Chapter 3

3.8K 80 1
                                    

Nagising ako sa alarma ng phone ko. Nagset kasi ako ng alarm para hindi ako ma-late sa usapan namin ni Lean. Bumangon ako at almost 6AM palang. Naalala ko na sabay kaming magbebreakfast. Kaya mabilis na akong naligo at nag ayos.

Nakapamili ako ng mga damit sa Singapore kaya pwede na ako mag inarte sa susuutin ko.

"Ito nalang." sambit ko habang inaayos ang mga laman ng paperbags. Nakita ko ang isang gray dress na nabili ko sa may Sentosa. Yun nalang isinuot ko then sinuklay ang buhok ko at dinala ang jacket na binili ni Lean para sa akin. Hindi ko dapat tatanggapin yun but he keeps on insisting.

Dinala ko ang phone ko then lumabas ng kwarto. Naglalakad ako pababa ng C-Deck, sa pinto palang ng dining area nakita ko na si Lean na naghihintay. Ngumiti sya ng makita ako.

"Wow." he said with amusement. Nagtaka ako.

"Wow saan?"

"You look fresh. Maybe because you're wearing a nice dress or maybe you look happy." natawa ako.

"Oo na. Masaya ako. Masaya ka din ba?"

"Yeah." kinuha nya ang kamay ko at sabay kaming sinalubong ng cabin crew. Nagpareserve na pala si Lean ng upuan namin.

"Oh, gusto mo bang sumama sa akin sa Lower Deck mamaya?" nagtataka ako. Hindi pa ako naligaw sa Lower Deck. Ano bang meron dun?

"Ah? Anong meron?"

"Just come with me." hindi na ako nagtanong. Pumayag na ko na sumama sa kanya kahit wala akong idea. Pagkatapos namin kumain, agad nya na akong hinatak sa Lower Deck. Sumakay kami ng elevator.

"Dun ba ang kwarto mo?" tanong ko.

"Nope." Tumahimik na ako. Then maya maya huminto ang elevator at nagbukas ang pinto. May hallway kaming dinaanan. Then huminto sya sa isang pinto.

"A photo exhibit." nagulat ako sa nabasa ko.. " will be held here in Star Cruises this coming Friday." huminto ako.

"This is your exhibit?" natawa sya sa tanong ko.

"It will be this friday." pumasok kami sa loob ng kwarto na parang isang malaking maze na may matataas na divider. Sa bawat pagliko sa mga corners may malaking litrato na naka frame. Pero sa ngayon at hindi pa opening ng exhibit. Nakatakip pa ng mga itim na kurtina ang mga malalaking litrato.

Nilapitan ko ang isang frame na nakasabit. Nacurious ako sa laman kaya sinubukan kong itaas ang nakataklob na tela.

"Uh. No! Don't expose it!" Nagulat ako sa sigaw ni Lean. Nahuli pala nya ako. Hindi ko na tuloy nasilip ang laman.

"Hindi ko ba pwede silipin kahit isa dito?" umiling sya.

"Wait until Friday." nakatawa nyang sagot. Nilibot ko ang kwarto.

"Ikaw lang ba ang may ari ng mga pictures dito?"

"No, madami kami. This exhibit is a big compilations of every photograher's pictures taken during the cruise.

Nagulat ako. During the cruise? Kaya ba sya panay kuha ng mga litrato nung nasa Singapore kami. Nakakahiya, ginugulo ko pa naman sya nun tapos trabaho pala yun ginagawa nya.

"Ganun." natawa sya sa reaction ko.

"Hey, don't think na disturbance ka ha. Your the reason why my pictures have found its meaning." nagblushed ako sa sinabi nya.

"Baka binobola mo lang ako?" he smirks at me. Then kinuha ang DSLR nya.

"Sa isang babae lang ako napalapit bukod sa Mama ko.." huminto sya. "Its you." para akong nanlamig sa sinabi nya. Habang sinasambit nya ang mga salitang yun, kinukuryente naman ako ng mga mata nya.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon