Chapter 45

2.1K 47 2
                                    




Binagsak ni Jaica ang isang malapad na folder sa harapan ko. Nagulat ako at inangat ko ang ulo ko. Para pa din akong pagod dahil sa byahe namin last weekend.

"Okay ka lang ba? Mag day off ka kaya muna?" tanong ni Jaica at naupo sa tabi ko. May dala syang folder na isa sa mga gagawin nyang report. Tumingin ako sa kaharap kong monitor na may display na worksheet. Hindi pa ako tapos sa pag aaudit kaya hindi rin ako makakapag day off, lalo na Holidays are coming kaya panigurado na mas magiging abala kami ngayon.

"Ayoko mag day off. Lalo akong mahuhuli nyan sa mga reports natin e." inis kong sinabi at bumalik sa pagkakayuko.

"Jaica! Reena!" nagulat kaming dalawa sa biglang tawag sa amin ni Chris. Nagmamadali syang lumapit sa amin.

"May nangyari ba?" nag aalalang tanong ni Jaica. Tinakpan ni Chris ang bibig ni Jaica kaya't hindi na din ako nagsalita. Hinatak nya ito patago sa cubicle ko. Maya maya, nakarinig kami ng mga yabag ng sapatos na tila mga humahangos. Narinig ko din ang boses ni Sir Tony na VP ng Sunlife.

"Call Mr. Imperial now! He should know about this!" nagulat ako ng banggitin nya si Liam. Hindi ko alam ang nangyayari. Bigla nalang silang nagkakagulo na para bang may krimen nangyari.

"What's happening?" bulong ni Jaica kay Chris nang matanggal nya ang kamay nito sa bibig nya.

"Someone took the insurance money from Imperial." nabigla ako sa sinabi nya.

"What do you mean?" nalilito kong tanong.

"Its an insurance fraud." sagot ni Jaica.

"Mukhang may kumuha ng insurance money ng Imperial at gumamit ng ibang identity para makuha ang pera, and also fake incidents." Paliwanag ni Chris.

"Does it mean na ang nakuhang pera sa atin?" pagputol ko.

"Babayaran ng Imperial." tuloy ni Chris.

Halos manlambot ako sa kinauupuan ko. Sino ang gagamit ng pangalan ng Imperial para gumawa ng ganun krimen?

"Nako, malaking gulo ito. What I mean is, sino ang gagawa no'n? Bakit nya gagamitin ang Imperial?" alam ko na kung sino ang gagawa nito. Dahil sya lang ang may access sa lahat ng financial accounts ng Imperial. Its Zig.

Nagkaroon ng meeting ang lahat ng employee ng Sunlife matapos ang tanghalian. Wala pa akong natatanggap na text o tawag kay Liam. Alam kong nakarating na sa kanya pero mukhang inaayos naman nya. At base sa paliwanag sa amin ni Chris tungkol sa nangyaring insurance fraud. Umaabot ng halos million million ang nakuha sa Sunlife. At lahat ng iyon, charged sa Imperial. Pero walang nakakaalam kung sino ang gumawa no'n.

Katabi ko si Jaica habang patuloy ang pagtitipon sa amin. Kaharap namin sina Sir Tony at Mam Pene.

"May hinala ako na ang gumawa nito ay yun pinsan ni Sir Liam. Kasi bigla nalang nawala.." lumingon ako kay Jaica habang bumubulong sa akin.

"Si Zig?" sagot ko at sabay syang sumang ayon. Nang huli kong makita si Zig, napansin ko ang dala nyang mga files na sabi nya galing sa Imperial. Nakaramdam ako ng kaba na maari sya nga ang nagtangay ng pera ng Insurance.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ni Liam?" malungkot kong sinabi. Wala akong balita mula sa kanya pero alam ko naman na ginagawan nya ito ng paraan, pero ang tanong. Kahit kami hindi namin agad nalaman na may nangyayari ng nakawan dito sa Sunlife. Para bang lahat ay planado at malinis ang ginawang pamemeke.

"Guys, I need your full cooperation. We need to trace the suspect. Lock down all the finances na narereceive from Imperial. Chris, check if there's a hacking." narinig kong sinabi ni Mam Pene.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Donde viven las historias. Descúbrelo ahora