|32|: Problem Arises

192 9 1
                                    

RAIKKO'S POV
~○~☆~○~☆~○~

                Literal na maaga naman na akong umuwi ng bahay. Alas quatro ng madaling araw. Ayoko kasing maabutan ang pag-uusap nina Mama at ng mga Silverio. Kung ganun ang mangyayari, masisira lang ang magandang araw ko. Mas mabuti pang ganito ang gawin ko. Total hindi naman siya mag-aalala para sa akin. She only cares for her business and for the company.

          Nagpalipas naman na ako ng gabi sa isang hotel. Doon ko itinulog ang lahat ng mga posibleng nangyari kung sakaling umuwi ako ng bahay namin. Sabi nila, there is no place like home. And many look that on a positive aspect. Pero ako, my home is like a hell. And there's no place like my home.

            Sometimes, I just want to go and be free. Pero naghahanap pa din ako ng kalinga mula sa aking ama  dahil alam ko may pakialam siya sa akin. Minsan pinapangarap ko na mabuo pa rin ang pamilya ko at magsasama sama kami ulit, yung hindi na lalayo si Kuya Red. O di kaya, sana maintindihan ni Mama ang tunay na kahulugan ng pamilya. At ang pag-asang iyon ang pumipigil sa akin.

"Sabi ko sayo umuwi ng maaga hindi umuwi ng umaga! Saan ka nanaman ba nanggaling? Buti nalang at nakuha ko sa ilang business talk ko ang mga Silverio dahil kung hindi, wala na akong mukhang maihaharap sa kanila." Panimula nanaman ni Mama pagkapasok na pagkapasok ko sa pintuan ng bahay.

            Mukhang kanina pa siya nag-aantay diyan. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan papuntang kwarto ko. Siya naman ay hinabol pa din ako at hindi tumigil sa kakadada.

"Hindi mo pa rin ba ititigil yang kalokohan mo? Ginagamit ka lang ng babaeng iyon at ikaw naman nagpapagamit sa kanya. Raikko, wake up!"

"You should be the one waking up Ma! Mahirap bang intindihin ang mga sinasabi ko. Kahit anong gawin mo, hindi ko magagawang mahalin si Erika. I love Sae at wala kang magagawa para pigilan kami." Sabi ko naman sa kanya.

             Muli akong tumalikod sa kanya at tinungo ang direksiyon ng aking kwarto. Nakakasawa din ang ganito. Lagi nalang kaming nagbabangayan ni Mama. Lagi nalang salungat ang desisyon naming dalawa.


"I won't let that happen son. Maraming beses na kitang pinagbigyan noon. Noong gusto mong mag-aral sa Pilipinas kahit na sa U.S. kita gustong ipasok, hindi kita pinigilan. Noong kinuha mo ang Architecture kahit na Business Management ang gusto ko para sayo, hindu ako kumontra. Hinahayaan kitang pumunta kay Red at nagpapanggap na hindi ko alam kahit ayaw ko." Sabi niya


"Pero ngayon, our company is at sake. Hahayaan mo nalang bang mawala ang lahat ng pinaghirapan namin ng Papa mo? Ng lolo at lola mo? The Silverios are the only way. At ikaw ang susi sa kanila. Kaya naman hindi ako makakapayag na hindi mo ako susundin dito. This time, you will obey me." Dagdag pa niya.


             Humarap naman ako sa kanya na may nananangis na bagang. If I can't control my anger, I might do something na hindi ikasasaya ni Mama.

"Do you think I'm a puppy. Na pagkatapos mong isilang ipapamigay mo nalang. Ma, I'm a grown up now. Hindi mo na ako makokontrol at hindi na din ako magpapakontrol sayo." Sabi ko naman.


"Diyan ka nagkakamali. Kasi sa ayaw at gusto mo, ikakasal ka kay Erika. And that decision is final and will never change." Pagtatapos naman niya.


               Kasal? Hindi lang pala niya ako ipapamigay sa mga Silverio. Habang buhay pa niya akong itatali sa kanlungan ni Erika. Hindi talaga ako papayag sa desisyon niyang iyan. Hindi ako papayag. Isang tao lang ang pakakasalan ko. At yun ay hindi magbabago sa ayaw at gusto niya.

My Ex Is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon