Chapter 28

2.2K 49 2
                                    




Nasa tabi kami ng bonfire ni Odille habang kasama ni Lenard ang mga kaklase nya. Habang si Liam nasa ilalim ng isang puno at may kausap sa phone nya. He needs to monitor the office kahit nasaan man sya. Kaya kahit nasa camp kami kailangan magreport sa kanya ng secretary nya.

"Alam mo ba yan si Liam? He never been to relationships. Since highschool." nagulat ako sa sinabi ni Odille.

"Bakit daw? Hindi ba sya nainloved? Nagkacrush?"

"He had a crush but only crush. He never fell for it. Matigas yan. Gusto nya sya ang hinahabol." Natawa ako. Hindi na ako magtataka sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya.

"Pero hindi talaga yun ang dahilan nya.." bigla akong nacurious sa sinabi nya.

"What do you mean?"

"He's scared of losing someone that's why he choose to never fall inloved. Natatakot sya sa commitment, because he's scared to be a failure. Natatakot syang mainloved kasi natatakot syang makapanakit."

"And bakit sya naging playboy?" Ngumiti si Odille.

"He used girls who are taking advantages of other men. Alam nya yun.. He used girls who are play girls too.."

"You mean?" tumango sya.

"But not all of this ladies shared beds with him. Kahit ganyan yan. Choosy yan. At bilang ko sa kamay ko ang babaeng paulit ulit nyang ginagamit. Ladies with class ba or from elite society." napataas ang isang kilay ko.

"Kaya nga itong mga babaeng to, papatay, wag lang mawala si Liam sa kanila." nagulat ako at medyo natakot para sa kaligtasan ko.

"That's scary.." natawa sya sa sinabi ko. Tinapik nya ako sa balikat.

"Don't be scared. Liam is there for you. At naniniwala ako na ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya."

"Sana nga. Pero kung totoo man na gusto nya ako. Hindi ko alam ang dapat gawin."

"I know how you feel. You loved an Imperial once, at nasaktan ka. Pero what if this time, you had a choice, and this choice will change what you believe in, including the pain you had.. Reena, alam ko something is bothering you. And only thing you can do is talk to him." sumang ayon ako sa sinabi nya. Madadaan sa pag uusap itong pagkalito ko, at lahat ng tanong ko masasagot.

"Hopefully, makausap ko na ng maayos si Liam."

"Really! It will, of course." she said excitedly. Natawa ako. I sighed heavily. May dahilan na ako para kausapin sya pero ang problema, paano ko ioopen ito bukas sa kanya? We need to have time alone. But how could I possibly do that? Kung umiiwas sya.



---


5AM kami gumising kinabukasan para sa simula ng orientations ng last game. Ang "Finder's Keepers" game na gaganapin sa gitnang kagubatan. I think it'll be a hiking game. Or seek a treasure.

Nagbihis ako matapos ako maligo, at bihisan si Lenard na excited ng sumama sa grupo nya.
Nagsuot lang ako ng hiking shorts, white blouse, gears, at nagdala ako ng isang bag as my kit. Paglabas ko ng cabin, nakita ko kaagd si Liam na bihis na.

Now, he's wearing a black fitted V-Neck that makes him sexier. Plus the gray hiking shorts na hanggang tuhod lang nya. May dala syang maliit na bagpack. Then naka suot sya ng isang UV protected black aviator sunglasses na talagang mapababalik tanaw ka kapag nasalubong mo sya.

Hindi ako makalapit sa kanya. Nag iisip ako how will I approach him. The usual way, the taray tarayan way or the feeling close lang. Ang hirap .

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Where stories live. Discover now