Chapter 25

2.7K 58 4
                                    






Nakatulog ako sa kwarto ko hanggang dumating ang kinabukasan. Hindi na pala ako nagising para kumain at magbihis, kung anong suot ko kahapon sya pa din suot ko ngayon. Nang tumunog ang alarm sa phone ko saka lang ako naalimpungatan para magising. Biglang bangon ko nang marealize ko na umaga na.

"Grabe, napahimbing tulog ko." I said habang kinukoskos ko ng mga kamay ko ang mga mata kong hirap pa sa pagmulat. Bumangon ako at sandaling nagbihis bago lumabas. Aasikasuhin ko pa si Lenard. Bago ako pumasok.

Lumabas ako ng kwarto na nakasuot lang malaking tshirt at maikling shorts. Dadaan muna ako ng kusina para maghilamos.

"MAMA!" nagulat ako sa bata sa sigaw nya sabay tumakbo papunta sa akin. Bigla syang yumakap sa bewang ko.

"Goodmorning Anak! Nagbreakfast kana?" tanong ko sa kanya sabay hinalikan sya sa pisngi.

"Opo. Si Lola Caring nagluto. Kumain na kami ni Papa." nagulat ako ng banggitin nya si Liam.

"Ganun ba. Sige maghihilamos lang si Mama." paalam ko sa kanya at bumalik ako sa lababo.

"Mama! May bisita si Papa! Puntahan natin!" nagulat nalang ako ng bigla nya akong hatakin papuntang sala. Ni hindi na ako nakapaghilamos o mumog man lang.

"Wait lang Lenard." I said to him habang hila hila nya ang kamay ko. Then I saw a beautiful woman sitting on the couch. Para syang modelo sa itsura nya. Perfect posture, nice curves at nangingintab sya dahil sa malaginto nyang buhok.

"Hi! Little Liam!" Tawag nya sa anak ko, bumitaw ang bata sa kamay ko at agad nilapitan ang babae. Tumabi sya dito saka hinimas himas nito ang buhok ng bata. Magkakilala na sila?

"You must be the wife?" nagulat ako then I stood up. Hindi ko alam kung tatango o iiling ako. Sino ba ang babaeng to?

"Ah ako nga?" Tonong patanong pa ginamit ko. Baliw ka talaga Reena!

"I'm Odille Caloster. And you?" She offer a hand shake.

"Reena May Castillejo...Imperial." mabilis kong dinugtong ang Imperial. Nakalimutan ko na kunwari kaming kasal.

Tinanggap ko ang kamay nya. And she smiled.

"Alam mo ang gwapo nitong anak nyo. Hawig nya si Liam." nakatawa nyang sinabi sabay niyakap ang anak ko.

"Oo, nga. Kamukha nya." pilit kong ngiti habang sinasabi yun. Hindi ko alam paano magsisinungaling sa harap ng babaeng to. Saka sino ba to?

"Magkakilala na pala kayo?" Nakita ko si Liam na lumabas ng study room nya. Hindi pa sya bihis ng business attire nya. At mukhang kagigising lang din nya.

"Yeah. Your wife is a very nice woman. Saka itong anak mo, super kulit." she said at lumapit kay Liam.

"By the way, Reena. This is my bestfriend since kid. Odille. Well, she's just got off the airplane. And she'll just stay here in the Philippines for about two weeks." nagtataka ako bakit sinasabi sa akin ni Liam yun. What is he planning to do? Patirahin ang babaeng yan dito.?

"Dito muna sya magsstay for the two weeks.." nagulat ako.

Patitirahin nga nya dito ang babaeng yan kasama namin!

"Talaga Papa. Dito muna magsstay si Tita Odille?" tanong ng anak ko kay Liam na agad sumang ayon. Mukhang nakuha na ni Odille ang loob ng anak ko.

"Yes. Okay lang naman sayo Reena diba?" nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni Liam. Hindi pa kami nag kakaayos at  ngayon naman parang walang nangyari then magpapatira sya ng babae sa bahay nya kasama namin. Ano bang gusto nyang palabasin sa anak ko?

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt