MPiMH Part 46

2K 37 20
                                    


MPiMH Part 46

Yes! Next month na naka sched yung graduation namin.

Hanggang ngayon tuwang-tuwa pa rin si Sir Mike na makaka-graduate na nga ako. Kahit ako rin naman, noon kasi muntikan na akong matigil sa pag-aaral kung hindi niya lang ako  tinulungan.

At dahil nga malapit na ako maka-graduate pwede ko daw gawin lahat ng gusto ko sabi ni Sir Mike.  Kung gusto ko  daw siyang utusan okay lang daw.  Kaya nag decide kami ni Tintin na gawin siyang butler ngayong araw. Parang katuwaan lang ba?

"Madam,do you want some coffee?  Tea?" hinawakan niya ako sa baba ko at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"Or me?" mapang-akiti n'yang sabi.

"Kyaaaahhhh!" tili ko.

Ang gwapo niya kasi. Pwede ko ba sabihing siya ang order ko? Kahit ano naman daw hindi ba?

"I want Dhie-dhie!" sigaw ni Tintin kaya nilapitan siya ni Sir Mike at kinarga.

"What do you want my little princess?"

"I want a big big hug!" yumapos si Tintin sa leeg niya.

Nakakatuwa naman, kasi ang cute nila tignan. Naka butler attire si Sir Mike, wala siyang salamin kasi hindi daw bagay sa suot niya. Kaya naman niya ngwalang salamin kaso medyo hirap pa rins iya. Ginagamit niya yun para mas malinaw ang paningin niya. Si Tintin ay naka princess gown at ako naman ay naka dress. Regalo ito sa amin ni  Yuu nung bumalik siya ng Pinas after  OJT niya.

Tok!tok!Tok!

"Hmmm? Sino naman kaya yun?" tanong ko.Tatayo na sana ako  para pagbuksan ang nasa pintuan pero pinigilan niya ako.

"Let me open the door for you madam." Ibinaba niya si Tintin at hinalikan niya ang likuran ng palad ko at tsaka siya nagtungo sa pintuan at pinagbuksan ang kumakatok.

"Yo!" sabi nung nasa pintuan. Pero imbis na papasukin siya ni Sir Mike ay inihamba niya ang kamao niya at sumuntok kaya nagmadali ako pagtakbo papuntang pintuan. Nakita ko roon ang namumutlang mukha ni Miggy dahil muntikan na siyang tamaan ng kamao ni Sir Mike.

"Dhie!" agad kong hinatak ang kamao niya pababa, mahirap na baka sumuntok na naman siya at tumama na talaga yun kay Miggy.

"Pasalamat ka wala akong salamin dahil kung hindi tinamaan ka talaga." Sabi ni Sir Mike na inaayos ulit yung coat niya at pumasok na siya pabalik sa sala kaya ako na lang ang humarap kay Miggy kahit napipikon pa rin ako sa kanya.

"Ano? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya kahit na mumutla pa rin siya.

"Ah... ano.. M-may sasabihin sana ako kay Kuya." Nauutal niyang sagot tapos pinakita niya yung isang brown envelope na kapit niya "May ibibigay pati ako sa kanya."

Mukha naman wala siyang ibang gagawin. Basta mapaglayo ko sila ni Sir Mike wala naman mangyayaring gulo.

Pinapasok ko na siya sa may sala at pinaupo sa couch naming katapat ng inuupuan ni Sir Mike.

"Kausapin mo lang Sir Mike. Wala naman mawawala." Bulong ko sa kanya.

Tumingin pa siya sa akin na para bang gusto niya sabihin sa akin na ayaw niya kaso napipilitan siya. Ilang minute rin yata kaming tahimik, si Tintin lang yungmaingay kasi naglalaro siya nung dolls niya.

"Hindi naman kita nahalikan noon Cindy." Basag niya sa katahimikan naming."Hindi kita nahalikan noon kungyun ang iniisip at ikinakagalit mo sa akin ngayon Kuya."

"Huh?" yun na lang ang lumabas sa bibig .ko.

"Gusto lang kitang asarin noon Cindy. Pero maniwala ka, hindi lumapat ang labi ko sa'yo. At mataas ang standard ko sa isangbabae. Siguro kung anglabimo ay tulad ngkay Miranda Kerr baka hinalikan na talaga kita."

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now