MPiMH Part 45

1.6K 33 4
                                    



Matapos ang insedenteng iyon sa library agad kong tinawagan si Sir Mike. Nagtataka siya kasi umiiyak ako nung tumawag ako sa kanya. Gusto ko sabihin lahat pero hindi ko magawa.

Anong sasabihinko?

Hinayaan ko angkapatid niya na basta ako halikan?

"Cindy?" agad niya akong pinayungan ng makita niya na nababasa na rin ako ng ulan mula sa kinatatayuan ko.

Ano?Anong gagawin ko? Gusto ko umiyak subalit paano pag tinanog niya ako?

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya at niyaya na siya palabas ng library building. Mabuti na lang at weekend, hindi ganun kadami angmga estudyante.

Ipinahiram niya sa akin ang ekstrang payong niya. Eksaktong nasa may sakayan kami nuon ngmakita namin si Miggy na nakaupo sa waiting shed. Humarap siya sa pwesto namin at nginitian lang ako.

Ngiti na alam kong may kahulugan,

Yung ginawa niyang paghalik kanina.

MICHAEL'S POV

"Congratulations everyone! Natutuwa ako at naipasa ninyo ang defense! I am so proud of you guys!Well done!" abo't tenga yata ang ngiti ko. Natutuwa ako dahil ang buong block na ito na kinabibilangan ni Cindy ay nakapasa pala lahat sa kanilang thesis defense. Konting hintay na lang, maaabot na ni Cindy ang mga pangarap niya.

"Thank you so much Sir Mike!"

"We love you Sir!"

"Sir treat ka namin dahil tinulungan mo kami!"

Ilan lang'yan sa mga naririnig ko sa kanila. Ang sarap pala sa pakiramdam. Sila ang first batch students ko na magtatapos talaga ng college. Dumating ako dito sa University na ito ay narito na sila. At ngayon malapit na silang magtapos lahat at tutuparin na nila ang kanilang mga pangarap.

"Kyaaahhhh!!!" tilian ng ilang mga estudyante na nasa loob ngclassroom. "OH. EM. GEE! Hi Miggy!!"

Pero hindi sila pinansin ngkapatid ko at nagpatuloy sa paglalakad. At ang pinuntahan niya?

SiCindy.

"Yo Cindy!"

Hindi siya pinansin ni Cindy, at nagpatuloy ito sa pag-aayos ng gamit niya. Bigla namang may lumapit na grupo ng mga estudyante sa akin. Angiba ay nanghihingi ng sign sa autograph book nila dahil malapit na daw sila umalis dito.

"Sir! Balak namin kumain sa labas mamaya,sama ka naman." Yaya ngisa. Ang iba naman ay sumimangot rin na halos lahat ay gusto ako pasamahin sa kanila.

Sino ba naman ako para tumanggi.

"Sure! Pero sa mumurahin lang ha? Alam niyo naman wala pako sahod sa ngayon."

Halos lahat naman sila ay nag sigawan, mas malakas ko narinig ang sigaw na"YEHEY!"

Nakakatuwa talaga sila.

"Sorry, but Cindy can't make it to your celebration later."

Lahat kami ay napatingin sa gawi nina Cindy at Miggy na ngayon ay nagsusukatan ng tingin.

"May date kami,hindi ba baby?" hinawakan pa ni Miggy ang kamay ni Cindy at agad na hinalikan iyon.

Sa totoo lang gustong-gusto ko ibato sakanya ang hawak kong reference book. Kahit kapatid ko siya gusto ko siyang saktan.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon