|9|: Endanger

325 11 0
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

             Nag-iimpake naman na ako ng gamit ngayon dahil ito na ang araw ng pagbalik ko sa Manila. Nag-aalala pa rin ako sa hindi pagpaparamdam sa akin ni Raikko. Laging unattended ang cellphone niya at hindi rin naman niya ako kinocontact. Kaya sa pag-uwi ko, umaasa ako na makakakuha ako ng magandang sagot. Nakipagtulungan na nga din pala sa akin sina Gab at Rich. Nangako sila na babantayan nila ang bawat kilos ni Raikko. Buti naman may mga kaibigan akong maasahan sa ganitong sitwasyon.

           Hinatid naman ako nina Lolo at Lola pati si Gelai papunta sa terminal ng bus pa-Maynila.

"Apo mag-iingat ka ha. Mamimiss ka naming lahat." Sabi ni Lola Mila.

            Nginitian ko siya at tinanguan ko na din.

"Ikamusta mo nalang kami kay Doris ah. Sabihin mo, namimiss na siya ng tatay." Sabi naman ni Lolo Efren na tinanguan ko na din.

"Insan, wag mo kaming kakalimutan ah. Tsaka mag-chat nalang tayo pag may time." Sabi naman ni Gelai.

                Isa isa ko naman silang niyakap at nagpaalam na din ako sa kanila.

"Naku, mamimiss ko din po kayong lahat. Wag po kayong mag-alala hindi ko makakalimutan ang mga bilin niyo sa akin. Salamat po at napakasaya ng bakasyon ko dito. Sige po, mauna na po ako. Mag-ingat po kayo palagi." Sabi ko naman sa kanila.

               Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay sumakay na ako sa bus papuntang Manila. Haist. Mamimiss ko talaga ang Ilocos. Lahat ng mga tao dito partikular na ang pamilya ko dito. Pero mas may kailangan akong harapin ngayon sa Manila.

         Sa gitna naman ng aking biyahe, bigla naman ako nakatanggap ng tawag galing kay Rich.

"Oh Beshiebam, bakit ka napatawag? Tungkol ba ito kay Raikko?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ah Beshiebam oo eh. Nasaan ka na ba? Nandito nanaman sila sa bar. Beshiebam, may relasyon ba sila ni Erika?" Tanong naman ni Rich.

              Mga dalawang oras pa ang biyahe ko bago makarating. Pero magkasama nanaman sila ni Erika? Tsaka ano yung sinasabi ni Rich na may relasyon si Erika at Raikko? Imposible. Ako ang mahal ni Raikko. Ako lang at walang iba.

"Beshiebam, ano kasi ehh.. nakita ko silang naghahalikan. Beshiebam, may relasyon ata sila. Niloloko ka ni Raikko." Sabi ni Rich.

            Hinang hina ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang namamangka sa dalawang ilog si Raikko. Hindi ito totoo. Kailangan kong makasiguro kaya tinawagan ko naman agad si Raikko.

Pero gaya ng dati, hindi siya sumagot.

              Muli ko siyang sinubukang tawagan pero wala pa din akong nakuhang sagot. Naninikip na ang dibdib ko sa nangyayari.

          Makalipas pa ang ilang minuto nakatanggap naman ako ng chat galing kay Raikko. Agad ko naman itong tinignan dahil sa pananabik kong makausap siya.

         Pero nang buksan ko ang chat niya, bumungad sa akin ang larawan nila ni Erika na ....






Naghahalikan!

            Unti-unti namang bumuhos ang aking luha at patuloy na nanikip ang aking damdamin. Totoo na ba itong nakikita ko. Alam ba ni Raikko ang ginagawa niya. Masyado akong nasasaktan.

            Nang matapos ang aking biyahe, bumaba ako kaagad ng bus. Nakita ko naman si Gab na mukhang inaantay ako sa terminal.

"Nasaan si Raikko? Idala mo ako sa kanya. Kailangan ko siyang makita ngayon din." Utos ko kay Gab.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now