Ending Chapter 50

3.2K 48 1
                                    




Ilan araw nalang at magpapasko na.
Sari saring christmas lights ang ngpapaliwanag ng mga kabahayan sa barangay namin. Naririnig ko na ang mga batang sige ang pagkalog sa mga dala nilang lata na may laman barya at instrumentong gawa sa tansan at alambre na syang ginagamit nila sa pangangaroling.

"Mama! Sasama po ako kina Ate Sandy mangaroling!" sigaw ng bata bago sya lumabas ng bahay. Hindi na nya narinig ang pagpayag ko dahil agad na syang nagtatakbo palabas ng marinig nya ang sigaw ng mga batang kalaro nya. Ilan linggo na din ang lumipas matapos ang mga gulong nangyari sa amin. Kahit papano nakalimutan ng anak ko ang mga nasaksihan nya at dinanas. Nagpapasalamat na din ako at okay kaming dalawa.

Nasa kusina ako at nililigpit ang pinagkainan namin mag ina. Padilim na sa labas kaya't kailangan ko pang silungin ang mga damit na nilabhan namin ni Mama.

Wala pa din akong trabaho pero nagbabaka-sakali ako na makahanap bago humudyat ang bagong taon. Sa susunod na taon, iisipin ko nanaman ang pagpapaaral sa bata. Lalo at hahakbang na sya mula elementarya. Parang kailan lang baby pa si Lenard at wala akong iniintindi kundi ang pang gatas at pang diaper nya. Ngayon, pati pag aaral. At kahit alam ko na legal na ang pag ampon ni Liam sa anak ko, ayoko pa din iasa sa kanya lahat ng responsibilidad.

Breaking News!

Lumingon ako sa tv, naiwan ni Lenard na bukas ang tv. Binalak ko na sanang patayin iyon ng lumabas ang isang balita. Naupo ako sandali para pakinggan iyon.

"Live po natin maririnig ang mga pahayag ng business tycoon na si Mr. Liam Imperial after what happened to Imperial Inc. matapos itong pagnakawan ng VP of Financial na si Ms. Anna Imperial." pagbabalita ng isang broadcaster habang nakikipagsiksikan sya sa mga kapwa reporters na kumukuha ng pahayag ni Liam.

Nakita ko sya, nakaupo at humaharap sa madaming katanungan ng publiko. Iba ibang tanong at issue na kinasangkutan ng kumpanya.

"Mr. Imperial! Totoo po ba na hindi nyo tunay na anak ang batang nagpakilala na anak ninyo?" sigaw ng isang reporter na agad sinagot ni Liam. Kinuha nya ang microphone at nagsalita na walang emosyon ang mukha.

"Totoo na hindi ko sya anak. But he was my nephew, he is the son of my late brother, Leandro Imperial." namuo ang mga bulungan sa mga nakikinig. May isang nagtaas ng kamay. Tinawag iyon ng isa sa mga bodyguard ni Liam. Tumayo ito at nagtanong.

"So hindi nyo din po asawa ang ipinakilala nyong asawa na si Ms. Reena Castillejo?" nagulat ako ng banggitin ang pangalan ko. Hinihintay kong sumagot si Liam. Pero nanatili syang walang naririnig at nakatuon ang paningin sa iisang direksyon.

"Mr. Liam? Ano po ba talaga ang relasyon nyo kay Ms. Reena Castillejo?" ulit pa ng reporter at tuluyan na syang nablanko. Nagkagulo na ang press at humarang na ang mga bodyguard nya sa mga reporter na gusto pa syang pigain ng mga katanungan. Nakita ko kung paano sya umalis sa kinauupuan nya.

"Liam.." pinatay ko ang tv. Bumalik ako sa ginagawa ko at pilit kong kinakalimutan ang mga napanood. Bakit ba hindi nya masagot ang mga tanong sa kanya? Kinagat ko ang ibabang labi ko habang hawak ko ang plato na huhugasan ko. Naiinis ako.. sa sarili ko

---

Huminga ng malalim si Liam matapos makaalis sa presscon. Mabilis syang pumasok sa loob ng opisina at naglock ng pintuan. Ibinagsak nya ang katawan sa malambot na couch at ipinahinga ang batok nya sa sandalan no'n. Hinawakan nya ang mga mata nya. Akala nya okay na syang humarap sa mga tao pero parang sinasakal sya ng mga pagtatanong nito.

"Reena.." tumulo ang luha mula sa pisngi nya. Agad nyang hinawi ang mga iyon at hinubad ang neck tie na animo humihigpit sa paghinga nya. Lumipat sya sa swivel chair at hinarap ang napakadaming trabaho sa desk nya.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now