MPiMH part 18 (now PUBLIC!)

7.1K 104 22
                                    


Dahil marami po ang nag rerequest, eto na po you can read MPiMH part 18 HERE!! ^^ Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa nito ^_^ 

MPiMH part 18.2 FIRST KISS!!

Inilipat na namin si Mike sa bahay namin para dun na s’ya makapagpahinga sa sarili n’yang kwarto.

“Tsk, 38.2! Mataas na rin ‘to.”

Napatingin lang ako kay Mike na nakapikit dun sa kama pero hindi pa s’ya tulog nakapikit lang s’ya. Naupo ako dun sa kama at hinawakan ko yung isang kamay n’ya.

“Sinabi ko naman kasi sa’yong wag kang lumabas ng umuulan eh. Tignan mo tuloy ang nangyari sa’yo. Kumusta na pakiramdam mo?”

“Medyo nahihilo pero okay naman.” Nag smile s’ya sa kin.

“Hindi ka naman mamamatay diba?”

“Grabe! Patay agad Cindy?! Agad-agad?” sabat ni Ryan.

“Syempre nag-aalala lang naman ako noh!!”

“Hindi naman ako mamamatay Mhie, malakas ako. Konting pahinga lang gagaling na ko.”

“Sorry talaga! Kung hindi sana ako nakatulog agad kagabi eh di sana napigilan kitang lumabas! Eh di sana wala kang sakit ngayon! Sorry!”

“Mhie, wala kang kasalanan. Ako yung nag desisyong lumabas. Kaya hindi mo kaylangang mag sorry. Pero Cindy.”

“Bakit? Anu yun? May kaylangan ka ba?”

“Pwede bang lumabas ka?”

“Huh??  Ano?” nabingi ata ako sa sinabi n’ya.

“Kung pwede ka sanang lumabas kako?” nakangiti n’yang sabi sa kin.

“Pero gusto kong bantayan ka!!”

“Hahaha ,..okay lang ako,konting tulog lang naman ang kaylangan ko.^_^”

“Ayaw mo bang alagaan kita?!”

“Syempre gusto ko. Kaya lang ayokong mahawa ka,kaya sige na lumabas ka na^_^”

“May gana ka pang ngumiti?! Ayoko! Hindi ako aalis dito! Babantayan at aalagaan kita hanggang sa gumaling ka!!”

“Kung ganon sasabihin ko sa’yo  ang totoo Mhie^_^”

“Anong totoo?”

“Ang ingay mo kasi,hindi ako makatulog. Kaya kung pwede sana lumabas ka na para makapagpahinga na ako *cough* “

“NAKAKAASAR  KA!!!! D’YAN KA  NA NGA!! ” tatlong beses kong naihampas  sa kanya yung unan.

====

“Nakakaasar! Nakakaasar! NAKAKAASAR!! Grrrr!!”  pinanggigigilan ko yung hawak kong kutsilyo habang nagtatadtad ako ng luya.

“Huy Cindy! Maawa ka naman d’yan sa luya.”

Pero imbis na tumigil ako mas lalo ko pang pinagtatadtad yung luya iniaangat ko pa yung kutsilyo sa ere sabay bagsak dun sa luya na nasa sangkalan “NAKAKAASAR!!”

“Alam mo Cindy,siguro sinabi lang yun ni Mike para mapaalis ka n’ya sa kwarto. For sure kasi alam n’yang hindi ka aalis sa tabi n’ya. Sinabi n’ya lang yun para hindi ka mahawaan ng sakit n’ya hehehe”

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now