Chapter 21- Vacation pt.3

Zacznij od początku
                                    

Sharey P.O.V.

Nakakainggit naman ang mga to. Gusto ko ring magpakitang gilas kay Kael kaso pinag bawalan naman ako ni Kael na wag nang daw nag swimsuit. Maayos naman na daw itong suot ko. Pumayag na din ako. Nakakahiya din naman, first time kong magiging mommy kaya hindi pa rin ako comportable na ilabas ang tiyan ko.

Ayokong manlait judge. Muka kaya akong bata... I'm just twenty four years old. And I'm 15 weeks pregnant.

Habang nag papakitang 'eat bulaga' daw si Ailith ay sinulit ko na si Kael. Lumapit ako sa kanya, siya naman itong sweet kong asawa ay inakbayan ako.

'Asawa? Parang ang sarap sabihin iyon araw araw...'

"Wag ka ng mag two peice. Mamayang gabi na lang. Ako naman na ang nakakita nyan." Pilyong sabi nya sa akin.

Pinag landas niya pababa't pastas ang mga palad sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang niya ako.

Hinampas ko naman ng mahina ang braso niya.

"Hoy! Ang pilyo mo ha! Hindi naman ko talaga huhubadin 'tong dress ko. Ayokong magkasakit si Baby." Sabi ko. Oa ha? Ganun talaga. Baka nga magkasakit baby ko. Hehe for safety na din. Ayokong gumawa ng ikaka-pahamak ng baby ko. Kaya kahit maliit na bagay---na nakaka-oa, ok lang. For my baby naman. ^_^

"Hey, Kael, tara na." Sabi ni Ailit at hila kay Kael. Natanggal ang pag kaka-akbay sa akin Ni Kael ng hilahin ito ng babae niya. Tumingin pa sa akin si Kael pero wala na rin naman syang nagawa at sumama na lang kay Ailith. Iimik pa nga sana ito pero grabe makahila si Ailith. Kainis talaga ang babaeng yun! Panira moment!

 ̄へ ̄

"Hayaan mo na, Sharey. Pag nag katyempo lulunudin ko yan." Sabi ni Iva.

"Ang creepy mo, Iva. Kung ako sayo ipapalapa ko na lang yan sa pating para hindi na sya mag exists sa mundo." Masamang tingin ang pinukol ni Maven sa mag kasamang Kael at Ailith na papalangoy sa dagat.

"Kayo talaga... Tara mag enjoy na lang tayo." Sabi ko. Nag silangoy na kami sa dagat. Syempre kahit papano iniingatan nila ako. Baka daw kasi malunod o matapilok ako. Nako naman... Of course I can take care of my self naman. Hindi naman ako gagawa ng ikakapahamak ko.

Wala rin naman akong balak pumunta sa malalim na parte at baka may malambot akong maapakan at mag panic pa ako.

Nag laro pa kami dito habang nasa dagat. Nakakatawa lang sa tuwing magkakaaway ang iba halos magpatayan na nga sila.

"Putcha, masakit sa mata. Gago ka, Ilian!"

"Taena! Wag mo hilahin paa ko! "

"Gago! Sasapakin na kita, Khrint!"

"Susumbong ko kayo sa nanay ko! "

Nakakatuwa pala talagang kasama ang mga lalakeng ito. Masaya silang kasama at hindi talaga nawawala ang asaran nila.

At yung Ailith ewan ko dun puro landi ang alam kay Kael eh. Nakakainis nga! Ayoko lang talagang mag reklamo!

Pasakay sakay pa ito sa balikat ni Kael at pinulupot pa ang mga braso sa leeg. May bimulong ang higad na babae sa asawa ko at parehas silang nag tawanan.

Pero salamat naman at nag sawa sya. Umahon muna sya at nag puntang cottage. Walang gustong makipaglaro dun sa malanding yun. At dahil nawala naman na sya masosolo ko si Kael!

≧∇≦

"Ingat sa paglangoy ." Bulong nya sa akin. Hanggang dibdib lang naman ang tubig. Ramdam kong pimulupot ang mga braso niya sa bewang ko at mas nilapit pa ako.

Love LimitOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz