Chapter 43

2.1K 42 2
                                    




Reena's POV


Sabay kaming umuwi ni Liam ng gabing iyon. Matamlay sya at pagod at alam ko na dahil iyon sa natanggap nyang tawag mula sa hindi kilalang estranghero. Nag aalala sya para sa kalagayan namin dalawa ni Lenard pero mas inaalala ko sya.

"Jio, get some more bodyguards na makakasama natin dito sa bahay, at makakasama ng anak ko sa school. Okay!" narinig kong binilin nya kay Jio bago ito umalis. I know he's just trying to protect us.

"Magpahinga kana kaya?" nilapitan ko sya matapos nyang kausapin si Jio. He looks stressed.

"I'm fine. I'll gonna see Lenard." wika nya at tinungo ang kwarto ng bata. Naiwan ako sa sala na nakatayo at dala pa ang gamit ko galing sa work. Binaba ko yun sa sofa at nagpunta ng kusina para kumuha ng maiinom.

"Reena!" nagulat ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Odille. Nakabihis pa sya at mukhang may pupuntahan syang party. Sinalubong nya ako sa kusina. May dala syang silver pouch .

"You look tired? Something happened?" tanong nya at dahan dahan akong tumango. Naupo ako dala ang isang baso ng tubig sa kamay ko. Huminga ako ng malalim.

"Someone is threatening Liam. Nag aalala ako." malungkot kong sinabi.

"Alam na ba nya kung sino?" Umiling ako. Siguro ako walang alam pero sya may suspetsa na kung sino.

"Hey! I know Liam! He'll protect you and your child no matter what happen. Just trust him." she tapped my shoulder and slowly embraced me.

"Gusto ko sanang tumulong pero mukhang ayaw naman nya akong payagan." nagulat si Odille sa sinabi ko.

"He won't let you of course. Ayaw nya kayong madamay. At yan si Liam matigas din ang ulo. Hayaan mo na sya sa mga ganyan bagay." Sumang ayon ako pero pakiramdam ko may maitutulong ako. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan.

"Wala ka bang alam na kahit sino na pupwedeng may galit kay Liam? Inside the company?" naisip kong itanong. Sandaling natahimik si Odille.

"I know someone. My ex boyfriend." nagulat ako.

"Sino?" mabilis kong tanong.

"Si Ziegfrid." hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Dati nyang karelasyon ang pinsan ni Liam.

"I'm sorry if I didn't told you. Pero alam ni Liam yo'n noon pa. We broke up nang malaman ko na he's against my bestfriend at gusto nya sundin ko ang mga gusto nya. Like helping him to be the Financial Consultant of Imperial. I did helped him. But that was the last. Lalo ng malaman ko na Leandro died." sinubukan kong magsalita.

"So you're suspecting him na sya ang nagtatraydor sa Imperial?" she nodded.

"Paano natin sya mahuhuli?"

"We don't have evidences. Kahit ako, its just my word against me at wala din akong pinaghahawakan na solid proof." bumuntong hininga ako.

"Basta Reena, bantayan mo si Lenard. I don't know kung may kakayahan nga ba talaga si Zig na gumawa ng masama. As far as I know, mabuti syang tao." nakita ko sa mga mata ni Odille na totoo ang mga sinasabi nya. Tingin ko kay Zig wala syang kakayahan gumawa ng masama lalo sa pamangkin nya. Pero kung sya nga ang pumatay kay Leandro na itinuring syang kapatid. Wala syang kaluluwa.

Umakyat ako sa kwarto ko para magpahinga. Hindi na muna ako tumuloy sa kwarto ng anak ko dahil nandoon pa si Liam. Napakadami ng katanungan sa isipan ko, sino ang pumatay kay Leandro? Bakit sya pinatay? Anong motibo nila! Naiinis ako dahil wala akong kaalam alam o wala ako maitulong sa imbestigasyon. Habang tumatagal napapalayo kami sa tunay na pumatay. At ngayon parang manipulado nila si Liam.

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now