|36|: Chase Him

197 9 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

             Ang dami ng nangyari kagabi. Hindi ko na nga namalayang hinatid pala ako dito ni Raikko kagabi. Sobrang napagod kasi ako kaya nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan. Tapos ngayon, maaga naman akong nagising dahil ito na ang araw na matagal ko nang inaantay. Ito na ang araw ng aming Graduation. Akala ko hindi na ako g'graduate pero buti nalang at bumalik sa dati ang lahat.

           Inayos ko naman ang aking sarili at hinanda ko na ang aking susuotin. Kasama sa aking mga susuotin ang aking toga. Pagkatapos nito, handa na akong tuparin ang lahat ng aking mga pangarap. Kasabay ng pagtupad ng pangarap na iyon ang pagsasakatuparan ng mga pangako namin ni Raikko sa isa't isa.

           Hindi pa nga siya tumatawag sa akin. Baka ayaw niya lang akong guluhin o baka dahil siya din ay nag-aayos. Pare-parehong importante para sa amin ang araw na ito.

           I took a one last glance in my mirror. Maayos na ang lahat. Ito na, g'graduate na ako. Pagbaba ko naman ng hagdan, nakita kong nakaayos na din si Mama at mukhang kanina pa ata nag-aantay sa akin.

"Anak! Napakaganda mo naman. Sobra akong proud sa iyo anak. Sa wakas! Makakatapos ka na ng pag-aaral." Sabi naman ni Mama habang hawak hawak ang aking pisngi.

          Ngumiti naman ako sa kanya ng napakatamis at hinawakan ko din ang mga braso niya.

"Magmula sa araw na ito, ako na ang magtataguyod ng pamilyang ito. Ako na ang bahala sa inyo Ma. Mula ngayon, susuklian ko na ang lahat ng pagtitiyaga't pagsisikap mo para sa akin." Sabi ko naman.


"Maraming salamat para sa lahat ng ito Ma. Hindi ako magsusuot ng toga ngayon kung hindi dahil sa inyo." Dagdag ko pa.

          Pansin ko namang naluluha na siya kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Masyado pa nga namang maaga para magdrama kami. Sayang lang ang mga luha namin.


"O siya. O siya. Mahuhuli na tayo sa graduation mo. Halika na. Hindi dapat tayo mahuli sa napakaimportanteng araw na ito para sayo." Sabi naman niya.


"Ma, hindi ko lang araw ito. Araw nating dalawa ito. Halika na." Sabi ko naman sa kanya.

          Dapat handa na siyang umakyat sa stage mamaya at dapat mag-practice na siyang magsabit ng medalya at mag-abot ng diploma para sa akin mamaya.

             Pagkatapos nga nun, umalis na kami ni Mama sa bahay at sumakay na kami ng taxi papuntang school. Sinubukan ko din namang kontakin ang Hubby ko pero hindi siya sumasagot. Di bale na, magkikita din naman kami mamaya.

"Ano Ma? Handa ka na ba?" Tanong ko naman sa kanya.


"Oo naman anak, handang handa na ako. Proud na proud kaya ako sayo. Ako na siguro ang pinakamasayang ina sa buong mundo. G'graduate lang naman na Cum Laude ang anak ko." Sabi naman niya.


           Ngumiti lang ako ulit sa kanya at nalingat lingat ako sa paligid. Magsisimula na ang gradiation. Bakit wala pa si Raikko?

"Ma? May tatawagan lang po ako ah." Sabi ko naman.


          Tumango lang naman siya at lumayo ako para tawagan si Raikko. Nasaan na ba siya? Nakaipang tawag na ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Hindi naman ganito si Raikko dati. Agad nung sasagutin ang telepono niya pag ako ang tumatawag.  Nag-aalala na ako para sa kanya. Nasaan na ba siya?


"Anak halika na. Magsisimula na ang program niyo." Sabi naman ni Mama habang hindi pa din ako mapakali sa pagtawag sa akin kay Rai.


"S-sige po." Sabi ko naman.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now