MPiMH Part 60

1.5K 27 13
                                    

MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (FINAL CHAPTER)



“Kailangan ba talagang umalis ka?”


Tanong niya sa akin habang siya'y nakayuko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at dahan-dahan kong iniangat ang kanyang mukha para makita ko siyang mabuti.


Mapula ang mga mata niya na tila ba kagagaling lang niya sa pag-iyak.


“Mhie?” tawag ko sa kanya pero ayaw nya tumitig sa akin. “Paano ako aalis niyan? Maiiwan ba kita ng ganyan ka?”


“Wag ka na kasi umalis! Dito ka na lang!” maktol niya. “Sabihin mo sa Daddy mo ayaw mo kaming iwan ni Tintin. Matitiis ka ba naman nun?”


“Cindy, napag-usapan na natin ito hindi ba? Kailangan kong umalis, para sa inyo ni Tintin ang gagawin ko.”


“Pwede mo naman ituloy ang pagtuturo mo dito. Bakit ba kasi pumayag ka pa sa kundisyon ng Daddy mo?” sabi nya habang umiiyak.


Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa Daddy ko dahil pinahihirapan nya kami ng ganito? O sa sarili ko, dahil hindi ko man lang maipaglaban ang karapatan ko?


Karapatan kong pumili kung anong gustuhin ko.


At ang gusto ko ay makasama ang babaeng minamahal ko.


“Give her a chance to stand on her own. She’s still young. Marami pa siyang mararating gamit ang sarili niyang kakayanan. Magtiwala ka sa kanya, Michael.”


“Cheer up Mhie,” sabi ko sa kanya. “I’ll give you a year.”


“A year?” patanong niyang sagot at tumango naman ako. “Ang tagal naman nun.”

“Nope,... that’s enough time for you to prove yourself,” I told her. “Gusto ko, sa loob ng isang taon na iyon mahalin mo ang magiging work mo. A year is already enough para ma enjoy mo pa ang pagiging teacher mo.”


“Mas mag eenjoy ako kung kasama kita.” Nakasimangot na sabi niya.


Niyakap ko siya ng mahigpit, “Mhie, mhie, mhie. Please pakinggan mo naman ako.” Ang hirap para sa akin ng ganito. Sana pala talaga hindi na lang ako pumayag na ihatid nila ako dito sa airport.


“Ang kulit mo kasi! Pwede namang wag na lang umalis!” pasigaw na sabi niya. Hindi man ganun kalakas dahil nakalapat ang mukha nya sa dibdib ko pero alam ko na sinisigawan na niya ko.


“Enjoy this whole year Mhie,” mas mahigpit ang ginawa kong pagyakap sa kanya at inilapit ang aking bibig sa kanyang tenga at bumulong. “Next year, you'll be busy taking care of me and our future family.” At hinalikan ko siya sa tenga na ikinagulat naman niya.


“Dhie!” sigaw niya at kumawala siya sa yakap ko habang nakahawak siya sa tenga nya na hinalikan ko. “Kaasar ka naman eh!” sigaw na naman niya. Nakakatuwa siyang pagmasdan kasi namumula na siya.


“Bakit? Ginawa ko rin naman yun sayo nung isang linggo pagkatapos ng kasal natin diba?” pigil na tawang sabi ko.


“Wag ka ngang tumawa-tawa diyan!”  lalo na siyang namula sa hiya at nagtago sa likod ni Ryan na may karga naman kay Tintin.


“Good luck tol! Ingat ka dun.” Paalam ni Ryan.


“Dhie-dhie, big girl na po ako kaya di na po ako mag cry. Tatawagan mo po ko lagi ha?” sabi naman ni Tintin.


“Good girl talaga ang bhie-bhie ko,” inabutan ko siya ng isang candy at hinalikan sa noo. “Take care of Mhie-mhie okay? Magpapakabait ka. Pagbalik ko, bibilhan kita ng maraming toys.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now