|40|: Mako Dela Vega

234 12 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

    
           Sabi ni Mr. Alcantara kailangan ko daw magpunta sa restaurant na pinagkitaan namin kahapon. Ngayon daw kasi niya ipakikilala ang makakatrabaho ko para sa peoject na ito. Sabi niya makipag-usap na daw ako dun sa engineer na tutulong sa akin para sa project na ko. Mabuti na rin yun dahil ayaw kong sa mismong araw ng paggawa namin magkakaroon ng aberya.

          I never fail my clients. Ibinibigay ko sa kanila ang serbisyong dapat nilang matanggap. Ayaw kong kulang o di sapat ang nabibigay ko sa mga tao. Mahirap na at baka mawala sila pag hindi sapat ang nabibigay mo.

Don't think too much. Walang ibig sabihin ang sinabi ko.

           Nagd'drive naman ako ng aking sasakyan papunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Mr. Alcantara.

"Good Morning Mr. Alcantara. So, nandito na ba ang sinasabi mong electrical engineer?" Tanong ko naman.

"Wala pa siya Ms. Serene. Mag-antay nalang tayo ng ilan pang minuto. Sabi naman niya, malapit na daw siya. Have a seat first." Sabi naman niya.

           Kung ganoon, mag-aantay pa pala kami. Ano ba naman yan. Dapat ang usapan ay usapan. Late na siya ng five minutes. Paano kami magkakasundo kung sa oras palang palpak na siya. Ayaw ko ng mga late. Alam niyo naman, ang mga taong madalas ma-late ay mga taong pabaya at tamad.

          Sa gitna naman ng aming pag-aantay, natanong ko naman kung sino ang tinutukoy niyang engineer.

"So who will help us? Sana naman responsible siya. Unti-unti na kasing nabubuo ang first impression ko sa kanya. And I'm telling you sir, hindi maganda ang nabubuo ko sa kanya." Sabi ko naman.

          Napatawa naman siya at tumango tango pa. Tinignan din naman niya ang orasan niya at mukhang pansin na din niya ang pagkalate ng engineer na ito.

"Baguhan din siya sa industry kagaya mo Serene. But don't worry, kagaya mo, he exceeded my expectations with the job." Sabi naman niya.

Napatango naman ako. "So who is this again?" Tanong ko naman ulit sa kanya.

           Hindi kasi ako mapapalagay hanggat hindi ko masisigurong mahusay talaga ang magiging katrabaho ko. Gaya ng sabi ko, I don't want to fail.

"Tatay niya si Engr. Anthony Dela Vega. Sigurado akong kilala mo yun. Pero ang anak niya ang makakatrabaho mo. Si Mako Dela Vega." Sabi naman sa akin ni Mr. Alcantara.

"Mako Dela Vega? Imposible..." sabi ko nalang.

            Talagang imposible. Kung siya nga ang tinutukoy ni Mr. Alcantara, kilalang kilala ko siya. Tapos tatay pa niya ang isa sa mga pinakabeteranong inhinyero dito sa aming lugar. Hindi nga talaga ako pwedeng magkamali.

Posible kayang siya ang iniisip ko?


"Ibig mong sabihin si Mark Connor Dela Vega?" Tanong ko naman ulit.


"Yes Serene. Bakit may problema ka ba sa kanya? Alam mo mahusay din sa larangang ito ang anak ni Engr. Dela Vega. At sigurado ako pag nagkasama kayo, wala tayong magiging problema." Sabi naman niya sa akin.


          Kasi naman, malaki ang naging papel ni Mako sa buhay ko noong high school pa ako. Siya lang naman kasi ang... aish ayaw ko na! Ayaw ko ng pag-usapan ang past ko.


"Ito na pala siya. Ms. Martinez, meet Engr. Mako Dela Vega." Sabi naman ni Mr. Alcantara at tumayo sa kinauupuan niya.

          Parang tumigil naman ang paghinga ko nang malaman ko nandiyan na siya. Oh my Gosh! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito. Matagal naman ng nangyari yun. Dapat hindi ko na naiisip ang bagay na yun.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now