Bumilis ang paghinga ni Jasper habang tinatapunan ng masamang tingin si Ethan. I could see his hands clenched and his lips puckered in one line. He's actually restraining himself for any outburst.

After the agonizing exchange of deadly stares. Jasper heaved a deep sigh and turned his back. Pero hindi pa man din siya nakakalabas ay agad itong nagsalita. "You'll regret this, Carbonel. Ayaw ko sa lahat ay ang mga pakialamerong tulad mo." punong-puno ng pagbabantang wika niya. Pero hindi ko man lang kinakitaan ng takot ang mukha ni Ethan.

Ngumisi lang siya at hindi na pinansin ang umuusok sa galit na mukha ni Jasper. Tanging ang pagkakabalibag na lang ng pintuan ang umalingawngaw sa kwarto. Noon ko lang nagawang humugot ng hininga na hindi ko man lang namalayang pinipigilan ko pala.

Napasubsob ako sa braso ni Yaya. Naiiyak na naman ako. Lagi na lang bang ganito? Darating siya. Matatakot ako. Iiyak. Napapagod na ang katawan ko sa paulit-ulit na cycle. Kung hindi lang dahil sa anak ko ay matagal na kong sumuko. I don't want to take my life because I know someone is depending on me.

"Mandy...." Ethan called my name. I looked at him with all the tears on my face. "E-Ethan...." my voice is constricted. "Take me away, Ethan. Please save me and my child." hindi na ko nakapagsalita dahil niyakap niya ko ng mahigpit. He started patting my back.

"Tahan na. Makakasama sa bata yan."

"He looks extremely dangerous Mandy. Pakiramdam ko ay may hindi tamang nangyayari dito." bulong niya.

One thing about Ethan, he has a strong inkling about everything that is happening around him. Malakas ang pakiramdam niya at hula ko ay nakutuban na niya ang kapahamakang dala ni Jasper kaya ganun na lang ang pagtutol niya sa pagkuha sakin.

"H-he tried to kill my baby, Ethan. M-Masamang tao siya." narinig ko ang pagtangis ng bagang niya at ang mahinang mura. Hindi man kami magkaibigang matalik pero sigurado naman akong nag-aalala rin siya sakin.

"Ilayo mo kami. Please itakas mo na kami." patuloy na sumamo ko. Humigpit ang yakap niya sakin na ginantihan ko naman.

"Ssshh I'll handle everything, Mandy. Please calm down. Stressing yourself can harm the fetus. Alam ba to nina Samantha? You should have asked their help. You almost lost the baby."

Inabutan ako ni Yaya ng baso ng tubig. Marahan akong uminom at pilit na pinakalma ang sarili ko. Nakaupo sa katabing sofa si Yaya habang si Ethan ay nakatayo sa gilid ng kama ko.

Umiling ako. "Hindi nila alam. All this time wala akong nakakausap kahit isa sakanila. I've been a prisoner."

Tumango-tango lang siya at nagbuntong hininga. "You can tell me to stop and I'll stop but I really need to ask you something." bigla naman sumipa ang kaba sa dibdib ko.

"B-Bakit? May problema ba sa baby ko? Is my child in danger?"

"Hindi yun." nakahinga naman ako ng maluwag.

"I examined your body, Mandy." He paused and I can sense he's not comfortable with the impending question. "I can see that you've been through alot."  I fought the urge to cry. He's right. I;ve been through the extreme of hell. I'm bruised and fvcked up. "But something caught my attention in your exams."humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

"Did he violate you? I'm sorry for the question but I have to." Maagap na paumanhin niya.  



Nanglaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman yun? Pero agad din akong nakakuha ng sagot ng maalala ko ang propesyon niya. He's a doctor for crying out loud. I unknowingly nodded in response. "H-He did, Ethan." halos kapusin ako ng hininga sa 3 salita na yun. Napapikit siya at napailing. I know the results shows how I was violated by Jasper. "H-he rap..." I stopped. I can't utter that forbidden word.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon