Chapter 11

2.9K 60 4
                                    





Para akong binaril kanina sa narinig ko. Hagulgol ang ginawa ko habang yakap ako ni Jaica. Nakababa na kami at nasa lobby lang. Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig. Totoo ba talaga? Wala na si Leandro?

"Besh.. Stay strong.. Kung totoo man wala na si Leandro at least alam mo na kung bakit nawala sya ng ganun katagal.." pagpapakalma sa akin ng kaibigan ko.

"Ayoko maniwala Jaica.. Buhay pa si Lean.." tumulo ang luha ko.

"Reena.." I felt Jaica rubbing my back habang wala akong tigil sa pag iyak. Hindi ko matatanggap na ganun nalang yun. Na wala na sya kung kailan natagpuan ko na sya.. Paano ko ito ipapaliwanag sa anak ko?

Sinubukan akong alalayan ni Jaica hanggang makauwi. Wala ako sa sarili ko. Tulala, umiiyak at hindi makapagsalita. Hindi ko alam paano ko haharapin ang anak ko..

Pagkauwi namin sa bahay.. Wala pa si Lenard kaya makakapagkulong ako sa kwarto. Pinauwi ko na si Jaica.

"You sure na okay ka lang?" tumango ako kahit na hindi naman totoo. Gusto ko lang mapag isa. Mag isip.. Iniwan nya na ako bago ko isara ang pinto. Naupo ako sa kama ko. At hinubad ko ang kwintas ko. Muli nanaman pumasok sa isipan ko si Leandro. Ang mga ngiti nya, pagtawa at mga pinagsamahan namin sa barko na mananatili nalang na mga alaala. Pero ang anak namin.. Hindi na nya kailanman makikita.

Naluha ako. Parang gusto ko nalang mawala at maglaho pero kung hindi ako magpapakatatag.. Paano ang anak ko? Mas kailangan nya ako lalo at wala na syang ama.



---


Tok! Tok!

Nagbukas ang pintuan matapos kumatok ng isang abogado sa opisina ni Anna. Agad nya itong pinapasok.

"Have a seat." offer nya dito bago sila magsimula.

"Itatanong ko lang sana yun tungkol sa naiwan ni Leandro? Mga ari arian nya? Do you think pwedeng mamana ng anak nya yun?" Nagulat ang abogado sa tanong ni Anna.

"Leandro has a kid?" Ulit nito at agad sumang ayon si Anna.

"Kung totoo nga na meron? If lang naman? Sa tingin mo maililipat sa anak nya?" Binuksan ng lalake ang brief case nya saka nilabas ang ilan dokumento na nakapangalan kay Lean.

"Based from here. Kung magkaanak man sya, its possible na makuha ng legit child ang lahat ng naiwan na pag aari ni Leandro." nagulat si Anna.

"How about the guardian? I mean the kid needs a guardian right?"

"Kung wala syang magulang na naiwan, maaari.. O kaya naman tumayong ama kung walang kakayahan ang ina na suportahan ang anak." napaisip si Anna.

"Leandro knew about his son before he died. Sinabi nya sa akin yun na natagpuan na nya ang mag ina nya. Kaya mahigpit nyang bilin sa akin na bigyan ng kinabukasan ang bata. I think.. the mother of his son should know the reason behind Leandro's death.." Nag aalala nyang tono.

"Tama nga kayang malaman nila ang kinamatay ni Leandro? Alam na ba ni Liam ang tungkol sa bata?" Tumango si Anna.

"Tingin mo kaya gugustuhin ni Liam na tulungan ang pamangkin nya?"

"Liam hate responsibilities.. But.." she paused ng bigla syang makaisip ng ideya.

"Nakaisip ako ng ideya. Could you process some papers about legal guardianship?" nagulat ang lalake.

"Of course.." Ngumiti si Anna.

"Now I need to find where that woman lives.." she said to herself.


Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now