|28|: Birthday Gift

202 9 2
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

Napakabilis talaga ng mga araw. Parang kailan lang magkaaway pa kami ni Raikko tapos nagkabati at nagkabalikan. Isa pa, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Oo, hindi pa din sang-ayon si Mama sa mga nangyayari kaya halos araw araw kaming palihim na nagkikita ni Rai. Nagdesisyon kasi kami ni Rai na magpapakilala kami sa mga magulang ng isa't isa pag malamig na ang sitwasyon. Sa ngayon kasi, mainit pa din sa amin si Mama.

Isang buwan na lang at graduate na kami ni Rai sa aming kinukuhang kurso. Malapit na ang panahon kung kailan tatawagin na kaming propesyunal. Hanggang ngayon naman, umaasa pa din ako sa sinabi niyang magpapakasal kami. Sino ba naman ang hindi diba?

Simula nang magkabalikan kami, nagbago na talaga siya. Hindi ko na maaninag ang Raikko na hindi seryoso sa kanyang mga salita. Kaya naman araw araw nadaragdagan ang pagmamahal ko sa kanya. At araw araw tumitibay at sumasaya ang relasyon naming dalawa.

"Uy Beshiebam, kanina ka pa nakatunganga diyan? Ano ba kasi ang iniisip mo." Pagbitin naman ni Rich sa pag-iisip ko.


Binaling ko naman sa kanya ang aking paningin at binigyan siya ng aking confused na itsura.


"Bukas na kasi ang birthday ni Rai. Nag-iisip pa ako ng pwede kong iregalo sa kanya." Sabi ko naman.


"Alam mo Beshiebam, ang kagaya ni Raikko presence mo lang sapat na. Pero bukod pa doon, pwede mo naman siyang bigyan ng regalo na gawa mo. Pwede mo siyang pagluto, o kaya makipag-bond ka kasama siya. Wala nang kahit anong regalo ang mas makakahigit pa doon." Sabi naman niya na confident na confident pa.


Napaisip naman ako. Kung sabagay, tama naman si Rich. Mas maganda sigurong magregalo kung ikaw mismo ang nag-effort para dito.


Since, marunong naman akong mag-bake, pwede siguro kahit gawan ko nalang siya ng birthday cake niya. I think that would be very special.


"Sa tingin mo, pag ginawaan ko siya ng cake matutuwa kaya siya?" Tanong ko naman.


Baka naman, wala lang akong pantapat sa mga regalong ibibigay sa kanya ng mga kaibigan niya. O kaya si Erika.


"Beshiebam, any gift from the heart would always be very special. Remember that okay." Sabi naman ni Rich.


Ngayon mukha na talagang qualified na si Rich bilang Suma Cum Laude. Napakabrilliant naman ata niya sa pagiging future psychologist.


"Alam mo tama ka Rich. Ang galing mo talaga." Sabi ko naman at saka siya inapiran


Nakipag-apir naman siya sa akin at nagpaalam na din ako sa kanya.


Sa tingin ko ngayon palang ay paghandaan ko na ang ib'bake kong cake para sa kanya. I will assure that I'll make that extra special. Gusto ko kahit simple lang ang ibibigay ko sa kanya, magugustuhan pa din niya ito. Lalo na bukas, 21 years old na siya.


Pumunta naman ako sa isang grocery at doon ko binili ang lahat ng rekados na bibilhin ko.


Nang matapos naman na ako sa aking pamimili, agad na akong lumabas ng grocery store at bigla naman akong napahinto sa isang accessory store.


"Ma'am, may hinahanap po ba kayo? Tuloy po kayo. Baka sakaling may magustuhan kayo." Sabi naman ng saleslady.


Naisip ko na hindi ako mapapahinto dito ng walang dahilan. Agad naman akong pumasok sa store at nagtingin ng mga pwedeng bilhin. Isa pala siyang couple store. Ang daming magaganda. Bagay na bagay talaga sa mga lovers. Halos lahat ng bagay dito may kaparehas.


My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now