Chapter 47

2.2K 39 7
                                    





Reena's POV

Nagtungo kami sa Imperial. Wala akong sinayang na oras para hanapin ang sinasabi ng taong kumuha sa anak ko. Ibibigay ko ang kahit ano ibalik lang nya ang bata.

"Alam mo ba talaga ang password no'n? I mean Liam would never trust his password to anyone lalo at Imperial Accounts ang bubuksan natin." tanong ni Anna sa akin habang nakasakay kami sa elevator.

"Hindi ko alam pero susubukan natin alamin, buhay ng anak ko ang nakasalalay dito." Galit kong sinabi. Bumukas ang elevator at nagmadali kaming magpunta sa opisina ni Liam. Walang tao sa loob, tanging ilan gamit sa desk lang ang naiwan.

"Nandito iyon Reena." Tawag sa akin ni Anna, inangat nya ang isang life size painting na nakasabit sa dingding at doon ko nakita ang isang safety box. It was locked by a 6 number combination.

"Reena, once nagkamali tayo dito, maglalock ang system at magkakaroon ng alarm." paalala ni Anna. Nanginginig akong hinawakan ang pindutan na mga numero. Walang pumapasok sa isipan ko. Kundi ang anak ko. Takot na takot ako. Wala sina Liam o si Leandro sa tabi ko. Walang tutulong sa akin kundi sarili ko lang. Nahihirapan ako.

Lumingon ako sa sahig at nakita ko ang litrato namin ni Lenard. Kinuha ko yun. Tama, naalala ko when Liam printed one of our pictures na ilalagay nya dito sa office nya. Para daw hindi nya kami laging namimiss. Ngumiti ako at niyakap ko ang litrato.

"Anak.." tumulo na ang luha ko.

Muli kong sinilayan ang mukha ng bata sa litrato.

"Huh?" bumaba ang tingin ko sa hawak kong picture. Sa ibaba nun, naka handwritten ang isang petsa.

10.10.12

"October 10,2012.. 6 years ago.." bigla ko naalala ang 6 number combination sa safety box. Sinubukan ko na buksan iyun gamit ang anim na numero na nakita ko sa picture.

"Oh my god!" nabigla si Anna nang magbukas ang safety box. Tama ang combination ng numero. Pero ang pinagtataka ko, paano nalaman ni Liam ang eksaktong petsa ng naudlot kong kasal? Tama, ang petsa na nakalagay do'n ay petsa kung kailan ako dapat kinasal..

"Reena! Ito na yun!" sigaw ni Anna ng makuha ang isang brief case. Binuksan namin at doon ko nakita ang ilan libro na naglalaman ng lahat ng accounts na pag aari ng Imperial. Mabilis namin kinuha iyun, at sinunod ang laman ng text kung saan namin sya tatagpuin.




---



Huminto sa paglalakad si Jaica. Nakatayo sya sa harap ng isang mataas na building.

"Lets go!" yaya sa kanila ni Liam. Nagulat sya ng makita ito na may dalang baril at ganundin si Jio na hinawakan ang kamay nya. Kinakabahan sya sa pagpasok sa loob, hindi nya alam kung magiging madugo ba ang pakikipagkita nila kay Zig, pero ang mas kinakatakot nya ay ang kaligtasan nila. Dahil hindi nila alam kung sino ang tunay na kalaban.

"You're trembling.." bulong ni Jio sa kanya habang papasok sila sa gusali.

"What if may mga kasama pala sya, tapos ambush-in tayo dito." Kabado sinabi ni Jaica, bahagyang natawa si Jio.

"Walang nakakatawa." inis nyang sinabi.

"I'm sorry. Don't worry. We can handle this. At hindi ko hahayaan may mangyari sayong masama." nagulat si Jaica. Pumasok sila sa loob at sumakay sa isang elevator. Sa pagkakaalam ni Jaica, nalaman ni Jio ang eksaktong lokasyon ni Zig. Kaya wala na itong takas pa. Ang hindi lang nya alam kung may iba pa ba itong kasama..

"Natatakot ako." usal nya. Naglalakad sila sa hallway habang patungo sa nasabing kwarto. Wala silang ginagawang ingay. Hinawakan ni Liam ang pinto ng room 160.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ