|27|: The Greatest Conflict

209 8 1
                                    

RAIKKO'S POV
~○~☆~○~☆~○~

           Padabog ko namang sinarado ang pintuan ng aking kwarto. Unti nalang siguro ay sasabog na talaga ang eardrums ko dahil sa mga sinasabi ni mama. Masyado na siya. Sa totoo lang sumusobra na talaga siya. Hindi na ako ang batang Raikko na magpapa-uto at susunod sa lahat ng gusto niya kahit labag pa sa kalooban ko. I have my own plans and dreams.

At si Erika, wala siya sa plano ko. Ni sumagi sa isipan ko, hindi pa yun nangyayari.

             Buo na ang desisyon ko. Pagkatapos kong maka-graduate, agad akong magp'propose kay Sae at magpalakasal kami. Mukha mang nagbibiro ako sa kanya kapag sinasabi ko iyon, ang totoo niyan seryoso ako sa sinasabi ko.

            Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto, nagmumukmok. Ayaw ko munang lumabas. Puro lang naman salita ni Mama ang maririnig ko doon. Kaya ayaw ko dito mag-stay eh.

"Rai, ano nanaman ang ginagawa mo dito nak. Lumabas ka diyan. Hindi magandang nagmumukmok ka dito." Sabi naman ni Auntie V.

          Si Aunti V kasi ang nag-alaga sa akin simula pagkabata. Hanggang ngayon na siya na ang mayordoma ng aming pamamahay, hindi pa din nawala ang pag-aalala niya sa akin.

"Pagod lang po ako Auntie V. Magpapahinga lang po muna ako. Tsaka wag niyo na po akong alalahanin." Sabi ko naman.

"Anak, kabisado ko ang hilatsa ng mukha mo. At alam ko kapag hindi mo nanaman nagustuhan ang bungad sayo ng mama mo kanina." Sabi naman sa akin ni Auntie V.

           Sige na nga. Maghirap talagang magsinungaling sa taong kabisado na ang bawat galaw mo. Umupo naman ako sa gilid ng kama ko at yumuko.

"Hindi ko kasi siya maintindihan Auntie V. Sa tuwing gagawa ako ng desisyon para sa sarili ko, lagi nalang niya akong kinokontra. Bakit ba sa paningin niya, lahat ng ginagawa ko mali?" Sabi ko naman.

         Tinabihan naman ako ni Auntie V sa aking kama at hinimas himas ang aking likuran.

"Lahat ng ginagawa ng mga magulang ay para sa ikabubuti ng kanilang anak. Sa tingin ko lang, sumobra doon si Madam Annabelle at hindi niyo na ito nagugustuhan." Panimula niya.

"Pero ikaw nalang ang meron sila Rai. Kaya sa tingin ko, mas mahigpit sila sayo. Isipin mo nalang na ginagawa nila yan dahil ayaw nilang tularan mo si Frederick." Sabi naman niya.

            Kung ganyan sila, hindi ba nila naisip na baka mas tumulad ako kay Kuya. Sa tingin ko napuno lang din naman si Kuya kaya niya piniling umalis. Kaya binuhay niya ang sarili niya mag-isa.

"Sana ganun na nga Auntie V. Kasi kung hindi, mas pipiliin kong tumulad kay Kuya kaysa manatili sa isang buhay kung saan para kang nasa loob ng bilangguan." Sabi ko naman sa kanya.

           Habang patuloy naman kaming nag-usap ni Aunti V, bigla naman akong nakatanggap ng isang text mesaage galing kay Wife. Ano naman kaya ang problema? Sabi ko magpahinga siya eh.

From: Wife ♡
______________________________________

Hubby? Nagpapahinga ka ba? Pwede ba tayong mag-usap? Kanina pa kasi may gumugulo sa isip ko eh.
______________________________________

           Agad ko naman siyang nireplayan. Mukhang may problema ang asawa ko. Ano naman kaya iyon. Pero kahit ano pa iyon? Kailangan ko siyang puntahan.

To: Wife ♡
______________________________________

Sige Wife. Magkita tayo sa park okay. I'll be there.
______________________________________

               Agad ko namang kinuha ang susi ng aking sasakyan at umalis ng aking kwarto. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis, hinawakan naman  ni Aunti V ang aking kamay.

My Ex Is My Loverजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें