MPiMH Part 37

2.3K 65 17
                                    


MPiMH part 37

"Sir Mike?---" tumayo ako para lapitan sya. "Okay ka lang?"

"Hindi na ako pupunta dyan. Magaling na naman si Teacher Rosal diba?"

"R-Rosal?" Rosal? Hayun na, nagsimula na magsipagkilusan ang mga mangagawa sa utak ko, kung anu-ano na ang iniisip ko. Base sa pangalan nyang Rosal, sigurado ako na napakaganda nyang babae! KYAHHH!!! Sino ba sya?! Ngayon ko lang narinig ang pangalan nya sa tanang buhay ko!! Kayo! Nabasa nyo na ba ang pangalan nya? Ha?! Ha?! Sigurado ako ngayon pa lang din! Whaaa!! Sino ka Rosal?!

"S-Sir Mike?" nagbabye na sya dun sa kausap nya tska sya humarap sa kin. "Sino yun?"

"A-ah ano.. S-si... Teacher Rosal... dati kong teacher..." sabay blush nya.

H-hala!! B-bakit sya nagba-blush? Don't tell me crush nya yun dati?!! KYAHHH!!! Hindi pwedeeee!!!!

Makalipas ang tatlong araw at dalawang gabi, hindi pa rin ako mapakali, kasi ba naman naiintriga ako dun kay Rosal, sino ba kasi yun?! Kasi pag sya pinag-uusapan naming bigla na lang nagbablush si Mike!! Whaa!! Bakiiiittt?!!

"Si-Sir Mike?"

"Oh? Bakit gising ka pa? anong oras na ah." Naupo sya sa tabi ko,nakaupo kasi ako sa may terrace habang umiinom ng gatas. "Anong iniisip ng misis ko?" umakbay sya sa kin kaya ipinaling ko yung ulo ko sa balikat nya para maging komportable ako.

"Gusto mo bang bisitahin si teacher Rosal?"

"Hmm? Hindi na siguro maayos nay un---eh? Mhie?" hinawakan ko sya sa t-shirt nya. "B-bakit? Hehe. A-aray! Huy! Humihigpit yung kapit mo m-masakit!"

"Sabi ko, puntahan natin yung mabango mong bulaklak na si Rosal" mas hinigpitan ko pa kapit ko sa kanya.

"Huy teka nga, kumalma ka nga!" pinipilit nya tanggalin yungkamay ko sa pagkakakapit sa kanya pero lumalaban ako. "Lalaki yun!"

"E-eh?? Anong sabi mo?" binitawan ko na yung t-shirt nya kaya nakahinga na sya ng maayos. "L-Lalaki?"

"Yep, lalaki yun! Phew! Papatayin mo ba ko sa selos?" hinagod pa nya yung leeg nya. "Aray ano ba?! Huy! Tama na baka magising pa si Tintin!!" halos paghahampasin ko lang naman sya ng bonggang-bongga dahil hindi nya agad kasi sinabi sa kin ang tungkol dito, hinyaan pa nya akong mag-isip ng kung anu-ano!

"Bakit kasi hindi mo sinabi sa kin agad ha?! Hinintayin mo pa talaga na magselos ako ha?!"

"Hindi naman kasi importante---ARAY!!" sabay bato ko ng encyclopedia sa mukha nya. "Hindi mo ba alam na nakakapagpatalino to kaya hindi dapat ibinbato?! Tsk! May bukol ako oh." Sabay hagod sa nuo nya habang naka-pout. "Sorry na mhie!" binitawan ko na yung hawak kong isa pang libro na dapat sana eh ibabato ko pa sa kanya. "Sige na, ikukuwento ko na sayo, halika, maupo ka dito. " itinuturo nya yung pwesto sa harapan nya kaya pumunta ako dun at naupo, yumakap naman sya mula sa likod ko. "Ikukuwento ko sayo kaya making ka okay?" tumango na lang ako at naghintay sa kwento nya, "Diba sabi sayo ni Ryan nuon na basagulero ako? Totoo yun,madalas ko pa ngang hamunin yung leader ng frat sa school namin, wala lang, para lang mpatunayan sa sarili ko na malakas ako,.. at para na rin layuan nila ako. Ayoko kasing malaman nila na galing ako sa mayamang pamilya, kaya nga nagpahaba atnagpakulay pa ako ng buhok nuon.Madalas akong mag cutting classes, lagging laman ng guidance office, sa detention, dun sa old gymnasium. Hanggang sa isang araw nga, nagkaroon kami ng values teacher, baguhan sya noon, iritang-irita nga ako sa mukha nya kasi ba naman parating nakangiti parang baliw."

"Si Teacher Rosal ba tinutukoy mo?" tanong ko.

Tumango naman sya "Oo, alam mo bang bwisit na bwisit ako dun? Lagi nya akong pinapangaralan, dapat daw i-enjoy ko ang buhay dahil bata pa ako, palibhasa hindi nya alam kung ano ba yung mga pinagdaanan ko. Tapos parati pa syang nakabuntot sa kin kahit saan ako magpunta, minsan binibigyan ng notes as reviewer lalo na pag may assignments at exams."

"Hindi kaya bakla yun?—Aray ha? Makabatok ka wagas!"

"Lalaki yun! Okay, tuloy ang kwento, so ayun nga, dahil madalas ko syang kasama, napipigilan nya ko sa mga gulo na dapat eh kasasangkutan ko. Madalas kong ka-basag-ulo noon si Brix, pero madalas kaming mapalo ng walis tingting lalo na't pagnakita na kaming magkasama. At ang gumagawa sa min nun eh si Teacer Rosal lang. Kung minsan nga napapaisip kami kasi baby face sya, tapos maliit na lalaki pero malakas syang tao kaya yung mga basagulero ata sa batch namin noon eh mga nagtino kahit papaano. Sya lang ata yung teacher na naging ka-close naming lahat, lalo na sa kin. Sya kasi ang gumabay sa pag-aaral ko, baka kung wala sya, maaaring hindi na ako nagtuloy sa pag-aaral at hindi ako naging professor. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Tapos isang gabi, pauwi na ko nun galing sa part time ko sa department store, sinalubong ako ng assistant ng papa ko. Sinabi nya na sa simula kinabukasan, hindi na daw ako ang mamamahala sa lahat ng ari-arian ng ng Hernandez Family, ibibigay na raw ang lahat ng dapat sa akin sa pangalawang anak na lalaki ng pamilya."

"Si Miggy?"

"Tama, nagpasalamat na lang ako nun kasi hindi ko na yun dapat pang problemahin,kasi ayoko naman talaga nung yaman na yun. Kasi pag kinuha ko yun magiging alipin at sunud-sunuran lang ako sa ama ko, kaya hinayaan ko na yun sa kapatid ko kapalit ng kalayaan ko. Pero may bahagi pa rin ng loob ko na nalulungkot dahil dun, kaya ang ginawa ko nag-inom ako at nakipag basag ulo kasama si Brix. Pero ang loko, itinext yungmabait naming guro, kaya sinundo ako bago pa daw ako makapatay ng tao.Napakabait nya sa kin na halos pinatuloy pa nya ako sa bahay nya ng isang gabi at lalabhan daw nya ang damit ko dahil puro dugo. Sabi ko sa kanya wala syang mahihita sa kin dahil wala naman akong pera,pero binatukan nya ako ng lesson plan nya, ang lakas nun, sobrang sakit sa tuktok ng ulo. Sagot nya sa kin nun, wala syang pakialam sa pera,na ang mahalaga sa kanya ay ang mga estudyante nya, na ayaw nya kaming mapunta sa maling daaan. Ipinaramdam nya sa kin na hindi naman talaga ako masama, na nagpapanggap lang talaga ako. Sinabihan nya akong magkaroon ng pangarap dahil bata pa naman ako, malayo pa daw ang mararating ko kaya wag ko daw siraiin ang buhay ko. Kaya ayun, hindi nya talaga ako tinigilan hanggang sa matutuo na nga ako at napamahal na ako sa pag-aaral. Napapaisip na nga mga kabarkada ko nun dahil imbis na pamalo hawak ko eh puro notebook na daw, nagbagong buhay eh. Hanggang sa isang araw...."

"Isang araw?"

"Sa isang araw ko na langitutuloy"

"Bwisit! Ituloy mo na!"

"Sa isang araw na nga! Matulog ka na, may pasok pa bukas." Sabay gulo nya sa buhok ko.

"Kainis ka! Dyan ka na nga hmp!" tumalikod na ako at pumasok sa kwarto.


================================================


SOrry po kung bitin neh?? Ngayon lang ako nakaligtas sa lesson plan eh hahahaXD

sorry din po kung may mga wrong type, madalian po kasi, try ko ulit mag update after 1st grading period ^^

Thanks for reading,

Vote/Like/Comment ^^

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now