MPiMH Part 57

2.1K 43 44
                                    







MIKE's POV





"Psst!"

Nagpatuloy ako sa paglilinis ng sala. Ngayon lang ata ako ulit nakapaglinis ng bahay ko. Simula kasi nung umalis sina Cindy bihira na ako gumawa ng kung ano, madalas si George ang naririto para asikasuhin ang bahay ko. Kahit pigilan ko siya hindi naman siya hihinto. Kung minsan si Ryan madalas tumambay dito para na rin hindi na daw siya magluluto sa bahay niya at dito na lang siya nakikikain para naman daw may kasama ako. Natatakot daw siya na baka saksakin ko ang sarili ko pag naiwan akong mag-isa dito. 

"Pssst!" 

Pero ngayong bumalik dito sa bahay ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko, naging masigla ulit ang buhay ko. Hindi man ganun kasigla kumpara noon, pero pakiramdam ko may rason pa rin ako para magpatuloy mabuhay. 



Marahan ko nai-slide ang pintuan ng aparador at naupo. Nakita ko na nakaupo sa loob noon si Tintin habang nakangiti. 

"Bakit nagtatago ang bhie-bhie ko ha?" sabay kiliti ko sa kanya kaya tawa s'ya ng tawa. 

"Tama na po Dhie-dhie!" sabi niya mula sa pagitan ng mga pagtawa niya kaya tinigilan ko na dahil mahirap na at baka kabagin pa s'ya kakatawa. "May secret po ako Dhie-dhie. Halika po." 

Umabante ako ng konti palapit sa kanya at may naituro siya sa akin na isang papel na nakaporma na eroplano. 

"Gawa po tayo ng letter Dhie-dhie." mungkahi niya. "Alam niyo po ba? Sabi po sa amin ni Teacher Ryan sa school? Pag daw nag-aaway-away kami nina classmates ko po, hindi daw po kami magkakaroon ng gift sa Christmas?" 

Ginulo ko ang buhok niya. "Naniwala ka naman dun sa Teacher Ryan mo?" natawa tuloy ako pero seryoso lang ang mukha ni Tintin. 

"Totoo po yun!" giit niya. "Sabi pa po niya, dapat daw po lagi kami magkakabati. Tinuro niya nga po sa amin ito noon." ipinakita niya ang hawak niyang eroplanong papel. "Kapag daw po gusto namin mag sorry tapos gusto po namin makipagbati , gumawa lang daw po kami ng eroplanong papel tapos paliparin daw po namin yun, makukuha daw po yun ng gusto namin bigyan nung sulat." 

"Talaga?" pinisil ko ang pisngi niya. "Nakagawa ka na ba ng eroplanong papel at pinalipad mo yun?" 

Tumango siya, "Opo. Nung mag sorry po ako kay Mhie-mhie. Kasi napagalitan niya po ako nung naiwan ko po yung toys ko sa sala kina Tito at naapakan niya po kaya nadulas siya. Natatakot po ako na pagalitan kaya nagpalipad na lang po ako ng ganito at bumagsak po yun sala at nabasa ni Mhie-mhie, may sorry po yun sa loob Dhie-dhie." 

"Pinatawad ka ba naman ni Mhie-mhie mo?" 

"Opo. Tapos nag promise po ako sa kanya na hindi ko na po kakalimutan yung mga toys ko. Oh diba po Dhie-dhie totoo po itong eroplanong papel ko? Gawa po tayo sige na po." may determinasyong sagot niya sa akin. 

Naupo ako sa sofa na hindi naman ganun kalayo sa aparador kung saan siya nagtatago. "Para kanino naman yung gagawin natin?" 

"Kay Mhie-mhie po!" mabilis niyang sagot. "Sulat mo po kung ano po yung gusto mo po sabihin sa kanya tapos paliparin po natin." 

Mga ilang sandali ko ata siyang tinitigan bako ako nakumbinsi na tumayo at buhatin siya. "Okay! Gagawa tayo ng eroplanong papel. Tapos ibibigay natin kay Mhie-mhie mo okay? " 

"Yehey!!" sigaw ni Tintin

"Buhay ay eroplanong papel, dala ay pag-ibig, ito'y lumilipad..." mahinang kanta ko, napatingin naman sa akin si Tintin. "Oh bakit? May dumi ba si Dhie-dhie sa mukha?" 

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now