|A|: Some Buddy To Love

277 7 1
                                    

My Ex Is My Lover
Special Chapter no. 1

Gab Pineda and Rich Mendoza's Love Story

GAB'S POV
~○~☆○☆~○~

              It's been years simula nang mag stay ako dito sa Canada. Ang dami na talagang nangyari. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang nangyayari sa Pilipinas dahil sa sobrang busy ko dito. Kailangan ko na kasinh mag-focus sa pagtulong sa family business namin. In that way, mababawasan ko ang hirap na nadadanas ni Mommy sa pagt'trabaho niya.

Simula din kasi nang madiagnose sa sakit si Daddy ako na ang tumulong talaga sa ina ko. Eh sino pa nga ba kasi ang aasahan niya diba, ako lang naman ang nag-iisang anak niya.

Ngayon, nakabalik na ako dito sa Pilipinas. Sobra kong namiss ang bansang pinaglakihan ko. Sobrang daming childhood at teenage memories ang nabuo ko dito. Pero ngayon, kailangan kong paghandaan ang anniversary namin ng mahal ko, si Richelle o si Rich for short.

Baka kasi nagtataka kayo kung paano naging kami ni Rich, eh mukhang wala naman kaming interest sa isa't isa.

Ganito kasi yun...

17 years later...

Kakatapos lang ng class ko. I'm just a grade 2 student. Hinahatid sundo ako lagi ng daddy ko dito sa school namin. But now, I am waiting for him to fetch me in school.

I don't really like going to school. My classmates would always tease me. For they know, I am not academically excellent. Normal na sa akin ang makakuha ng failing grades. At ang mga bully kong kaklase, lagi nila akong niloloko at tinatawag nila akong 'Itlog', that is because I am always getting zero in my exams.

"Gab, wala pa ba si Tito? Gusto mo sumabay ka nalang sa amin?" Tanong naman ni Raikko.

Raikko is my only friend here in school. Simula nung grade 1 pa kami, lagi kaming magkasama. No one wants to befriend me. Pero si Raikko, he is the one who approached me to be his friend.

"No Rai, susunduin din naman ako ni Daddy. I'll just wait here." Sagot ko naman.

"Okay, mauna na kami ha." Paalam naman niya tapos nakipag apir at fist bomb sa akin.

            Now what should I do? Naiwan nanaman ako dito mag-isa. Baka mamaya lang samahan nanaman ako ng mga bullies dito. Bakit kasi ang tagal naman ni Daddy.

Bigla naman akong natakot. Gusto kong magtago. Nandito nanaman ang grupo nina Zach. Sigurado ako ib'bully nanaman nila ako.


Nang patakbo na ako palayo sa waiting area, hinugot ni Zach ang bag ko kaya hindi ako nakalayo.

"Hoy Itlog! Where do you think you're going? Ibigay mo nalang sa amin ang snacks mo para makaalis ka na." Sabi niya.

Isa lang kasi akong batang patpatin. Wala akong magawa pag may mga insidenteng ganito.

"Ubos na ang snacks ko. Kanina pa recess diba, sa tingin mo ba paaabutin ko pa yun hanggang dismissal." Katwiran ko naman.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now