|24|: Together Again

269 9 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

            Nakaupo naman ako sa isang kahoy habang yakap yakap ang sarili. Napakalamig talaga ng simoy ng hangin. Mas lalo na ngayon at magpapasko na kaya ramdam na ramdam na natin ito. Si Raikko naman, kanina pa binubuhay ang aming bonfire. Ito lang kasi ang pwedeng paraan para maramdaman namin ang init na kinakailangan ng aming katawan.

           Masaya ako at nagkabalikan na talaga kami ni Raikko. Wala na sigurong mas sasaya kundi ang masunod mo ang tunay na sinisigaw ng puso mo. At alam ko, sa pangalawang malaking pagkakataon na ibinigay sa amin ni Tadhana, mas magiging matibay ang relasyong ito dahil pareho kaming may aral na binibitbit ngayon.

               Nang mabuhay na niya ang apoy at magawa na niya ang aming tutulugam na gawa sa mga kahoy at dahon, agad naman niya akong nilapitan at tinabihan ako sa aking pag-upo.

"Sae, sabihin mo kung gusto mo nang matulog okay. Ready na ang hotel natin ngayong gabi." Sabi naman niya habang yakap yakap pa din ako.

"Hay naku, Ikaw talaga. Mamaya na tayo matulog, ang ganda ng mga bituin sa kalangitan oh." Sabi ko naman habang nakatingin sa itaas.

           Sadyang napakaganda lang talaga ng kalangitan ngayon. Nakalitaw ang lahat ng bituin sa kalangitan at mukhang nakikisama sila sa aking pagsasaya.

          Isa talagang blessing in disguise ang pagkakatrap namin sa islang ito. Kung hindi sguro kami napadpad dito, hindi siguro namin muling maibabalik ang tamis ng aming pag-ibig. Hindi ko siguro masasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ang hirap naman sigurong mabuhay nang hindi mo nasusunod ang tunay na nararamdaman ng puso mo. Mahirap mabuhay kung lagi mong aawayin ang sarili mong damdamin.

"I love you so much Sae. Pangako, I will be a better man now. Hindi na ako gagawa ng bagay na ikagagalit mo. Is that clear, wife?" Sabi naman niya.

          Tama ba ang narinig ko? Tinawag ba niya akong wife? Iba na ba ang tawagan namin ngayon. Medyo kailangang advance na rin mag-isip.

"Wife? Saan mo naman nakuha yun. Eh hindi pa nga tayo mag-asawa." Sabi ko naman na may halong tawa.

"Hindi pa nga. But one day, pagkatapos ng graduation natin, I will marry you." Sabi naman niya at hinalikan pa ako sa aking pisngi.

              Bigla naman akong napangiti sa ginawa niya. Ngayon ko nanaman ulit naramdaman ang mga halik niya sa akin. After a month din sigurong pagdurusa at pagdurugo ng puso kong ito. Aish... stop talking about the past Sae. Harapin mo na ang present mo at start to welcome the future.

"I love you too Hubby. At maghihintay ako hanggang tawagin na akong Mrs. Montefalco." Sabi ko naman sa kanya.

         Ngumiti din naman siya at mukhang napatigil pa siya ng sandali. Parang ang lalim lalim nanaman ng iniisip ng hubby ko. Ano nanaman kaya ang bumabagabag sa isipan niya.

            Pinagsiklop ko naman ang aming mga kamay at saka ako tumitig ng matulin sa kanya. Ngayon naman, gusto kong malamn kung ano ang bumabagabag sa isipan ng mahal ko.

"May problema ba hubby? Mukhang ang lalim naman ng iniisip mo." Tanong ko naman sa kanya.

              Ngumiti lang naman siya saka siya muling tumitig ulit sa akin. Napasinghap naman siya bago siya muling nagsalita.

"Wala. I'm just thinking for that person who helped me a lot para magkabalikan tayong muli. Kung hindi siguro dahil sa kanya, pareho pa din tayong nagmumukmok sa isang tabi." Sabi naman niya.

           Bukod naman sa pagsunod namin sa mga sigaw ng puso namin, meron pa din talagang mga taong hindi nagsawang pagbalikin kami.

           Pero sino naman kaya itong sinasabi niya. I mean, sino naman ang nakaalala sa amin. Baka si Manong Danny. Baka sadya niyang iwanan kami dito.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now