Chapter 42

2.5K 54 5
                                    




Isang linggo ang lumipas simula nang mag away kami ni Liam dahil sa pagseselos nya kay Zig. Pinipilit kong umiwas sa kanya sa trabaho pero talagang pinagtatagpo kami. Lalo tuloy nagiging malaking katanungan sa akin ang bigla nyang pagsulpot sa buhay namin. Lalo sa akin..

"Goodmorning!" nagulat ako sa bati ni Jaica na kadarating lang. Binaba nya ang isang espresso coffee sa desk bago sya tumuloy sa cubicle nya.

Tinaasan ko sya ng kilay."Ikaw ha! Bakit ba panay ka absent nitong mga nakaraan araw. May hindi ka sinasabi sa akin!" sigaw ko sa kanya. Kinuha ko ang kapeng dala nya at binuksan. Mainit init pa at naamoy ko pa ang bango ng pagpapakulo sa mga coffee bean nito.

"Busy lang ako. Diba? I told you I went to my aunt's place." sagot nya. Lumipat ako sa cubicle nya at sumandal sa desk nya habang hawak ko sa kamay ko ang kape.

"Really ha. Talagang aabsent ka pa suddenly para dun?" ngumiti sa akin si Jaica saka ako kinurot sa pisngi.

"Importante diba?" sumimangot ako.

"So anong balita dun sa sinasabi mo sa phone? Zig Imperial?" tanong nya habang binubuksan ang computer.

"Cousin ni Liam.." sagot ko habang hinahalo ang kape.

"Is there anything weird about him?" Huminto ako sa paghalo sa kape ko. At tumingin sa kaibigan ko.

"Alot of.. Yun para bang interesado ako sa mga alam nga kay Leandro pero parang may hinala ako na dapat hindi sya pagkatiwalaan." nag aalala kong sinabi.

"Then just listen on what he says. Then ask Liam.."

"No way! Galit sya kay Zig at ayoko na mag away kami." nilapitan ako ni Jaica at tumabi sa akin.

"Do you think mahalaga yun mga dapat mong pakinggan mula kay Zig? Makakatulong kaya sayo yun sa mga katanungan mo about Leandro?" may punto si Jaica.. Nararamdaman ko may mali sa mga nangyayari.. May mali at may kulang sa mga kwento nina Liam at Anna. Pakiramdam ko hindi sya namatay.. Pinatay sya..





---


Liam's POV


Sinubukan kong tawagan ang lahat ng prosecutor at investigator na pinagkatiwalaan ko sa kaso ni Leandro. Bumabagal ang pag iimbestiga at nauubos na ang oras. I need a prime suspect. Lalo at kumikilos na din ang mga kalaban ko para pabagsakin ako.

"Sir!" Nagulat ako nang kumatok at sumilip si Jio, may dala syang brown envelope at nilapag yun sa table ko. Tinulak ko ang inuupuan kong office chair papalapit sa desk ko at agad kong binuksan ang envelope.

May ilan papel at pictures sa loob. Inilabas ko lahat para tignan.

"Ito po yun kuha sa crime scene matapos sumabog ang sasakyan ni Sir Leandro." nakita ko ang isang litrato na naglalaman ng kuha sa kotse ni Leandro matapos itong mahulog sa bangin at sumabog. Doon lang nakita ang katawan nyang sunog na at tupok ng apoy. Nakuha nalang na evidences that it was him are one of his things na nakita kong dala nya bago sya umalis ng opisina ko ilan oras bago mangyari ang aksidente.

His phone, bag, and watch na bigay ko sa kanya before we reach our 21st birthday. He wore it nang magkita kami sa opisina at doon nagsimulang magtalo sa iilan bagay tungkol sa Imperial, at tungkol sa mag ina nya. Naiinis ako dahil ilan bagay na sinabi ni Zig kay Reena ay totoo. At natatakot ako na baka iwan ako ni Reena once he knew na ayaw ko silang magkita ng kapatid ko. That is because ayoko nang may kahati sa iba't ibang bagay including this position. Pero minahal ko na ang mag ina. Gusto ko silang manatili sa tabi ko pero heto binabalikan ako at minumulto ng konsensya dahil parang kinuha ko na lahat ng meron kay Leandro. The position, and his family. Hindi ko gustong namatay ang kapatid ko, I almost realized na hindi ito ang gusto ko. I just want him to stay because I don't wanna be alone again. Pero tinalikuran nya ako bilang kapatid nya and choose the life without me. Makasarili si Leandro.. Ayaw nya ako na pumasok sa buhay at sa pamilyang buuin nya eventhough na noon palang pinrotektahan ko na sya.. Kahit pa ikamatay ko..

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now