|8|: The Biggest Lie

353 12 1
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

          Napakahaba talaga ng biyahe papunta dito sa Ilocos. Nakakainip talaga at nakakapagod na halos isang araw ang biyahe papunta dito. Hindi naman kasi kami mayaman para makaafford ng plane flight papunta dito. Pero sulit naman ang mahabang biyahe dahil makikita ko nanaman ang aking Lolo Efren at Lola Mila. Hindi lang yun, muli ko nanamang makakasama ang aking mga tito at tita pati na din ang mga makukulit kong pinsan.

            Nang makatapak na ako sa gate ng aming bahay, sumalubong agad sa akin si Gelai ang pinsan kong bestfriend ko na din. Sa lahat kasi, siya ang kaedaran ko lang at sa kanya talaga ako pinakaclose.

"Sae, nandito ka na! Na-miss ka naming lahat. Kuna mi natay kan. Awan gawin paramdam mon." [Kala namin namatay ka na. Wala ka na kasing paramdam.] Pabiro naman niyang bati sa akin.

          Natawa lang ako sa kanya at binatukan ko nalang siya. Mga 9 years din kasi simula nung lumipat kami ni mama sa Maynila. Doon kasi ako nag-high school at hanggang college na din. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi na ako kilala ng ibang pinsan ko.

"Maykan! Agururay ni Lolo Efren ken ni Lola Mila kinyamon. [Halika na! Nag-aantay na sayo si Lolo Efren at Lola Mila.] Sigurado ako, atat na din silang makita ka." Sabi pa niya.

        Hay naku! Buti hindi ko nakalimutang mag-Ilokano. Kung hindi maa-out of place talaga ako dito.

          Kahapon nga pala ginanap ang golden wedding. Ngayon, kainan nalang. Talagang iniba nila ang araw ng wedding at reception para daw kahit papaano, may maabutan ako sa kasiyahan. Diba, mahal na mahal nila ako at inantay ako para sa pagkain.

"Lolo, lola, nandito na po si Sae. Nagpintas nga talaga suna lolo, lola. [Ang ganda po talaga niya lolo, lola.]" Sabi niya.

"Talaga? Nasaan na ang paborito kong apo. Dalian niyo, ayusin niyo na ang sala. Nandiyan na si Sae." Rinig ko namang pag-uutos ni Lola Mila.

          Kung ganyan sila umasta, lalo ko silang mamimiss at hahanap hanapin niyan. Hinanda ko naman ang sarili ko at inayos pa ang aking itsura.

"Magandang umaga po Lolo Efren, Lola Mila. Kamusta na po kayo?" Pagbati ko naman nang makatapak na ako sa loob ng bahay.

           Nilapitan ko naman sila para magmano. Sila naman agad hinalikan ang pisngi ko pinagmasdan ang pinagbago ng katawan ko. Siyempre dati bata pa ako at wala pang alam sa mundo, ngayon isang magandang dalaga na.

"Tama nga ang sabi nitong si Gelai. Nagpintas mo nga ubing. [Ang ganda mong bata.]" Sabi naman niya at pinsil pisil pa ang mga braso ko.

         Napatawa naman ako sa kanya at hinwakan naman ang mga palad niya.

"Siyempre La, hindi naman po ako magiging ganito kaganda kung hindi ako magmamana sa inyo. Na-miss ko po talaga kayong lahat dito." Sabi ko naman habang tinitigan pa silang lahat.

"Mabuti pa mamaya niyo na kulitin itong apo ko. Halika, kumain ka muna, sigurado ako gutom ka na." Sabi naman ni Lolo Efren at dinala ako sa hapag-kainan.

         Hindi na rin naman ako tumanggi sa kanya at kumain na din. Sobra na din naman akong gutom kaya sige na, wala nang atrasan.

"Sabi nitong si Gelai, may kasama kang pupunta dito. Boyfriend mo ata? Nasaan na ba siya para naman makilala namin." Sabi ni Lolo Efren.

"Ahhh gusto nga po sana niyang sumama pero pinagbakasyon ko nalang po siya. Ako nalang po ang pumunta dito total ang tagal ko pong inantay na makita kayo ulit." Sabi ko naman.

            Pagkatapos ko namang kumain nakipag kwentuhan na ako sa mga tito at tita ko. Tinext ko na din naman si mama na nandito na ako sa Ilocos. Si Raikko naman ang susunod kong i-text para malaman niyang ligtas akong nakarating dito.

To: Rai
______________________________________
Hi Love. Nandito na ako sa Ilocos. Kasama ko na sina lolo at lola. Kayo ba, nakarating na kayo sa Korea.
______________________________________

Sent

   
            Kanina kasing 9:00 ang flight nila papuntang Korea. Kaya baka naman nakarating na sila doon dahil hindi naman ganun katagal ang plane travel papunta doon. Di gaya ng biyahe mula Manila hanggang Ilocos.

   
           Paglipas pa ng ilang minuto, nakatanggap naman ako ng text galing sa kanya.

From: Rai
______________________________________
Yes Love nandito na kami sa Seoul. Mag-ingat ka diyan Sae. I love you.
______________________________________

           Buti naman at ligtas din siyang nakarating doon. Kahit papaano magiginhawaan na din ako.

3 Days Later...

            Nandito kami ngayon sa Pagudpud. Siyempre oras din ng bonding naming magpipinsan. Hindi naman kami gaano malayo dito kaya sige lang.

             Habang kami naman ay nags'swimming, bigla namang may nag-chat sa akin through messenger.

Si Rich lang pala...

Rich Mendoza messaged you.
______________________________________
Beshiebam, nasa Ilocos ka ngayon diba? May kailangan kasi akong sabihin sa'yo. Kilala mo ba itong kasama ng boyfriend mo? Nakita ko kasi silang magkahawak kamay sa bar sa malapit sa coffee shop.
______________________________________

              Kunot noo ko namang binasa ang chat sa akin ni Rich. Kasunod naman ng chat niya ay isang larawan ni Raikko at Erika na magkahawak ang kamay at mukhang masayang magkasama. Ang akala ko nasa Korea si Raikko. Nakauwi na ba siya? Ano ang ibig sabihin nito.

          Hindi naman ako mapakali sa nakita ko. Bakit ako nagseselos. Bakit magkasama si Erika at Raikko. Bakit iba ang pakiramdam ko sa nangyayari. Agad ko namang kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Gab. Baka naman alam ni Gab ang nangyayari kay Raikko. Buti naman at sumagot siya.

"Gab, pasensya na sa abala ah. Gusto ko lang kasing malaman kung nasaan si Raikko. Nakauwi na ba sila galing Korea?" Tanong ko naman.

"Ahhh Sae, ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi tumuloy si Rai papuntang Korea. Hindi ba niya nasabi sayo." Sagot naman niya sa akin.

            Mas lalo pa akong hindi mapakali. Parang gustong gusto ko nang umuwi. Pakiramdam ko may hindi na nangyayaring tama. Sinubukan ko namang tawagan si Rai pero hindi siya sumasagot. Ang huli naming pag uusap ay noong nakarating pa ako dito. Pagkatapos noon, hindi na kami nagkaroon ng kahit anong koneksyon.

"Oy Insan! Ana araramidem itta? [Ano ang ginagawa mo diyan?] Ayaw mo na bang mag-swimming? Sayang naman oh." Sabi naman sa akin ni Gelai

"Ahhh may iniisip lang ako insan. Halika na." Sabi ko naman.

            Hindi pwedeng ganito. Iba talaga ang pakiramdam ko. Parang sinasabi na ng isipan at puso ko na kailangan ko nang masigurong walang aagaw sa akin kay Raikko. Ayaw kong isiping may ibang ginagawa si Raikko dahil hindi ko naman alam ang totoong ibig sabihin ng litratong iyon. Pero ang sabi ni Rai, nasa Korea siya. Bakit nagsinungaking nanaman siya sa akin. At ano ang ginagawa niya ngayon? Nagpapakasaya siya kasama si Erika.







~○~○~☆○☆~○~○~
To Be Continued...
~○~○~☆○☆~○~○~

My Ex Is My LoverTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang