Chapter 26

2.3K 49 4
                                    




Binitiwan ni Chris ang kamay ko ng makita nya si Liam. Sabay lumapit ito sa akin at dahan dahan kinuha ang pitchel sa akin para lagyan ang basong hawak nya.

"Hi po Mr. Imperial, dadalawin lang namin si Lenard." biglang pasok ni Jaica para mabasag ang awkwardness.

"Ah okay, welcome here." he just said bago lumabas ng kusina. Nakahinga ako ng malalim. Akala ko kagagalitan nya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Pero yun mga tingin nya kanina parang papatayin nya si Chris.

Niyaya ko ang dalawa na kumain nalang sa kwarto ko. Tinawag ko din ang bata para makita ang ninong at ninang nya.


---


Gabi na din nakauwi ang dalawa. Habang ako, sinimulan ayusin ang mga dadalhin ng anak ko bukas.

Tok! Tok!

Nagulat ako sa kumatok sa pintuan ko, nakabukas kasi yun. At akala ko si Manang Caring o Jio ang kumatok. Nakita ko si Liam.

"5AM ang alis natin bukas, I told to the school's admin na hindi na tayo sasabay sa tour bus nila because we have our own service." sumang ayon ako at matapos nyang sabihin yun, he left. Napapaisip ako kung nainis ba sya sa nakita nya kanina. Dahil kung oo, mukhang malabo na akong makipagbati sa kanya. Habang tumatagal, mas nagiging mahirap syang intindihin.

---


Ginising ko si Lenard para kumain at maligo around 4AM. Nasa sala na ang mga gamit namin na inayos ko pa last night.

"Mama, Si Papa po?" agad na tanong ng bata habang sabay kaming kumakain sa kusina.

"Nagbibihis na yun." sagot ko. Maya maya pumasok si Odille para magkape. Nakabihis na din sya.

"Goodmorning!" masaya nyang bati sa amin dalawa. Naupo sya sa tabi ni Lenard habang hawak ang tasa na may mainit init na kape.

"Si Liam?" naisipan kong itanong.

"Nagbibihis na siguro. Maaga gumising yun e." she answered back.

Matapos kumain ng bata, nag yaya ito na puntahan si Liam sa kwarto nito kaya pinayagan ko muna habang ako maghuhugas na muna ng kinainan namin. Ayoko maiwanan si Mang Caring ng mga gawain.

"Reena." Nagulat ako sa tawag ni Odille sa akin. Kami nalang dalawa ang nasa dining area.

"Bakit?" tanong ko habang nakatalikod ako at naglilinis ng lababo.

"I'm no threat to you and Liam." huminto ako sa ginagawa ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Ha?" nilingon ko na sya.

"What I mean is, hindi ako hadlang sa nyo ni Liam. He's my bestfriend. And whomever he likes, I support it. And I think he likes you." Hindi agad ako nakapagsalita.

"Odille naman, baka nagkakamali ka lang. Si Liam? Malabo. Talagang magagalitin lang sya kaya madalas kaming mag away." Pangangatwiran ko.

"Ngayon ko lang sya nakitang ganun Reena, I want him to change at nakikita ko yun for how he cares to you. He's arrogant, and hard-headed pero lumalambot sya sayo."

"Odille.."

"Reena, if you could just give him the chance.." natatakot ako sa pagbibigay ng pagkakataon. Two times na akong nasawi, nasaktan, iniwan. Kapag nagkamali pa ako sa pagpili, hindi ko na alam ang gagawin ko. At kasama sa mga desisyon gagawin ko ay ang anak ko. Sya ang unang masasaktan. At hindi ko matatanggap yun.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now