MPiMH Part 59

966 19 10
                                    



Pag sikat ng araw ay maririnig na ang lahat. May mga naglalakad sa pasilyo at may maririnig ka rin na sumisigaw na bilisan at ilagay yan rito. Nasa sala ang ilang kagamitan at nag-aayos na rin ang mga Tita ko. Si Tintin naman ay inaayusan na rin ng buhok.


“Mam?” bati sa akin ng isang babae. “Ready na po yung room ninyo? Photoshoot na po tayo?” Inakay nya ako papasok ng kwarto.


Pag bukas ng pinto bumungad sa harapan ko ang nasa loob noon. May ilang mga tao ang may hawak ng camera, ang ilan naman ay mga make up artist. Pero hindi sa kanila nakatuon ang atensyon ko. Sa isang sulok ng kwarto ko ay makikita ang isang napakagandang putting gown. Tulad ng kagustuhan ko hindi ito kasing bongga ng ilan. Simpleng puting gown na may belo na hangga bewang ko siguro ang haba. Masaya ko itong nilapitan at hinawakan. Sa tinagal tagal ng aming paghihintay.


Ito na ang araw na aming pinakahihintay.





MIKE'S POV



“Hey man, relax!” tapik sa akin ng kaibigan ko.


Narito na kami ngayon sa loob ng simbahan at nag-aabang. Tawang-tawa nga sa akin ang hayop na ito dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay maaga kaming pumunta sa simbahan.


“Ikaw naman kasi, 10:30 ang kasal mo bro pero dahil sa takot mo na di makatulog at baka tanghaliin ka ng dating eh talaga namang nag stay ka sa bahay ko para lang masigurado mo na darating ka dito ng maaga ano?” natatawa pang sabi nya. “Bro, alas-otso pa lang oh.”


Tinignan ko sya ng masama. “Sa araw ng kasal mo at naging ganito ka rin, sinasabi ko sa'yo Ryan hindi lang kita pagtatawanan, bubugbugin pa kita.”


“Wala pa kong jowa sorry. I am single and ready to mingle.” sabay kindat pa niya.


“Eh diba kayo ni-“ pero tinitigan nya ko ng masama, agad rin naman iyong nawala at bumalik sya sa masayahing si Ryan.


“Single ako okay?” sabay tapik nya sa balikat ko. “Konting oras na lang hindi na single ang best friend ko. May time ka pa para tumakas pare.”


“Gago!” napatawa na lang kami pareho ni Ryan.




Maya’t-maya ay dumarating na ang ilan pang mga bisita. Mula sa mga kaklase at mga kaibigan ni Cindy, pati na rin ilan ko pang mga kakilala. Lahat sila ay lumapit sa akin para batiin ako ng “Congatulations sir!” ang ilan naman ay nanunukso dahil hindi nila akalain na ako pala ang mapapangasawa ng kaibigan nila dahil hindi man lang daw sila nakahalata. Dumating rin sina Yuu, Miggy at pati na rin si Mama Sheryl.


“Congrats anak ko,” bati sa akin ni Mama habang hawak nya ang mga pisngi ko. “Masaya ako para sa inyo ni Cindy. Sana maging masaya ang pagsasama ninyong dalawa.”


“Maraming salamat po.” Sagot ko naman.


“Pinapasama namin si Dad pero ayaw nya,” sabi naman ni Migs. “Baka daw kasi mag mukha siyang kontrabida sa araw ng kasal mo. Alam mo na siguro kung anong ibig niyang sabihin.”

Tumango naman ako. “Hindi ko naman nakakalimutan yon.”


“Oh Mike-kun, congratulations!” sabay yakap sa akin ni Yuu. “You know what? Akala ko tayo ang magiging mag-asawa. But thanks to Cindy, nakatakas ako sa kapalaran ko na yon.” At nag wink sya sa akin at bumulong. “Tulungan mo ko kay Migs ha? Kuya?”


Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Maasahan mo ko Yuu.” Tugon ko.


“Thank you!” sabay yakap nya sa akin.


“Hep hep! That’s enough!” awat sa amin ni Miggy. “Ikakasal ka na kuya.”


“Nasaan na nga pala si Cindy? Narito na ba siya?” tanong ni Mama.

My Professor is My HusbandWhere stories live. Discover now