MPiMH Part 38

3.5K 78 33
                                    


MPiMH Part 38

Sa ayun nga, naikuwento nya sa kin yung 1stpart pero tulad ng sabi nya itutuloy daw nya sa isang araw, kaya hindi ko sya tinigilan hangga't hindi nya yun itinutuloy.

"Akala ko pa naman nakaligtas na ko." Napakamot pa sya sa ulo.

"Sorry ka, maupo ka na dyan at magkwento ka ulit."

"Okay," naupo sya sa harap ko, pareho kaming naka Indian sit. "Yun nga, mahilig na akong mag-aral, hindi na ako sumasama sa pakikipagbasag ulo, kaya yung mga dati kong katropa at kasama sa kalokohan eh gumawa na ng paraan para bumalik ang dating masamang ako. Kinuha nila Brix noon si Teacher Rosal at ginawang hostage. Kapalit nun eh makikipaglaban ako sa kanila."

"Ang sama pala ni Brix noon?"

"Oo, kaya sabi ko sayo, iwasan nyo sya" piningot nya yung ilong ko. "Nakita ko noon si teacher Rosal, nakaupo sa bangko, medyo madilim, pero kitang-kita ko na may umaagos na dugo sa noo nya na nakapagpagalit ng sobra sa kin,lalo pa nung imbis na ipakita nyang nasasaktan sya eh ngumiti pa sya sa kin na para bang wala lang sa kanya ang nangyari. Sa galit ko , napag susuntok ko sina Brix at yung mga tropa nya, pero sumigaw si teacher Rosal ng meron pa daw sa likod ko, kaso di ko na nasalag kaya nagdugo yung ulo ko dahil sa hampas gawa ng makapal na kahoy. Pero naging advantage pa rin sa kin yun kasi nalaman ko kung ilan talaga ang mga kalaban ko noong araw na yun. Syempre hindi ako nagpatalo, hanggang sa huli ako pa rin ang nanalo. Natutuwa kami nun ni Ryan kasi nailigtas namin si Sir, hanggang sa bumagsak na lang sya sa harapan namin. Noon namin nalaman na may sakit pala sya, may sakit sya sa puso. Mabuti na lang agad naming syang naitakbo sa ospital, dahil baka kung hindi maaaring patay na sya ngayon. Pero matapos yung insedenteng yun, hindi na sya bumalik ulit sa school naming, hindi pa daw kasi sya nakakalabas ng ospital. Sabi ko pa naman sa sarili ko, gagraduate ako para sa kanya, kaya sana makapunta sya, kasi sya yung naging inspirasyon ko nung mga oras na yun. Pero hindi sya nakadalo, kaya ako na ang nagpunta sa ospital para dalawin sya. Alam kong nahihirapan sya dahil sa sakit nya, pero humarap pa rin sya sa kin ng nakangiti. Ibinigay ko yung nag-iisang medal na nakuha ko nung graduation at sinabi nya sa kin na ipagpatuloy ko ang buhay,kunin ang kursong gusto ko at maging matagumpay sa propesyong kinuha ko. Sabi ko sa kanya, magiging isa akong mabuting guro tulad nya, at pag nangyari yun, tska lang ako haharap ulit sa kanya."

"Ah, kya ka pala naging professor?" tumango naman sya. "Pero bakit hindi ka pa ulit nagpapakita sa kanya? Isa ka ng professor ngayon, may napatunayan ka na---"

"Kulang pa, alam kong kulang pa. Gusto ko pang maging mas matagumpay para mas maipagmalaki nya ko. Kapalit nun, hiniling ko sa kanya na kaylangan nyang maging malakas para sa kin, hanggang sa dumating ang araw na maipagmalaki nya ko."

Ewan ko ba naman dun kay Sir Mike, andaming kasentihang alam eh eh! Pupunta na lang sa ospital andami pang arte tsk!

Krrrrriiiinnnnggg!!! Krrrrriiiinnnngggg!!!!

"Yes? Hello, good afternoon, Hernandez res---- Ha?? Ano?! SIR MIKE!!!" agad kong ibinaba yung receiver ng telepono at kinuha yung jacket at ibinato yun kay Mike "Pumunta ka sa ospital bilisan mo!!"

"Ha? Bakit? Nanunuod pa ako ng basketball Mhie."

Kinuha ko na rin yung sapatos at medyas nya tinulungan syang isuot ito. "Tumawag si Ryan! Lumala daw ang kondisyon ng teacher nyo at nag-aagaw buhay! Ano ka ba Mike?! Wag mo ng pairalin ang pride mo! Hihintayin mo pa bang makita ang bangkay ng iniidolo mong teacher bago mo sya makita ulit ha?!" halos mangiyak ngiyak na ko habang sinasabi ko yun sa kanya. "Sige na naman please, alam ko na gusto mo rin syang makita! Kaya please!" humarap pa ko sa kanya "Puntahan mo na sya, bago pa mahuli ang lahat." Kasabay nun at ang pagtulo ng luha ko,tumulong na din sya sa pagsisintas ng sapatos nya at kumaripas ng takbo palabas ng bahay, nag-ayos na rin ako ng sarili ko pati si Tintin binihasan ko na rin para makasunod agad kami sa ospital.

My Professor is My HusbandDove le storie prendono vita. Scoprilo ora