MPiMH Part 48

1.1K 23 0
                                    


Chapter 48


Mike's POV

Matagal na rin nung huli akong makadalaw dito. Tanda ko pa nung bata pa ako madalas ako na tumambay rito kasi lagi namang wala si Daddy sa bahay dahil sa trabaho. Mas gusto ko sa lugar na ito dahil ditto naramdaman ko na magkaroon ng pamilya na hindi ko naramdaman sa Daddy ko.

Halos walang nagbago sa tirahan na ito. Nandito pa rin yung lumang sofa na madalas kong talunan nung bata pa ako. Dito sa sala madalas kaming maghabulan ng kuya ko at kung minsan naman ay naglalaro kami ng wrestling kasama si Papa.

"Michael" sumenyas siya na pumasok kami sa loob nung isang kwarto, kwarto ni Papa. Marahan siyang kumatok at binuksan ang pintuan. Nauna siyang pumasok at naupo sa kama kung saan nakahiga ang itinuring kong ama. "Pa, may bisita ka po." Inalalayan niya si Papa sa pag-upo.

"Pa. Kamusta na po kayo?" tanong ko sa kanya nung maupo ako sa kama niya, si Cindy naman ay nakaupo sa isang upuan sa tabi ng lamesa. "Matagal na rin po nung huli tayong magkita."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinisil-pisil iyon. "Totoo nga ang sinabi ng kuya mo. Malaki ka na, at mas nagging gwapo ka na ngayon."

"Syempre, nagmana po ako sa inyo eh." Napatawa tuloy ako sa sinabi ko. Simula nung bata ako siya na talaga ang naituring ko na tunay kong ama. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Kung minsan humiling ako n asana siya na lang ang tunay kong magulang, na sana sila na lang talaga ni Kuya ang tunay kong pamilya. Kung ganon siguro masaya siguro ako at hindi sana ako nakaramdam ng pangunguli. Sana siya na lang ang naging ama ko, at masaya ako na nagkita pa kaming dalawa.





Cindy's POV

Matagal din na niyakap ni Sir Mike yung tinatawag niyang Papa. Siya yung nakita ko dun sa picture na dinala ni Miggy sa bahay, at yung lalaking nakasuot ng black suit kanina ay yung binatang lalaki dun sa picture na iyon. Hindi ko lang siguro agad nakilala dahil naka formal attire siya ngayon. Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at gaya ko ay pinapanuod rin niya ang dalawa na ngayon ay masayang nag-uussapsa kama. Masaya kami pareho na pinanuod ang dalawa sa muli nilang pagkikita.

"Si Papa ang kanang kamay noon ni Mr. President." Biglang sabi ng Kuya ni Sir Mike kaya napaharap ako bigla sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa Papa niya at kay Sir Mike. 

"Bata pa lang si Mr. President si Papa na ang nag-alaga sa kanya. Kaya parang naging obligasyon na ng pamilya namin maging tigapag-lingkod ng pamilya Hernandez. Halos lahat ng pamilya naming kahit ang Lolo ko at ang mga magulang nila ay naging kanang kamay ng Pamilya nila. Si Mama ang dating Mayordoma sa mansion. Siya ang katuwang ng Mommy ni Master sa lahat ng bagay. Yun nga lang nung mamatay si Madam, umalis na rin si Mama sa mansion dahil wala na raw ang taong paglilingkuran niya at dun na lang din namin nalaman na may sakit na rin pala si Mama na hindi man lang niya pinaalam sa amin. Nagulat na lang kami ni Papa na bumagsak siya at..." huminga muna siya ng malalim bago muli nagsalita.

" Wala na kaming nagawa. Kailangan naming tanggapin na nawala siya sa pamilya namin. Nung mga panahon na 'yun nagluluksa pa rin si Master dahil sa pagkawala naman ni Madam. Siguro nakita ko ang sarili ko sa kanya noon kaya napalapit ako sa kanya. Itinuring ko siyang kaibigan, pero siya naituring niya akong kuya. Napamahal na rin siya kay Papa kaya sinabi ko sa kanya na pwede niya akong ituring na kapatid. Nung mga panahon na yun nag desisyon na ako na gusto ko siyang protektahan. Nag apply ako sa mansion bilang personal assistant ni Young Master para na rin mabantayan siya. Sa sobrang napalapit na siya sa akin at kay Papa mas madalas siyang mag stay dito sa bahay kesa sa mansion at nung bumalik kami sa mansyon, nagulat na lang kami na ikakasal na pala si Mr. President kay Madam Sheryl. Mula nung panahon na yun parang nakalimutan na ng lahat si Young Master, lalo na nung magbuntis si Madam Sheryl at ipinanganak nga si Sir Miggy. Kinausap ako ni Mr. President. Ang pamilya ko daw ang kanang kamay ng pamilya nila. Pinapili niya ako kung kanino ako dapat maglingkod, kung kay Young Master ba o sa bagong silang na si Sir Miggy. Dahil alam ko na mas kailangan ako ni Young master kaya mas pinili ko siya. Pero nagulat na lang kaming lahat nung umalis siya ng mansion , kahit sa amin ni Papa hindi na siya nagpakita. At bilang kami ang kanang-kamay ng pamilya Hernandez ipinasa ako ni Mr. President kay Sir Miggy, ang sinasabing bagong tagapagmana."

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon