MPiMH Part 35

9.9K 176 75
                                    

sorry for the long wait, medyo busy po kasi ^^

sa totoo lang po dapat dati ko pa po ito nai-update, kaso nabura po yung nai-type ko dati so nahirapan po akong i-type ito ulit. sorry po talaga kasi mabilisan ko 'tong ginawa dahil marami nang humihingi ng update .

This chapter is dedicated to " TheGeminiAmeir " para sa wife mo na lagi kang kinukulit ^_^

=================

MPiMH PART 35 

“ Kay ganda mo  namang dalaga,ikaw ba ang pamilya ni Tintin, hi’ja?” tanong ng isang ginang na nakaupo sa tabi ko.

“Ah opo, ako po si Cindy Francisco.”

“Ang cute mo hi’ja, eh yung lalaking yun na may buhat kay Tintin, Mister mo?”

“H-hindi po!”

Sa totoo lang kanina pa maraming nagtatanong sa kin kung kaanu-ano ko sya hehe.Pero asawa ko po sya Sabi ko sa isip ko,alangan naman sabihin kong asawa ko sya, syempre hindi.

"Kapit bahay lang po. Medyo mahina pa po kasi ang katawan ko kaya nagpasama ako sa kanya hehe” sabay kamot ko sa ulo ko.

“Ohh, pero hi’ja” sabay tapik nya sa akin at bumulong sa tenga ko “May girlfriend ba yun? Bagay kayo eh” sabay tawa nya ng malakas, ako naman napatawa na lang din ng mahina sabay sabing “Hindi ko po alam”

“Mhie--- ahm I mean Cindy, ito na yung map natin, mukhang madali naman.” Sabay abot nya sa kin ng isang bond paper na may drawing ng playground. “Galingan natin Tintin! Para tayo ang manalo okay!”

“Opo Dhie-dhie!”

“Everyone got all their maps already? Sisimulan na po natin ang race event! Ang venue ay ang Sunshine Park! So everyone get ready!”

Lahat naman ng pamilya ay naghanda na para sa gaganaping event kaya ganun din kami, nagdala ako ng isang extra bag na hindi gaanong malaki para pwedeng paglagyan ng inumin,bimpo at biscuits in case na kaylanganin habang nasa labas.

“Okay everyone! Get ready! Sunshine Day Care Race Event starts--------“

“Sandali!! Wala pa kaming map!!” narinig naming sigaw ng isang matanda

“Patay” narinig ko na halos sabay pa kami na nasabi ni Mike ang word na yun.Eh kasi patay talaga! Bakit andito s’ya?!!! Anong ginagawa n’ya dito?!

“Andy!!” sigaw ni Tintin habang tumatakbo papalapit dun sa batang lalaki na kasama ni Sir Balbin.

Opo! Si Sir BALBIN!! Yung guidance councilor sa school namin. Yung matandang masungit!! Kyahh!! Anong ginagawa n’ya dito?!!

“Ako ang sasama sa apo ko, okay lang ba yun? Masyado kasing busy sa trabaho ang Mama at Papa n’ya.”

“Sige po Sir, pakipirmahan na lang po ito at ito na rin po ang map nyo para sa race event” sabi ni Ryan.

Kinilabit ko si Mike at bumulong sa kanya “Dhie, lagot tayo nito”

“Akong bahala dito Mhie.” Okay, sya daw bahala, exhale, exhale,.. este inhale exhale! Kainis!! Halos pabilis ata ng panilis tibok ng puso ko habang papalapit sa kinatatayuan naming si Sir Balbin ng biglang…

“Sir Balbin!!!” sigaw ni Mike with matching happy face and kaway-kaway pa.

Whaaa! Anak ng patola!!

My Professor is My HusbandUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum