|20|: The Price

263 10 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

              Tulala naman akong bumalik ng aming kwarto at malalim ang iniisip. Hindi ako mapakali dahil hindi ko nanaman alam ang gagawin. Kailangan kong makita si Raikko. Kailangan kong makahingi ng tawad sa kanya. Bakit kasi huli na nang ma-realize ko na nagkamali din ako. Na ako mismo ay may malaking pagkukulang din sa kanya.

            All this time, I am making his life miserable. But on the other hand, dapat maaga kong narealize ang pagmamahal niya. Na kahit nawala ako sa buhay niya, hindi siya sumukong habulin ako. Hindi siya bumitaw na mahalin ako. Na sa kabila ng lahat, hindi siya nagsawang patunayan kung gaano niya ako kamahal.

Ako lang naman ang bumitaw. Ako lang ang hindi naniwala. Ako lang ang nagpatalo sa puso ko.


           Pagdating ko naman sa kwarto, naabutan ko naman na sina Gab at Rich na mukhang handa na para sa kasiyahan maya maya lang.


"Uyy... Beshiebam, bakit nakaganyan ka pa? Dali na! Magsisimula na ang party hindi ka pa din nakabihis diyan." Sabi naman ni Rich.


"Pasensya na kayo. Sandalu lang, magbibihis na ako." Sabi ko naman.

            Kinuha ko naman sa mga inimpake ko ang aking itim na off-shoulders na blouse at puting denim shorts. Nilapitan naman ako ni Rich at pinigilan na pumasok ng C. R.

"Seryoso ka? Yan ang susuotin mo? Black ba talaga?" Tanong naman sa akin ni Rich.

"Rich, kahit ano naman ang suotin ni Sae maganda pa din siya." Pasingit naman ni Gab sa usapan.

           Muli ko namang tinignan ang suot na kinuha ko at wala namang mali. Summer themed naman ang party at sa tingin ko, appropriate naman ang susuotin ko.

"Ano ba ang problema? Hindi ba babagay sa akin?" Bigla ko namang natanong.

         Napangisi lang naman si Gab na parang nakukulitan sa akin. Kasi naman kanina pa niya pinagpipilitan na kahit anong isuot ko, babagay naman daw sa akin. Si Rich naman, napakamot nalang ng ulo dahil kanina pa niya pinagpipilitan na hindi ko daw bagay.

"Alam mo, mas bagay kung itong blue ang susuotin mo. Diba, para mas nakakasabay ka sa ocean." Sabi naman niya.

           Napaisip naman ako. Kung tutuusin, wala namang pinagkaiba sa style. Sadyang kulay lang ang kinaibahan. Kaya naman para wala nang gulo, kinuha ko na ang damit na iyon at nagbihis na.

             Paglabas ko naman ng CR ay agad na din kaming lumabas ng kwarto. Sobrang hindi na kasi makapag-antay si Rich. Agad na nga din pala siyang tumakbo papunta sa function hall, samantalang kami ni Gab ay naiwang naglalakad.


"Uhmm.. ano nga pala ang napag-usapan niyo ni Sir Red. Is it about Raikko?" Tanong naman ni Gab.

           Pansin ko namang bumagal ang aming paglalaiad at mukhang mas mapapahaba pa ang usapan na ito. Ngumiti naman ako at unti-unting tumango para sagutin ang tanong niya kanina.


"What is it all about?" Tanong pa niya.

Suminghap naman ako ng malim. "He told me everything. Lahat ng tanong ko tungkol sa amin ni Raikko. And I just realized, that I made a stupid mistake in breaking up with him." Sabi ko naman.

            Inangat ko naman ang aking uko at nakita kong lumungkot ang kanyang mga mata. Kahit nakangiti pa siya, alam kong sa loob niya nalulungkot talaga siya.

"What do you mean? Nagkamali ka na hiwalayan siya." Tanong naman niya.


          Hindi naman ako nakasagot ng matino at napatawa nalang ng mahina sa sinabi niya.

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon