Chapter 23

2.5K 50 3
                                    




Kinabukasan.

Maaga ako gumising para gumayak. May usapan kami ni Chris na magkikita at sabay mamasyal sa Sm Megamall after namin magsimba. Weekly routine nanamin yun, sayang nga lang at hindi makakasama si Jaica dahil umuwi sya sa parents nya sa Pampanga.

At dahil wala si Lenard, dun ako sa kwarto ko natulog. Hindi ko na din alam kung anong oras umuwi si Liam. Basta alam ko, okay na ang pakiramdam nya. At hindi ko na sya kailangan alalahanin pa.

Lumabas ako ng kwarto ko matapos ko magbihis. Nakahain na ang breakfast sa mesa. Dala ko ang isang shoulder bag ko at kinausap ko na din si Jio na ihatid ako sa simbahan ng Sto. Domingo .

"Maaga ka ata ngayon Mam Reena?" nagulat ako sa bati ni Manang na naghuhugas ng pinaglutuan nya.

"Opo. Magsisimba po ako ngayon kasama yun kaibigan ko." Ngiting sagot ko.

"At sino naman kaibigan yan?" Nagulat ako sa nagtanong then lumingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Liam na nakatayo sa likuran ko. Sa itsura nya, mukhang okay na sya.

"Aalis ako." sagot ko at binalik ang atensyon ko sa pagkain.

"Saan ka pupunta?" tanong nya at naupo sa tabi ko. Ikinuha sya ni Manang ng kape.

"Magsisimba ako." sagot ko. Sandali syang tumahimik.

"Sino kasama mo?" sunod nanaman nyang tanong.

"Bakit mo ba tinatanong?" inis kong singhal sa kanya.

"Para alam ko kung anong isasagot ko sa anak mo pag hinanap ka nya sa akin." nagulat ako. Naalala ko sya ang magsusundo sa bata.

"Sabihin mo kasama ko si Daddy Chris nya."

"Who? Daddy Chris? So may other tatay pa sya?" Nagulat ako sa sinabi nya sabay binalikan sya ng tingin. Magkasalubong na ang kilay nya.

"Bakit? Anong masama?"

"Akala ko ba ako lang ang Daddy ng anak mo. Then who was this Chris?" he sounded aggravated habang sinasabi mo yun. Bakit sya nagagalit kung may tawaging Daddy ang anak ko.

"Nung wala ka pa, or si Leandro, si Chris ang tumayong pangalawang ama nya." paliwanag ko at parang lalo pa syang nainis sa narinig.

"Edi dapat sa kanya mo pinaako yun bata." nagulat ako sa sigaw nya sabay tumayo at umalis sa kinauupuan nya.

"Ano bang problema mo!" sigaw ko bago sya pumasok ng kwarto nya.

"Wala!" binagsakan nya ako ng pintuan. All of a sudden nagbabago ang mood nya. Ano bang problema nya? Naupo ako.

"Hayaan mo na ang batang yun." said Manang Caring at pinagpatuloy ko na ang pagkain. Hindi ko alam bakit sya nagkakaganun...

Umalis ako ng di na nagpaalam pa sa kanya. Baka awayin nya ulit ako. Nagpasabi nalang ako sa matanda na aalis na ako. Sakto naman nagtext si Chris na nasa daan na sya.



---


Sumilip si Liam bago buksan ang pintuan. Tinitignan nya kung nakaalis na si Reena.

"Talagang umalis nga.." he whispered at dumiretso ng kusina.

"Sir Liam. Kumain na po kayo." yaya ng matanda sa kanya ng makita sya sa kusina. Naupo sya sa hapagkainan, at sandaling nag isip ng pagkakaabalahan. At dahil sunday, wala syang pasok at tanging gagawin lang nya ay sunduin mamaya si Lenard.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now