MPiMH 41

1.5K 36 4
                                    

Cindy's POV


Grabe ang kasosyalan ng barko na ito. Simula nung makapasok kami rito at nung makita ko ang mga gamit ay alam ko na mamahalin at original lahat ng gamit dito, tuwang-tuwa nga rin si Tin-tin ng makita ang mga gamit dito sa loob.

Sa entrance ng barko maririnig mo na agad ang tugtog ng mga inarkila nilang musikero, pero hindi sila yung marching band ha, yung mga string instruments ang tinutukoy ko.

May lumapit sa amin na isang staff ng barko at hiningi ang ticket namin, agad naman yun ibinigay ni Mike sa kanya at pinatuloy kami.

“Welcome to Diamond cruise ship, enjoy your dinner and your stay here Mam and Sir.” Sabi nya at nai guide kami ng isang boy papasok sa may dining area. Sa may likod naman ay sina Yuu at Miggy,sila yung magpartner at sa last naman ay sina Ryan at Tin-tin, at ano pa ba namang aasahan? Syempre hindi maiiwasan kay Ryan na makipag flirt, kahit saan naman yata. Napakirong na lang tuloy kami lahat.

Naihatid kami sa isang table for two,inalalayan pa nga ako ni Mike na makaupo duon. Kinilig tuloy ako hihihi.

Sa may hindi kalayuan naman ay ang table nina Ryan, table for 4 persons yun. Tinanong namin kung pwede sana na dun na lang sila sa table sa likod namin kaso di na daw pwede kasi naka reserved na daw yun, late daw kasi nag pareserve si Yuuka. Yeah, sya ang nagbayad ng ticket nina Miggy, Ryan at Tintin, mayaman sya eh diba?

Nag-eenjoy pa rin talaga ako sa view. Ang sarap siguro magtrabaho dito. Kung dito ako nagtatrabaho baka ayoko na umalis ng barko na to, parang Titanic ang peg nito eh. Naku, wag sana lumbog! Charot!

“Mhie, nagustuhan mo ba?” nakatingin na pala sya sa kin at hinawakan ang kamay ko. “Kanina ka pa kasi tumitingin sa paligid.”

“Oo naman Sir Mike, napakaganda talaga dito. Dati kasi nanunuod lang ako ng Titanic, never ko naisip na one time eh makakasakay rin pala ako sa totoong barko.”

“Call me Dhie, or Mike if you want, don't worry” lumapit sya ng konti sa kin at bumulong “walang makakilala sa ‘tin dito.” Sabay wink nya sa kin.

Please lang! wag ka kumindat Mike! Alam mo ba na hulog na hulog na yung puso ko sayo ngayong gabing ito? Baki pati panty ko mahulog, charot!!

“Sure, Mike.”

Nag serve na ng food yung waiter, first nila nai serve ang appetizer. Soup ito na may kasamang crust. Tumingin ako sa side nina Tintin, halatang ayaw nya nung appetizer kaya ibinigay na lang nya yun kay Miggy na katabi nya sa right side.

“Wag mo na sila intindihin, this is our night. Lets enjoy our anniversary dinner date.”

Nag nod at ngumiti ako sa kanya at kumain.

Habang kumakain kami may nag pa-play ng violin na umiikot s buong dining hall, tumutugtog sila per table, para na rin siguro hindi ma-bored yung mga customers.

Next na naihain nila sa amin ay ang main dish, actually na-order na namin ‘to kanina bago pa magstart yung dinner. I ordered steak, well done, habang si Mike naman ay isang plate ng Pot-roast pheasant with pearl barley & stuffed onions, basta yun ata tawag doon.

Nag enjoy talaga ako sa food dito sa barko, sobrang sarap nya. Yung steak dahil well done, eto ang lambot talaga. Kung pwede ko lang ito lantakan ng bongga kaso hindi pwede kasi baka pag tinginan ako ng mga tao dito. Tsaka sayang naman kung masisira ang postura dahil sa bad etiquette sa pagkain.

After ng main course, syempre dessert na ang next. Nakita ko na strawberry ice cream ang inorder ni Tintin, coffee naman sina Miggy at Ryan at kay Yuuka naman ay isang slice of cake. Sa akin naman ay isang slice ng mango cake at coffee rin ang inorder ni Mike. Oh well boys are boys, they don't like cakes and ice cream.

After ng dinner hindi naman agad babalik yung barko, ang sabi nila 9PM pa daw ito makakabalik sa pantalan. At dahil nandito na lang din naman kami ienjoy na rin ang view, sayang ang ticket.

Iniwan nila kami ni Mike dito para daw may privacy kami.

“Mike, thank you sa gift mo ha? Nag eenjoy talaga ako. Tignan mo yun oh, may fireworks sa MoA.” Ang ganda-ganda talaga ng view. Nakaka-inlove!

Ai oo nga pala!!

Nakalimutan ko, dapat nga pala makuha ko ngayun yung first kiss ko kay Mike!

“Mike--- eh?” pagharap ko kasi sa kanya ang sama ng tingin nya dun sa mga lalaki na hindi kalayuan sa min. “May problema ba?”

“H-ha? W-wala.” Hinubad nya yung suot nyang coat at pinasuot iyon sa kin. “Baka lamigin ka. Tsk! Bakit kasi ganyan pinasuot sayo ni Yuuka? Ang ikli! Humanda talaga yun sa kin.”

“Mike.”

“Hmmm?” yumakap sya mula sa likod ko at yung baba nya eh nakapatong sa left shoulder ko, pero hindi sya nakatingin sa kin, pinapanuod nya yung fireworks.

Ito na! malapit na!

Sabi sa kin ni Yuu, kung ayaw daw ibigay sa kin ni Mike ang first kiss ko , ako daw ang kumuha nun.

Agad ko kinapitan ang ang magkabilang pisngi nya at inilapit ang mukha nya sa akin. Wala na ‘kong pakialam kung magagalit sya sa kin, basta gusto ko lang mahalikan sya. Pag nagawa ko na mababawi pa ba nya? Diba hindi na?

I closed my eyes then kiss him.

Finally!

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now