|41|: Going Back

234 9 2
                                    

RAIKKO'S POV
~○~☆~○~☆~○~

                 Another day for me once again. Another sad day is coming. Ewan ko ba, simula nang nagkahiwalay kami ni Sae at nalayo ako sa kanya, laging kulang ang mga araw ko. Meron sa puso ko ang nawawala at kailangang mapunan. I know, si Sae ang sinasabi kong missing piece. Pero, ayaw ko na siyang guluhin. Hindi ko maipinta ang itsura niya nung araw na pinagtabuyan ko siya.

          Sobra siyang nagmakaawa sa akin nun. Umiyak siya sa mismong harap ko at nangungusap na manatili ako sa kanya. She came all the way here in California, just to find me. Just to help me. That made me very happy. Sobra ko siyang naappreciate.

          Pero hindi ganun kadali ang sitwasyon nun. Nakabantay sa akin si Mama. Wala akong magawa. Kahit gaano ko kagustong yakapin ng mahigpit si Sae ng mga panahong iyon, hindi pwede. Kahit gaano ko siya kagustong ipagtanggol kay Erika, bawal na bawal.

Flashback

          Hindi ako makapaniwala sa nagawa. Pinagtabuyan ko si Sae. Pinagtabuyan ko na parang aso ang mahal ko. I'm sorry Sae. Ayaw lang kitang masaktan. Ayaw ko lang na maghirao kang muli kaya ko ito ginagawa.

               Tulala naman akong nakadungaw sa aking bintana. Malayo ang nalalakbay ng aking isipan. Sa ginawa ko, parang sinabi ko na din na, hindi ko na kailangan si Sae. Na hindi ko na siya mahal.

"So that does mean na pumapayag ka nang magpakasal tayo? Can I proclaim that you are my fiancee, officially?" Sabi naman ni Erika.

"That will never happen Erika. Hindi ko kayang lokohin ang sarili. Bakit ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman ginusto. Is money an enough reason para pahirapan ko habang buhay ang sarili ko? Tss. I'm not a fool Erika." Katwiran ko naman sa kanya habang nakatingin pa din sa kawalan.

               Bigla ko namang narinig ang yabag ng kanyang mga sapatos na papunta sa kinauupuan ko. Marahas naman niya akong pinaharap sa kanya.

"Look at me! Ano ba ang wala ako na meron kay Sae? Ano bang nabibigay niya na hindi ko kayang ibigay sayo. Nagpapakatanga na ako sayo Raikko, pero lahat ng yun wala! Habang buhay nalang ba akong mamumulubi ng pagmamahal mo?" Sabi naman niya at nag-break down.


"I'm sorry Erika. Pero pag pinagpatuloy natin ito, habang buhay tayong magiging miserable. Ayaw kong maranasan mo yun. Alam ko rin naman, na may ibang taong tunay na magmamahal sayo. Na susuklian ang pagmamahal mo. Patawad Erika, but that's not somebody me." Katwiran ko naman.

              Binigay ko naman sa kanya ang aking yakap. Sana kahit sa ganitong paraan, maibsan ko ang sakit at bigat na dinadala niya.

End of Flashback...

              And that's how I came up with a decision. Pagkatapos nun, hindi ko na nabalikan si Sae. Yes, Erika let me go. Pero mas kinailangan ako ng pamilya ko. I have to find a way para matulungan sila pabalik. Kaya ito ako ngayon, alipin ng serbisyo para sa pamilya ko.

"Mr. Montefalco, your brother is calling you. He is setting a meeting with you sir." Sabi naman ng aking sekretarya.

"Okay. Tell him I'm coming." Sagot ko naman.

            Simula kasi ng magkasakit si Papa, nag-focus na sa pag-aalaga sa kanya si Mama. Kaya sa amin iniwan ni Kuya ang Royale Manor Hotel, ang hotel na pinapatakbo nina Mama.

"Yes Kuya? Pinapatawag mo daw ako." Tanong ko naman.

"Yeah. Come, have a seat." Sabi naman niya.

My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now