MPiMH Part 44

1.4K 23 4
                                    


MPiMH Par t44


Konting tiis na lang. Konting hintay pa makakatapos ka na Cindy. Kaya mo yan!


Kaya ko'to!


Ilang linggo na ang nakalipas. Parang ang dami ng nangyari. Dati kaka start lang ng school year ngayon halos patapos na naman. Kelan lang natapos na ako sa OJT ko. Dun ako nag OJT sa school nina Ryan para na rin mabantayan ko si Tintin. Buti na lang wala akong naging problema noon kasi tinulungan ako nina Ryan at Princess. Minsan binibisita ako ni Sir Mike. Thankful ako kasi natapos ko yun ng walang problema.


Ngayon isa na lang ang kinakaharap namin.


Ang thesis.


Ito na yung part na makakapag sabi kung makaka graduate talaga ko. Syempre ginagawa ko ang lahat para maipasa ko ito. Ito na lang yung problema na haharapin ko. Pagkatapos nito, ga-graduate na ako at hindi na naming kailangan pa itago sa lahat ang relasyon namin.


""Yuu, may time ka ba bukas?"


"Hmm? Marami naman akong time sissy." Sabi niya habang naglalagay siya ng nail polish.


Tapos na yung klase namin at andito kami ngayon sa canteen para magpalipas oras.


Oo nga pala, siYuu, sa ibang bansa siya nag ojt pati na rin si Miggy. Kababalik lang nila nung isang araw. At ano pa nga bang aasahan mo pag galing ibang bansa? Sobrang dami lang naman nilang pasalubong. Binigyan ako ni Yuu ng mga damit at bags, di ko naman magamit kasi mga formal dress yung binigay niya, chocolate naman ang binigay sa kin ni Miggy. Kay Sir Mike, watch at long sleeves ang pasalubong nila, shoes kay Ryan at mga manika at laruan ang para kay Tintin.


"Gawa kasi nung thesis natin Yuu. Hindi pa natin tapos eh."


"Hmmm, chotto..." napatingala siya saglit na parangnag-iisip. "Ay naku one, kahit hindi na ko maka-graduate, ayoko na pasakitin ulo ko hihi. ITAII!!!! Baka Miggy-kun!"


"Bakit ka pa nag-aral kung ayaw mo rin naman pala makagraduate?" napabuntong-hininga siya nung naupo siya sa tabi ni Yuu. "Nakakabaliw 'tong thesis namin,masakit na ulo ko."


"Told yah! Kaya wag mo na asikasuhin yan Miggy-kun. Kahit naman hindi ka pumasa may company ka na pwede mo pasukan."

"Stupid." Bulong naman ni Miggy.



MIGGY'S POV


Nakakabagot ang araw na ito. Gusto ko na lang umuwi sa bahay at matulog o kung hindi naman kaya eh manuod ng maraming pelikula. Tama! Movie marathon na lang siguro.


"Hi Miggy!!!" tili nung apat na babae na nasa bench.


My Professor is My Husbandजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें