanina ko pa inaabangan.

Hawak hawak niya ang isang bouquet ng peach roses at isang stuffed toy. Ngumiti naman siya na dahilan ng pagwawala ng kalamnan ko.

"Happy 5th Anniversary Love. Can I take you out?" Sambit pa niya.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now