|45|: Ex-planation

244 14 6
                                    

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

             Papunta naman ako ngayon sa aming construction site. Oo, halos dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng magkita kami ulit ni Raikko. Pero gaya ng napag-usapan namin, hanggang friendship nalang kami ngayon. Bakit? Wala namang masama doon diba. Fulfilled naman kami pareho. Mutual naman ang naging desisyon namin. At oo, baka nga may nararamdaman pa din kami sa isa't isa. Pero sa panahong ito, I think kailangan ko munang i-prioritize ang trabaho ko.

             Paano kung masasaktan lang ako ngayon? Paano ang trabaho ko? Paano si Mama na nakaasa sa akin. Ayaw ko namang masira ang plano at pangarap naming dalawa. Kaya sa ngayon, mas mabuti pang kalimutan ang nakaraan at ang nararamdaman.

             Nang mapagtanto kong hindi ko pala dala dala ang architect's perpective para sa gagawing gazebo, agad naman akong nagtungo sa opisina ko sa admin building ng hotel. Yan kailangan ko pang bumalik. Kasi naman ang dami kong iniisip. Hindi ko na tuloy namalayang may naiwanan pala ako.

            Pagkapasok ko naman sa aking opisina, bigla naman akong nagulat dahil may nakapatong na isang dosenang peach roses sa lamesa ko.

"Jenny, nakita mo ba kung sino ang nagbigay nito? Wala kasing pangalan." Tanong ko naman sa secretary ko.

"Architect, kaninang dumating po ako nandiyan na yan. Hindi ko rin naman po alam kung kanino nanggaling." Sagot naman ni Jenny.

            Tumango naman ako. Eh sino naman kaya. Aba Serene! May secret admirer ka nanaman. Bawala muna ang lovelife diba. So, stop it.

"Jenny, baka naman hindi sa akin ito. Ilabas mo nalang baka naman naligaw lang ito. Wala naman sigurong magbibigay ng ganyan sa akin diba. Sige na." Sabi ko naman kay Jenny.

"Sigurado ka Architect? Ipapatapon mo lang ito. Naku, sayang naman. Ang ganda oh." Sabi pa ni Jenny.

            Pinaglaruan naman ni Jenny ang bulaklak hanggang sa may nahulog na maliit na card mula doon. Agad ko naman iyong pinulot at nabasa kung ano ang nakasulat doon.

______________________________________

Thank you for accepting me again. Alam ko madami akong pagkukulang pero pinatawad mo pa din ako.

A beautiful rose is what a beautiful lady deserves.

______________________________________

"Wala namang pangalan." Sambit ko naman.

             Pero base sa message, malamang kay Raikko galing ito. Hindi ba ganun naman ang sinasabi ng mag-ex. Thank you and sorry.

"Aba, napansin niyo din ba na galing yan sa mga ex mo? Pero sino sa kanila? Engineer Mako o Sir Raikko?" Sabi naman ni Jenny.

             Oo nga pala. Dalawang ex ang bumalik sa buhay ko. Di bale na. Hindi na mahalaga kung sino ang nagbigay nito. Ang importante, may nakaalala pa din sa akin diba.

            Nilagay ko nalang sa isang flower vase ang mga rose. Kung sinuman ang nagbigay sa akin nito, well Maraming Salamat. Peach roses... reminds me of my lovelife.


              Nagtungo naman na ako sa aming construction site. Doon ko naman nakitang busyng busy si Mako sa kakaobserve sa mga workers.

My Ex Is My LoverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt