Special Chapter : Valentine Gift

1.9K 27 4
                                    



Naglalakad si Reena patungo sa opisina ni Liam para dalhin ang mga bagong listahan ng investors na gustong maging parte ng Imperial.  Nag-iingat na din sila sa mga misteryosong negosyante na bigla na lamang lalabas at magpepresinta na gusto nilang maging miyembro ng stockholders . Kailangan na kasi nilang iwasan ang mga tulad ni Anna na malayang nakakapagnakaw sa Imperial nang hindi nila alam.  Pero hindi ito talaga ang pinoproblema niya.  It's  Valentines Day tomorrow.  At wala pa siyang naiisip na ibigay sa fiance niya.  Alam naman niyang kaya na bilhin ni Liam ang lahat ng bagay sa mundo.  Pero napapaisip siya kung anong klaseng regalo ang pupwede niyang ibigay dito. 

“Ano kayang maganda? Chocolates? Pero hindi naman siya mahilig sa matatamis.” tanong niya sa sarili.  Hindi na niya napapansin pa ang mga nakakasalubong na empleyado na bumabati sa kaniya. 

“Mam!” nagulat nalang siya nang tawagin siya ni Cara na nakatayo na sa harapan niya.  Ito ang tumatayong sekretarya ngayon ni Liam.  “Mam, sabi po ni Sir Liam. Ako nalang po ang magdadala sa kaniya niyan. Puwede na daw po kayong magbreaktime.” sabi pa nito at kusa na niyang inabot dito ang mga hawak na envelope. 

Tumalikod lang siya habang lutang pa din ang isipan. Tumingin siya sa wristwatch at tamang tama na lunchtime na.  Sumakay siya agad ng bakanteng elevator at nagtungo pababa sa ikalimang palapag kung saan siya nakaassigned. 

“May naisip kana regalo?” excited na tanong ni Jaica sa kaniya na biglang sumulpot sa desk niya.  Nakahawak ito sa pisngi at nakangisi na akala mo may binabalak na hindi maganda. 

“May suggestion ka ba?” buntong hininga niyang tanong.  Natatawa pa si Jaica bago sumagot. 

“Bigyan mo nalang si Mr. Imperial ng isang box ng condoms. Uso naman pag Valentines yon e.” nanlaki ang mga mata niya sa narinig.  Namula ang buong mukha niya.  At sabay hinila sa tainga ang dalaga. Kahit kailan talaga ay walang lalabas na maganda sa bibig ng kaibigan niya.

“Siguro iyan ang binili mo para kay Jio!” inis na sigaw ni Reena. Tumatawa at sumang-ayon si Jaica  . Umiling iling nalang si Reena. Hindi niya akalain gagawin talaga iyon ng kaibigan. Pero kung mag-iisip siya ay ganoon din tumakbo ang utak ni Liam. Baka mas malala pa.

“Chocolate nalang kung ayaw mo talaga ng something spice.”  muling sambit ni Jaica habang hinihimas ang tainga na piningot ni Reena.

“Hindi kaya masiyadong common iyon? I mean. This will be his first time to receive something from me. At chocolate nalang talaga ang last choice ko?”

Inihiga ni Jaica ang pisngi niya sa mesa. “Eh kung gusto mo nga ng kakaiba, edi gawin mo yon sinasabi ko. Or kung ayaw mo ng condom, there are lot of sex toys you can give. Sabi mo nga before, wild sa bed si Mr. Imperial.” pang-aasar ni Jaica dito. Sinamaan siya ng titig ni Reena. Pero may punto ang kaibigan. Kung gusto niya na maappreciate siya ni Liam, maybe there's nothing wrong to appreciate what he likes too.

***

Hinubad ni Liam ang sumasakal na neck tie sa leeg niya. Maaga siyang umalis ng Imperial para sunduin ang anak na si Lenard sa eskwelahan. Siya kasi ang nakatoka ngayon buong linggo habang si Reena sa susunod na linggo. Ito na ang nakasanayan nilang routine para pareho silang may oras kay Lenard.  At dahil din dito, kailangan niyang maayos ang time management niya sa opisina at iba pang trabaho.

“Valentines pala bukas. Ano kayang puwedeng ibigay kay Reena?” tanong niya sa hangin habang nakaupo siya sa loob ng waiting shed. Nakaladlad ang mga kamay niya habang nakadekwatro ang dalawang binti. Nakatingala siya sa bubong habang naghihintay.  Ilan minuto pa ay lalabas na ang mga bata sa elementarya.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now