MPiMH Part 58

1.3K 25 24
                                    

CINDY's POV

MpiMH part 58

"Nababaliw ka na ba?"

Nababaliw na nga ba ako? Ano ba pumasok sa isip ko at sinabi ko kay Sir Mike na pakasalan nya ako?

Pero bakit tila yata ang saya ko? Parang matapos ko sabihin sa kanya yun, parang gumaan ang nararamdaman ko?

"Ano Cindy? Sagot!"

"Mahal ko po s'ya Tito."sagot ko.

"Mahal ko po siya. Maaaring ngayon ko lang po naamin sa sarili ko, pero ayoko po siyang mawala sa akin. Tito hindi ko po yata kaya.” pakiramdam ko babagsak yung luha ko pero pinilit ko na wag lumabas ang mga iyon.

''Sigurado ka ba? Baka naman nabibigla ka lang?'' tanong niyang muli at tumango naman ako.

''Alam mo naman na mahal ko kayo ng kapatid mo hindi ba? Siguro,…siguro kung nandun lang ako nung araw na namatay ang mga magulang n'yo at kung sana naalagaan ko kayo noon pa, siguro wala tayo sa sitwasyong ganito?''

''Hindi rin po, tinadhana--'' tumigil ako pagsasalita nung tila babatukan ako ni Tito. ''Tito naman eh.''

''Tinadhana ka d'yan. '' bumuntong hininga muna sya tsaka sya humarap ulit sa akin. ''Ang gusto ko lang ay ang kaligayahan mo pati na rin ni Tintin. Ayokong nasasaktan kayong magkapatid. Baka hindi ko kayanin na harapin si Kuya sa kabilang buhay pag may nangyaring masama sa inyong dalawa.''

''Ay sus si Tito, di ka pa kukunin ni Lord. Masamang damo ka po, sa inyo nga po ako nagmana eh'' bulong ko sa kanya sabay tawa ng malakas, pinag kukuti naman ako ni Tito ''Aray!''

''Yan ba ang attitude ng gusto na mag-asawa? Yan ba ituturo mo sa mga magiging anak mo?'' kumirong naman ako. ''Magtino ka Cindy. Alam ko bata ka pa para sa ganitong sitwasyon, pero alam ko na may isip ka na para maintindihan kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Kung sa tingin mo ay mahal mo talaga ang lalaking yun na nasa labas? Sige, hindi kita pipigilan, mas gusto ko naman na maging masaya ang pamangkin ko kesa naman ikulong kita rito na hindi ka naman masaya hindi ba?''

“Masaya naman po ako dito Tito. Totoo po yun, maraming salamat po sa naitulong n'yo sa amin ni Tintin. Pero iba po siguro yung magiging saya ko kung sasama ako sa taong mahal ko hindi po ba?”

Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Tito ng mahigpit kaya yumakap na rin ako sa kanya. The best Tito ko talaga sya.

''Basta pag pinaiyak ka ng gagong yan umuwi ka kaagad ha?  Open na open ang bahay ko para sa inyo ni Tintin. Wag ka magdadalawang isip na dito tumakbo pag kailangan mo ng tulong.'' narinig ko na lang na parang humihikbi na si Tito habang yakap pa rin ako.

''Pag sinaktan ka ng lalaking yun ako bubugbog sa kanya, papatayin ko yan... Ayokong sasaktan ka nun, parang anak na turing ko sa inyo. Kaya wag niya lang talagang tangkain ako talaga makakalaban niya.''








Naglalakad-lakad kaming dalawa ni Sir Mike sa park na malapit sa amin. To be honest hindi pa niya alam yung napag-usapan namin ni Tito, an gusto ko kasi ako mismo magsasabi sa kanya.

Paglabas pa nga lang namin ng kuwarto ni Tito puro matatalim na tingin na ang ibigay ni Tito sa kanya. Gusto niya yata patayin si Sir Mike sa titig niya.

Napatawa tuloy ako bigla kaya napahinto kami pareho paglalakad habang nakatingin si Sir Mike sa akin na tila sa tingin niya ay weird ako?

''i-im okay'' pinipigil ko pa rin ang pagtawa ko. Okay kalma Hingang malalim…okay kalma. ''Okay na ako.'' sabi ko habang nakangiti.

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now