MPiMH Part 43

1.6K 38 2
                                    


MPiMHPart 43

Ilang araw na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin sa labi ko ang mga labi ni Sir Mike. Hindi parin ako makapaniwala na lumapat ang labi niya sa labi ko.

"ANG TAGAL!!

"Aray!!" agad kong nabitawan yung bowl na hawak ko. Ililipat ko sana yun sa lamesa nang biglang nagsalita si Miggy na ikinagulatko kaya nabitawanko yungowlattumaponang laman nun sa kanang kamay ko. "Angsakit!"

Agad naman sila nagtakbuhan palapit sa kin para tignan ang kamay ko. Si SirMike agad hinawakan ang kamay ko na natapunan nung sabaw, si Ryan agad kinuha yung first aid kit.

"Ayos ka lang ba Mhie?" hinihipan pa niya yung paso ko. "Dadalhin na kita sa ospital."

"Ang OA mo kuya, paso lang kaya yan." Singit ni Miggy agad naman siya hinarap ni Sir Mike.

"Bakit hindi ka magsorry sa Ate Cindy mo? Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagulat. Mag sorry ka." Utos niya pero kumirong si Miggy . "Tsk!"

Lalapitan sana ni Sir Mike si Miggy pero agad ko siyang pinigilan.

"Okay na ko" sagot ko

Agad naman ginamot ni Ryan yung paso ko. Ang swerte talaga ng magiging asawa nito. All around boy na siya.

"Salamat Ryan ha. Sir Mike, okay na ko.' Naikampay-kampay ko pa yung kamayko para maniwala siya. Medyo masakit pa talaga kaya lang kailangan ko mag pretend na ayos lang ako dahil pag hindi mag o-over acting na naman siya.




"Okay class! Dahil sa kundisyon ni Miss Francisco baka mahirapan siya makasabay sa activities natin ngayon. Please give her a hand pag activity time."

Pan ilan na ba siya sa nagsabi ng line nayan ngayon? Simula kaninang umaga yung mga prof ko para akong ginawang baldado eh kanang kamay ko lang naman yung may benda naigagalaw ko pa yungkaliwa yun nga lang medyo mahirap kasi hindi naman ako kaliwete.

"Cindy, pag need mo ng help andito lang kami ha?" sabi nina Tricia na nasa tabi ko.

"Salamat guys ha. Na-appreciate ko yung concern niyo nakaka touch promise huhuhu" nagkunwari pa ako na umiiyak para ma-convince ko sila at nagtawanan naman sila.


Lumipas ang mag hapong klase, wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang making sa mga profs ko. Medyo gumaan lang konti yung trabaho ko as student kasi nga may benda yung right hand ko hindi nila ako gaanong inuutusan na gawin ito at gawin yan.

Oh well, sino ba naman angmagtatangka mag-utos sa kin? Mas sanay yata sila na ako ang nag uutos sa kanila.

"Aray ko po!" agad ako napaatras kasi ba naman sumabit yung buhok ko sa isang sanga. "Aizt! kainis naman to!" dahil kaliwang kamay nga lang yung nagagamit ko medyo nahirapan ako alisin yung buhok ko mula dun sa maliit na sanga. "Peste naman 'tong buhok na 'to!'

Makalipas ang mga tatlong minuto siguro, naalis ko rin yung buhok ko mula sa pagkakasabit. Naka braid kasi yung buhok ko ngayong araw, at take note, si Ryan pa ang nag-ayos nun ha. Minsan nga tinutukso ko na siyang bakla kasi pati gawaing pambababe ay alam niya. Pero sabi niya straight guy daw siya. Nagkataon lang na tatlo ang kapatid niyang babae kaya marunong siya ngmga gawaing bahay pati na rin sa pag aayos ng buhok.

"Kainis! Nagulo tuloy 'tong buhok ko." Pinilit ko ayusin kaso hindi talaga ako marunong kaya hinayaan ko na lang na gulo.Mukha tuloy akong bruha dahil sa buhok ko.

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon