Chapter 30

2.5K 53 3
                                    





MR. IMPERIAL!! MRS. IMPERIAL!!

Dumilat ako sa narinig. I heard someone shouting. Nakaidlip ako habang buhat ako ni Liam at hindi pa din sya tumitigil sa paglalakad.

"Don't you wanna rest muna Liam? Kanina mo pa ako buhat." nag aalala kong tanong sa kanya. Hindi pa sya nagpapahinga mula kanina, at alam ko masakit ang katawan nya dahil sa pagbagsak namin. Ayaw lang nyang ipahalata.

"I'm fine. We need to move forward. Someone is looking for us." so hindi lang ako ang nakarinig ng tinig na yun.

"HELP!!" he shouted. Naiinis ako dahil wala along magawa para tulungan sya at ngayon pasanin pa ako.

Nagpatuloy sya sa paglalakad. Dumidilim na muli at takipsilim na. Mas lalo kaming mahihirapan kung aabutan kami ng dilim.

"I hope Odille called Jio." nagtaka ako sa sinabi nya.

"Why Jio?"

"Jio can figure out where to find us. He's not just your bodyguard and driver, he has special skills and he's a former member of CIA New York. He has a lot of connections." namangha ako sa narinig. Pero bata pa si Jio yet he is so talented. Kaya pala he looks very professional.

"I hope tinawagan sya ni Odille." nasambit ko. Nakayakap ako kay Liam. Hindi nya ako binababa at hindi man lang sya humihinto. Nag aalala na ako na baka sumuko ang katawan nya. May mga sugat pa sya, and for sure may bruises sya sa likod sanhi ng pagbagsak namin kanina.

"Liam, we can have a rest." pilit ko sa kanya but he won't listen.

"Reena, I need to take you to a doctor. You have sprain." ako pa din ang iniisip nya.

"Okay, but when we get back, magpatingin ka din sa doctor ha."

"For what? I already know what I need, for a healthy body." nagulat ako sa sinabi nya at napansin kong patawa tawa sya.

"Ano nanaman yan Liam?!" inis kong tanong sa kanya. Hindi sya tumitigil sa pagtawa, I think may halo nanaman kabastusan yun iniisip nya.

"Nothing. I'm just happy." nagulat ako sa sinabi nya. He is happy kahit na nasa kalagitnaan kami ng kawalan.

SIR LIAM!

Nagulat kaming dalawa sa narinig. Now we heard Jio's voice.

"Lets go! Jio is looking for us." hinawakan nya akong mabuti sa bewang ko at mabilis syang nagtatakbo kung saan nanggagaling ang boses na patuloy sa pagsigaw ng pangalan namin. Halos yumugyog ako mula sa likuran nya habang tumatakbo sya.

"Hold onto me." Bilin nya at yumakap ako sa leeg nya. Nababangga na kami ng mga halaman at sanga ng mga puno.
Hinawi ni Liam ang mga halaman.

LIAM! REENA!

Huminto kami ng makita sina Odille at Jio, kasama pa ang ilan guro na sumama sa paghahanap sa amin.

"Sir!" agad akong binuhat ni Jio nang makita nya akong nasa likuran ni Liam.

"Si Liam!" mabilis kong sinabi sa kanya, tumango lang si Jio. He took me to a clinic, I saw Lenard na umiiyak habang nakikita nya ang ama amahan nya. Were both covered with dirt, wounds, and some bruises. Pero mas malala ang mga natamo ni Liam kaysa sa akin. But he remain concious. Talagang pinanindigan nya ang pangako nya sa anak ko. He won't leave me. And he never did.


---

Nakatulog ako dahil sa pagod. Naramdaman ko ang bandage sa paa ko. Medyo bumigat sya. Malinis na ang mga gasgas ko. Nakapagpalit na din ako ng damit. Maayos na ang pakiramdam ko. Hinanap ko kaagad sa paningin ko si Liam.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now