MPiMH Part 29

5.9K 80 8
                                    

Kamuntikan ko na s'yang di mai-update ngayon kasi di ko pa talaga nai-eedit kasi  ang gulo-gulo sa Fairy Tail Guild namin kaya pagpasensyahan n'yo po kung may mga X type, hahahaXD

Pa read po ng story namin ng ateh ako, ang amin DAW diary.

title: The Adventures and Misadventures of High School Days 

ako po si Keiko at si Saya naman ang sister ko^_^

====

MPiMH Part 29

"Nagbago na  nga ang isip ko!! Umalis na kayo ng kapatid mo d'yan! Hindi pa din ako sang-ayon sa ginawa n'yong pagpapakasal!!"

"Pero Lolo---"

"Hoy Cindy! pumayag lang akong patirahin kayo d'yan ni Tintin dahil sinabi mong gustong ipagpatuloy ang pag-aaral mo dun sa pinapasukan mo. Pero kung ako ang masusunod mas gugustuhin kong dito n'yo na lang ipagpatuloy ang pag-aaral nyo!"

"Ayoko nga po Lolo!! Kakaasar ka naman po eei!"

"HINDI NGA KASI AKO SANG-AYON SA PAGPAPAKASAL MO D'YAN SA LALAKING YAN!!"

"Wag po kayong sumigaw Lolo! Masakit sa tenga!! Baka nabubulabog n'yo na po yung mga kalapit bahay d'yan!"

"Eh ikaw nga itong sumisigaw eh!"

"Hindi ah!!

"Lolo, wag po kayong sumigaw. " sabi ni Tintin

"A-ah si Tintin ba yun? S-sorry Tintin, hindi na ulit sisigaw si Lolo."

"Mhie, pakausap kay Lolo." inakbayan n'ya ko sabay kuha nung cellphone ko. "Lolo, si Michael po ito. Kumusta na po kayo?"

Mula sa pwesto ko dinig na dinig ko yung sinasabi ni Lolo. Sigurado pasigaw na naman salita nun.

"HOY LALAKI!! Ilang beses ko itong itinanong sa'yo nung narito kayo ng mga apo ko! WALA BA TALAGANG NANGYARI SA'YO AT SA APO KO?!!"

"Wag po kayong mag-alala Lolo. Wala pa po." sabay tawa n'ya.

Teka, anong sabi n'ya?! Wala PA?!!  *gulps* Kelan kaya?!

"Wag po kayong mag-alala Lolo, wala po akong gagawing masama sa apo n'yo. I definitely did not cross the line." naramdam ko ang pag yakap n'ya sa may bewang ko kaya naman natutop ko ng palad ko yung bibig ko. 

Anong definitely did not cross the line ang sinasabi n'ya?! Hindi ba't lumalagpas na nga s'ya  dahil sa ginagawa pa lang n'ya ngayon?! At saka yung scene dun sa sementeryo, diba muntikan na n'ya kong halikan nun kung hindi lang talaga dumating si Lolo!

"Oy, papasok na kami Mike, Cindy!" sabi ni Ryan. Hindi na namin namalayan na narito na pala s'ya sa loob.

"Babye po Mhie-mhie, Dhie-dhie. Mwah mwah!"

"Babye Bhie." nginitian ko na lang si Tintin kasi hindi ako makakalas sa pagkakayakap sa kin ni Mike. Hanggang sa mapansin ko yung relo sa braso n'ya. "Dhie."

"Hmm?"

"Dhie!! 7:35 na!! Pareho tayong male-late sa first subject natin!!" 

"Ha?!!" tinitigan n'ya yung wristwatch n'ya para makasiguro "Oo nga!! Patay!! Lolo, sa susunod na lang po ulit! Babye!" sabay pindot n'ya sa end call button at iniabot na sa kin yung phone. "Bilis Mhie!"

"Bakit kasi tinanghali ka ng gising!!" halos aligaga na ko sa pag susuot ng medyas ko s'ya naman inilagay na sa bag n'ya yung baunan n'ya at folders.

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now