|47|: Double Confessions

237 13 2
                                    

○THE LAST 4 CHAPTERS○

MAKO'S POV
~○~☆○☆~○~

Nandito naman kami ngayon ni Alex sa garden ng hotel. Nakaupo kaming pareho sa isang bench kung saan masaya kong pinagmamasdan ang kagandahan ng kanyang mukha. Mga ilang minuto nalang siguro, kabisado ko na talaga ang hulma ng kanyang mukha. Hindi na nga mawala sa mga isip ko ang kanyang hindi natitinag na ngiti at mga hagikhik na hindi ko makalimutan.

Parang kailan lang ay nagkahiwalay at nagkaaway kami ng babaeng ito. Parang noong isang araw lang ay nagkita kami ulit at nagkaroon ng mainit na mga sagutan. Pero ngayon heto kami, magkaakbay at magkahawak ang mga kamay. Nakasandal din ang katawan niya sa akin. Tahimik kasi ang lugar kaya hindi kami nagugulo ng kahit sino. Di bale, konting panahon nalang ay mapapasaakin na ulit si Alex. At sa pagkakataong iyon, hindi na kami ulit magkakalayo.

"Alex, pag tayo na ulit, ano ang gusto mong itawag ko sayo? Babe? Honeybunch? Sweetypie? Munchykins?" Tanong ko naman sa kanya.

Napatawa naman siya. "Seryoso ka ba Mako? Ang pangit kaya ng ganun. Yuck! Baduy." Sabi naman niya na diring diri.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatawa sa inasta niya. Nakakatawa pa rin talaga siya pag iniinis. Kaya naman, mas lalo akong na inlove sa kanya dahil sa mgandang characteristics niya. Saan ka makakahanap ng babaeng sadista pero deep inside, sweet lover.

"Ayaw mo ba ng ganun? Maganda ang ganung tawagan para sweetness overload." Pagbibiro ko naman sa kanya

"Hindi ako mahilig sa sweet. Nakakadiabetes yan. Not good for the health." Sabi naman niya sa akin.

Napasinghap nalang ako. Bakit pa nga ba ako nagtataka. Si Alex lang naman ang babaeng hindi pabebe, pasweet, hindi marunong kiligin. Kaya talagang she's one of a kind.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin? Hindi na ako makapaghantay. Gusto na kitang maging asawa oh." Sabi ko naman ulit sa kanya.

"Mako, hindi nga tayo sigurado kung hanggang kailan nalang tayo sa mundo. Wag kan ngang advance mag-isip." Sabi naman niya.

Oo nga. Hindi natin alam kung hanggang kailan nalang tayo at oo, walang makakadikta doon. Pero diba, carpe diem! In english, seize the day!

"Alex, enjoy the moment while you still have it in your hands. Kaya nga, inienjoy ko na ang mga panahong nakakasama pa kita." Sabi ko.

"Dahil oo, tama ka. Hindi natin alam kung hanggang kailan nalang tayo sa mundong ito. Walang permanente. Walang forever." Sabi ko naman.

Aba kung bitter siyang pakinggan ngayon, siyempre sasabayan ko siya. Magpapaka bitter nalang din ako.

Humarap naman siya sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay. Ngumiti naman siya at napasinghap pa.

"Tama ka, walang permanente dahil lahat ng ito ay nawawala. Oo, walang forever pero ito ang tatandaan mo. May lifetime." Sabi naman niya sa akin.

"Kaya ikaw, handa ka bang mahalin ako habang may lifetime tayong sinusulit?" Tanong pa niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa mga sinabi niya. Tama siya, walang forever pero may lifetime. At yun ang dapat nating pinapahalagahan. Habang may buhay tayo, seize it.

My Ex Is My LoverOnde histórias criam vida. Descubra agora