MPiMH Part 53

1.4K 29 16
                                    



CINDY's POV



"Congratulations!"


Kasabay ng hiyawan at pagbati nila sa akin ang pagbagsak ng mga confetti sa paligid ko. Sina Tito inabutan ako ng bouquet ng bulaklak as gift daw sa graduation ko.


"Cindy congrats!" sabi ng mga kaklase ko na nagpuntahan dito sa bahay nina Tito. Napag desisyunan ko na dito na lang kami mag stay ni Tintin simula nung malaman ko na peke pala yung kasal namin ni Sir Mike. Hindi ko rin siya nakita nung graduation ko. Sabi nina Trish hindi rin daw nila nakita si Sir Mike, kaya sa tingin ko ay hindi talaga siya pumunta kanian.


"Cindy, Let's go?" aya sa akin ni Tita. Oo nga pala naikasal na siya kay Tita na matagal na niyang crush kaya Tita na ang Tawag ko sa kanya. "Madami ka'ng bisitang dumating. You need to entertain them." tumango naman ako at sumunod sa kanya.


Naging masaya naman ang araw na iyon. Dumating sina Yuuka at Miggy para batiin din ako. Kung makabati nga parang hindi rin sila kasali sa graduation na ginanap kanina si Yuu. Si Miggy naman, as usual, cold pa rin ang peg n'ya. Hindi marunong makihalubilo sa mga maiingay na tulad namin. Mabuti na lang talaga at lagi siyang hinahatak ni Yuuka para naman kahit papaano ay nakaka experience ang lalaking ito ng masasayang pangyayari na maaari niyang i-treasure habang buhay.


Halos anong oras na rin nung mag-alisan ang mga bisita ko, gabi na rin ata? Huling nagpaalam sina Miggy. Ayaw kasi agad umuwi ng Mommy niya dahil tuwang-tuwa kay Tintin. Gusto pa nga niya hiramin ang kapatid ko at ihahatid na lang daw kinabukasan. Ang sabi niya baka daw naglilihi siya ulit at si Tintin ang napaglilihihan niya. Gusto ko man pasamahin si Tintin kaso baka makita niya si Sir Mike duon at magtanong siya kung bakit hindi pa kami bumabalik sa bahay niya.



"Mhie-mhie?" lumapit sa akin si Tintin habang humihikab. "Bakit po hindi ko nakita si Dhie-dhie? Sabi po niya noon bibili siya ng malaking gift for you sa graduation mo po."


Marahan ko siyang inakaya palapit sa kama kung saan ako nakaupo at naihiga sa kama. "Busy na kasi siya Tintin. Simula ngayon magiging super super super busy na siya kaya hindi na natin siya pwedeng guluhin pa. Gusto mo ba na magalit s'ya sa atin pag naistorbo natin siya sa work?" kumirong naman si Tintin.

"Pero mabait naman po ako Mhie-mhie."

Ginulo ko ang buhok niya. "Hindi ka mabait, makulit ka kaya. Ito na ang monster!" sabay kiliti ko sa kanya na ikinatawa naman niya ng malakas, halos hagalpak na nga ang pagtawa niya. Tumigil lang ako sa pagkiliti sa kanya nung sawayin kami ni Tito na baka kabagin daw ang kapatid ko kakatawa at gabi na daw baka nakaka istorbo na kami sa mga kapitbahay.

"Goodnight Tintin." nai-kiss ko ang kapatid ko sa noo bago siya kinumutan at nag goodnight rin siya sa akin.





Hindi ako makatulog nung gabing iyon. Kahit anong gawin ko'ng pwesto sa tulugan ko, kahit anong pikit ko , hindi talaga ako dalawin ng antok.


"Kainis naman!" napasabunot tuloy ako ng buhok.


Tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto kesa naman mabugnot ako sa kakaikot ko doon. Nagtimpla na rin ako ng gatas at dinala iyon sa may veranda ng bahay at duon naupo.


"Kumusta na kaya siya?" wala sa sarili ko'ng tanong. Nagulat na lang ako nang may biglang sumagot.

"Bakit hindi mo tawagan?" pagharap ko nakita ko si Tita na nasa likuran ko na pala. "Pwedeng maupo?" tinuro niya ang upuan na nasa tabi ko at naupo rin naman siya duon nung tumango ako sa kanya. "Kabataan nga naman ngayon, hirap umibig noh?" natatawang tanong niya. "Pero masarap magmahal tama?"

Tumango naman ako. "Opo, kahit masakit."

"Sa pagmamahal, hindi pwedeng puro masaya lang Cindy. You need challenges para mapatunayan niyo kung worth it ba kayong dalawa para sa isa't-isa."

"Pero Tita niloko niya ako." reklamo ko sa kanya. "Naglihim siya sa akin."

"Na hindi mo hinintay ang paliwanag niya?" dugtong niya. "Pinagpaliwanag mo ba? O nagpadala ka sa galit? Why don't you give him a chance to explain himself? Lahat naman ng bagay may rason."

"Hindi nga po siya nagpunta sa graduation ko." nakasimangot ko'ng sagot at niyakap ang mga binti ko.

May inilagay si Tita sa table at pinatungan iyon nung baso ko na may laman na gatas. "Here, it's up to you if you want to read this or not. I just saw it sa mail box kaninang umaga. Your Tito wants to throw this away but I decided to keep it, just in case you want to read it. Kung ayaw mo basahin, then you can throw it na lang." tumayo na siya at nagpaalam sa akin na matutulog na daw siya.


I don't know kung babasahin ko ba 'yung sulat na iyon. I don't know why. Pero bakit parang feeling ko kahit na kasalanan ni Sir Mike, bakit parang guilty rin ako? Dahil ba sa hindi ko siya pinagpaliwanag that time? Dahil ba sa nakita ko kung paano siya magmakaawa sa akin nuon na makinig sa kanya pero hindi ko siya pinagbigyan? Am I a bad person? Sa kabila ng mga ginawa niyang tulong sa amin ng kapatid ko na hindi ko man lang siya binigyan ng time para magpaliwanag?

"Ang sakit." napasapo ako sa dibdib ko noon sabay pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.







"Good morning!" bati sa akin ni Tintin pagkalabas ko pa lang ng kwarto. Tinanghali ako ng gising dahil paumaga na rin nung makatulog ako. "Lets eat lunch Mhie-mhie."

Naupo ako sa tabi niya at nai-kiss siya sa forehead. "Ang bango-bango na ng baby namin ah. Nakaligo ka na?" tumango naman si Tintin. "Good. Kumain ka ng madami."

"Mhie-mhie, there's a gift for you nga po pala." tumakbo siya papunta sa sala para kunin yung isang malaking blue paper bag. "Its for you Mhie-mhie. Look may name mo po oh." tinuro nya yung pangalan ko na nakasulat sa card pero walang nakalagay kung sino ang sender. "I think, it is a big big plushie!" excited na sabi ni Tintin.

"Saan po galing ito?" tanong ko kina Tito pero hindi rin nila alam kung kanino galing, basta na lang daw nasa labas ng gate kaninang umaga. "Nope, we're not going to open it. What if galing to sa bad guys at may dangerous things sa loob nito?" sabi ko kay Tintin na ikinasimangot naman niya.


Alam ko naman kung kanino galing 'to. Sigurado ako na kay Sir Mike galing 'to. Mas pinagmumukha niya ko'ng guilty sa ginagawa niya.


"But I am sure that's a plushie." naka pouty lips na sagot ni Tintin. "If you don't want, I can have it."

Hinigpitan ko ang kapit sa paper bag "I said, NO." Tumayo ako at binitbit palabas ng bahay yung paper bag na regalo niya para sa akin. Iniiwan ko iyon sa labas ng gate. Bahala na kung may ibang kukuha noon. Hindi niya ako madadaan sa mga gantong regalo.


"Hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to Cindy. Hindi ikaw ang nanloko. Ikaw ang naloko, yun ang tatandaan mo."









My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now