Chapter 10

2.8K 59 5
                                    




"Kinakabahan ka nu?" asked Jaica matapos ng meeting. Nasa isang fastfood kami at kumakain.

"Kinabahan sa meeting? Hindi ah." natawa kong sagot.

"Gaga, bukas. Kinakabahan kang harapin si Leandro nu?" huminto ako sa pagkain.

"Halata ba?" Natawa si Jaica at sumimangot ako.

"Oo. Sasamahan naman kita. Ano bang kinakatakot mo?"

"What if may pamilya na sya? Kaya hindi nya na ako binalikan?"

"Sa tingin mo ba meron?" sandali akong napaisip sa tanong nya. Kung meron, paano na? Wala na ba talagang pag asa na maging masaya kami ng anak ko?

"Bahala na bukas.. Kung ano man ang sasabihin nya tatanggapin ko.." ngumiti si Jaica.

"Tama yan. Relax ka lang. Okay.." hindi ko alam kung mananatili akong maging kalma. Kahit ba na matagal kong pinagdasal ang pagkikita namin. Heto, kung kailan ilan oras nalang ang hihintayin ko, para naman binibiyak ang dibdib ko.

Umuwi na ako, after namin kumain ni Jaica. Dumaan muna ako ng mall para sandaling bilhan ng ilan gamit ni Lenard sa school saka ako umuwi. Nagpagabi na akong bumalik sa bahay.

"Mama!!" sigaw ng anak ko ng makita palang nya ako sa pintuan. Tumakbo sya saka niyakap ako ng mahigpit na halos lumaylay na sya sa leeg ko.

"Wait lang Baby. May dala si Mama.." sabi ko sabay abot sa kanya ng paper bag.

"Wow! New pencils and notebooks!" galak nyang sinabi at kinuha ang dala ko. Nagmano ako kay Papa na nasa sala at nanonood ng tv habang si Mama nasa kusina at nagluluto na. Naaamoy ko na ang piniritong tilapia sa kusina.
Si Lenard naman nasa mesa at nagbabasa. Kalat kalat pa ang mga gamit nya sa school.

"May assignment ka ba?" I asked him ng balikan ko sya.

"Tapos na po ako Mama!" ngumiti ako at hinagkan ko ang bata. Kahit papaano nababawasan ang pagod ko dahil sa pagiging independent nya. Kapag uuwi ako ng pagod hindi ko na iniintindi ang mga assignments at projects nya dahil tinatapos nya na agad. Kapag exams naman, nagrereview na sya agad.

"May activity ba sa school nyo next week? Nagtext sa akin ang teacher mo. May babayaran daw kayo?" tumango sya.

"Meron po. Buwan ng wika po." binuksan ko ang wallet ko at may laman pa para pambayad ng costume nya. Naupo ako at sandaling nagsalin ng tubig sa baso.

"Sige. Magbabayad ako sa Friday." pinagmasdan ko ang anak ko habang inaayos nya ang mga gamit nya.

"Nga pala Mama!" nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw. He looks excited.

"Bakit?" Agad kong tanong.

"Nakita ko po si Papa!" Halos masamid ako sa iniinom sa sinabi nya. Biglang lingon naman nina Papa at Mama sa amin.

"A-ano? Nakita mo si P-Papa mo?" Nanginginig kong tanong.

"Opo!"

"Saan? Saan mo nakita?"

"Sa magazine po." naguluhan ako sa sinagot nya. Saka huminga ng malalim, lumingon ako kay Papa na nakikinig sa amin.

"Sa magazine? Baka naman namalikmata ka lang."

"Hindi po!" sa tono nya para talaga nyang nakita ang tatay nya. I know Lenard, if he said something, its true.. Kapag nakita nya, nakita nya. Paano magkakamali ang anak ko sa nakita nya?

"Kanino yun magazine?"

"Kay Mam Sandra po." nagulat ako. Si Sandra ang homeroom teacher nya.

"Anong sinabi mo nung nakita mo ang Papa mo sa magazine?"

Can't Get Enough Of You - PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY √Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ