MPiMH Part 30

6K 78 6
                                    

 MPiMH Part 30

Bakit parang ang tahimik ata?

"Mhie? Tintin?" pero walang sumasagot kaya pumunta na ako sa kwarto nila dahil baka pareho pa silang tulog hanggang ngayon. Pero pagbukas ko ng pintuan ng kwarto nila, halos nawala na ang ilan sa mga gamit nila.

"Oo nga pala. Dun na nga pala sila umuwi kahapon sa Tito nila. Ang tanga ko talaga!" sabay gulo sa buhok ko at bumuntong hininga.

"Kakayanin ko 'to. Kaylangan kong masanay na wala sila."

-====-

"Ayan, ang cute-cute mo na ulit Tintin!" iniharap ko s'ya sa salamin. "Oh diba?"

"Whoaa!! Mhie-mhie, ipapakita ko po kay Dhie-dhie!!" tumakbo s'ya sa sala pero bigla s'yang tumigil at humarap sa kin. Napansin ko ang na biglang lumungkot yung mukha n'ya na para bang iiyak. "S-shi *sobs* Shi Dh-Dhie-Dhie? *sniif* "

Lumapit ako sa kanya at pinahid yung luha sa mata n'ya. "Nakalimutan mo na ba? Narito tayo ngayon kay Tito-tito."

"Bahay po ito ni Tito-tito?"

"Hm-hm." pag-sang-ayon ko.

"Kelan po tayo uuwi kay Dhie-dhie?"

Kumirong ako. "Tintin, dito na tayo kay Tito-tito titira mula ngayon."

"Ehhh?!!" bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat. Natural, bata pa kasi kaya hindi n'ya alam ang mga nangyayari. Akala n'ya siguro uuwi din kami agad kay Mike. "Wawa po si Dhie-dhie!!"

"Andun naman si Teacher Ryan mo diba? Tsaka ang sabi ni Tito-tito pwede daw tayong pumunta dun pag weekend."

"Week.. en?"

"Hm-hm. Tuwing sabado at linggo."

Nagbilang s'ya gamit ang daliri n'ya. "Mhie-mhie, ilang tulog pa po bago yun?"

Napatawa naman ako. "Ikaw talaga Tintin, sasabihin ko na lang sa'yo kung kelan tayo pupunta dun, okay." nai-pat ko ang head n'ya. "Sige na, kaylangan maaga kitang maihatid sa school mo kasi, malayo dito yung school mo, baka ma-late ka." tatayo na sana ako nang hawakan n'ya yung kamay ko. "Bakit?"

"Balik na po tayo kay Dhie-dhie. Baka po nag ka-cry s'ya kasi wala ka Mhie-mhie."

Gustuhin ko man Tintin, kaso hindi naman ganun kadali. 

I love you You love me ....

"Ay kabayong I love you!!" kamuntikan na kong mapatili ng sobra dahil may kung ano na lang na tumunog "Ano ba yun?! "


We're a happy family 
With a great big hug and a kiss from me to you. 
Won't you say you love me too
I love you You love me 

"Whuaaa!! Barney!" sumabay pa si Tintin dun sa kanta.

I love you You love me 
We're a happy family 
With a great big hug and a kiss from me to you. 
Won't you say you love me too
I love you You love me 

Pakirinig ko, sa bulsa ko nanggagaling yung tunog. Eh phone ko yung nasa bulsa ko.

"Tawag? Alah! tawag ba yun?!" agad kong kinuha yung phone ko at nakita ko yung nasa LCD

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now