MPiMH Part 54

982 15 3
                                    


MPiMH Part 54 


Miggy's POV


"Gutom ka na ba Miggy? Konting hintay na lang matatapos na 'tong niluluto ko." nakangiting sabi ni Ryan sa kin habang nagluluto s'ya.


"Bakit nga pala ikaw ang nandito? Bakit wala si Kuya simula pa kaninang umaga." marahan kong ininom ang juice na naialok n'ya sa akin kanina. "Hindi pa ba s'ya uuwi? Maggagabi na ah." 


"Alam mo, ang dami mo'ng reklamo, magkapatid ba talaga kayo?" sagot naman n'ya kaya tinitigan ko s'ya ng masama. "Hep, ito naman nagtatanong lang, friends tayo remember?" 


"Sa pagkakaalam ko, si kuya ang kaibigan mo, hindi ako." 


"Suplado ka talaga. Sige ka walang magkakagusto sa'yo pag ganyan ka. " 


"Ano ba?!" saway ko sa kanya, at ang loko tinawanan lang ako. Kainis talaga. 


Napatingin kami pareho ng biglang magbukas ang pintuan at pumasok si Kuya may dalang malaking asul na paper bag. Napatingin sya sa amin ni Ryan. Siguro iniisip n'ya kung ano ang ginagawa namin dito sa bahay n'ya. 


"Kanina ka pa namin hinihintay." seryoso ko'ng sabi sa kanya. Wala naman s'yang naisagot sa akin at naupo na lang s'ya sa bakanteng upuan sa harapan ko. 


Grabe ang itsura n'ya. Hindi ba s'ya natutulog? Halos mugto yung mga mata n'ya, medyo namayat rin ata s'ya? 


"Hindi ka ba kumakain?" sita ko sa kanya pero hindi pa rin s'ya umiimik. "Mukha ka ring walang tulog." 


Muli s'yang tumayo at kumuha ng isang bote ng beer sa ref at ininom iyon. "Ano ba kuya!---"


Nagulat na lang kami ni Ryan sa sumunod n'yang ginawa. Ibinato n'ya ang hawak n'yang beer at saka tumingin ng galit sa akin. 


"Ano?! Masaya na ba s'ya ha?!" pasigaw n'yang tanong sa 'kin. "Gusto n'ya talaga na nakikita akong malungkot nang ganito? Nasasaktan?... Wala ba akong karapatang maging masaya?!" 


Agad naman s'yang pinigilan ni Ryan pero nagpupumiglas siya. "Mike tama na, lasing ka na." 


"Hindi eh! Gustong-gusto ata nila lagi akong nakikitang malungkot at nagdudusa!" sa pagkakataon ito ay pumatak na ang luha sa mga mata n'ya. Parang hindi s'ya ang Kuya Mike na nakilala ko na laging nakangiti at laging positive lang ang iniisip sa buhay. 


"Ano pa ba'ng gusto n'ya? Willing naman ako gawin lahat...but please, please I want my happiness back."




"I want Cindy back..." yun na lang ang sinabi n'ya bago s'ya nawalan ng malay. 








'He's waisted." sabi ko matapos namin ayusin si Kuya sa pagkakahiga. He need to rest, masyado s'yang nasaktan dahil sa nalaman ni Cindy na peke ang kasal nila. "It's his fault. Kung mahal n'ya talaga si Cindy, sana hindi n'ya pineke ang kasal nila."


"Hindi mo kasi naiintindihan Miggy." sagot naman ni Ryan matapos n'yang kumutan si Kuya. "Tara kwentuhan tayo." niyaya n'ya ako palabas sa veranda at naglabas din s'ya ng beer at pulutan din na dapat sana eh uulamin namin ngayong hapunan.  "Here." sabay alak n'ya ng beer sa akin kaya kinuha ko iyon.


"Ano ba nakita ni Kuya sa babaeng yun?" tanong ko sa kanya at uminom. "Hindi naman sexy, hindi rin brainy, what's her talent? Anong meron sa kanya? Maybe naawa lang si Kuya kaya n'ya tinulungan sina Cindy noon." 


Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ryan kaya napalingon ako sa kanya, this time nakasandal na siya.  "Hindi s'ya awa Miggy. Maaring hindi mo pa kasi nararanasan ang magkagusto ng sobra sa isang babae kaya hindi mo alam?" 


"Yeah right, thanks to someone na isang playboy." napangisi ako sa kanya at muling uminom. 


"Hey I am serius here." napanguso s'ya.


"Okay, continue what you're saying Mr. Playboy."  sabi ko. 


"Let's say love at first sight? Hmmm nah. Maybe may something kay Cindy noon na naka attract sa Kuya mo? Kilala ko na yang magaling mo'ng Kuya simula pa lang nung kabataan namin, alam ko na timpla ng utak n'ya. Magkapatid man kayo, pero mas matagal ko s'yang nakasama. Hindi 'yan iiyak ng ganyan kung hindi n'ya gusto ang isang babae. Naikwento na ba n'ya sayo?" 


"Ang ano?" patanong na sagot ko sa kanya. 


"Yung unang beses na nagkita sila? First day ng kuya mo noon as professor, kabang-kaba nga daw s'ya noon pero si bigla n'yang nakilala si Cindy at inabutan s'ya ng candy. Gago nga 'yang kuya mo parang kinikilig habang nagkukwento sa 'kin, nakakakilabot" sabay tawa n'ya ng malakas. "Nakatabi pa nga yung candy wrapper sa wallet n'ya, secret lang natin yun ha?" at tumawa s'ya ulit. 


"Ang corny, tss." 


"Anong corny? Feeling bagets 'yang kuya mo no, jologs" at patuloy s'ya sa pagtawa, ako naman tinitigan ko lang s'ya kaya tumigil s'ya pagtawa at naupo ng maayos. "Sige na nga seryoso na. Peke yung kasal kasi ang sabi sa akin ng kuya mo noon eh bata pa si Cindy, at baka dumating daw yung araw na magkagusto s'ya sa iba. Ayaw n'yang pigilan si Cindy sa mga ganun, syempre siguro naisip n'ya na napilitan lang si Cindy na magpakasal sa kanya. Ayaw n'yang matali si Cindy sa kanya lalo na't hindi s'ya sigurado sa nararamdaman n'ya para sa Kuya mo diba?" 


"By that time wala talaga silang relation kay Kuya?" tanong ko.


"Ay naku wala talaga. Inis na inis nga yun kay Mike dati kasi lagi na lang daw pinapakialaman ni Mike yung buhay nilang magkapatid. Kaya ayun parang mas natauhan yung Kuya mo na mabuti na lang at peke yung kasal, less hassle pag naghiwalay sila diba? kasi sa umpisa pa lang wala na talagang legal na kasal na naganap. Kaso dumating yung hindi inaasahan, pareho silang na fall sa isa't-isa. Hay pag-ibig nga naman."


Nagpatuloy kami sa pag-iinom, pero yung isip ko may kung anu-anong  gumugulo. 


"Can you do me a favor?" bigla ko'ng natanong si Ryan, napatingin s'ya sa akin tila hinihintay ang sasabihin ko pero wala akong sinasabi sa kanya, basta na lang s'ya nagsalita na tila may nabasa s'ya sa isip ko. 


"Sure!"










My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon