|3|: The Other One

431 13 0
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

            Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lahat ng nangyari ngayong gabi. This night was really a very memorable and special night for me. Hindi ko makakalimutan ang naging 5th anniversary namin ni Raikko.

             Napatitig naman ako sa teddy bear na nasa tabi ko. Every anniversary kasi namin at birthday ko may regalo siya. Kaya naman punong puno na ng mga stuffed toys ang kwarto ko. Wala naman akong reklamo kasi paborito ko din ang mga ito.

"Say thank you to your daddy okay. Tell him that he made me very happy ang loved tonight." Sabi ko naman sa stuff toy.

               Kinakausap ko talaga ang mga yan kaya kung minsan napagkakamalan na akong ewan ni mama.

               Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para magpahinga na nang may biglang nag text sa akin. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko.

Siya lang pala.

From: Rai
______________________________________

Love, matulog ka na okay. Wag na magpupuyat. Susunduin kita ng maaga para hindi na mapagod ang reyna ko. I love you.. ♡_♡.
______________________________________

             Bigla namang naghuramentado ang nananahimik kong puso. Parang all of a sudden, nagpiyesta nanaman ang mga alagang kulisap ko. Agad ko naman nireplayan ang paalala niya.

To: Rai
______________________________________
Okay Love. Aantayin kita bukas ahhh.. magpahinga ka na din. I love you too. ^_^.
______________________________________

             At pagkatapos nun, tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko at natulog na ng mahimbing.

~☆~

"Anak gising na. Nakahanda na ang almusal." Sabi naman ni mama.

             Siya kasi ang alarm clock ko sa umaga. Kayo ba naman hindi magising sa mga tawag niya. Pag si mama ang nanggising, sure ball, bangon agad.

"Sige ma sunod nalang po ako." Sabi ko naman.

"Basta dalian mo, bago pa maubos ang pagkain." Sagot naman niya sa akin at may pahagikhik pang kasama.

            Bigla naman akong napaisip. Bakit mauubos agad, kung dalawa lang naman kami kakain?

              Bumaba ako agad ng kwarto at bumungad sa aming hapag kainan at isang napakagwapong lalaki. Napako naman ako sa kinakatayuan ko nang marealize na ang pangit ko sa umaga!

Ano ang ginagawa niya dito?

"Buti naman at bumaba ka na. Halika, saluhan mo na kami ni Gab dito." Sabi naman ni mama.

            Sinaluhan ko naman silang dalawa at tinabihan si mama. Habang si Gab naman, katapat ko.

"Good morning Gab? Bakit napasyal ka?" Tanong ko naman sa kanya.

              Siya nga pala si Gabriel Pineda. Gab ang tawag namin sa kanya. Siya ang best friend ni Raikko at laging kasama sa kalokohan. Naging close kami nung first year din. Pareho ko kasi silang manliligaw noon, pero si Raikko kasi ang nakabingwit ng puso ko. Pero ngayon, matalik ko na ding kaibigan si Gab.

"Wala naman. Masama bang mamasyal." Sagot naman niya sa akin.

             Ganito kasi ang bahay namin, welcome ang lahat. Siyempre maliban na doon ang mga magnanakaw. Kaya kung gusto nilang pumasyal walang problema. Minsan nga sleepover pa.

"Sus. Na miss mo lang ang luto ko kaya napasyal ka dito noh." Hirit namam ni mama.

              Close talaga sila kaya ganyan. Wag na kayong magtaka, ang mga kaibigan ko, kaibigan din ng mama ko.

My Ex Is My LoverOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz